H e l l o J o n g d a e - ONE

128 6 3
                                    

Note: Yes, ito ang Hello Tao o ngayon ay Hello Jongdae na! I made a better story for Tao! Sunod sya dito, kaya pending muna! HAHAHA. SANA MAGUSTUHAN NYOOOOOOOOOOOO!!!

So ito ang concept ng Hello Jongdae sa isang chap ay isang episode ng show nila at may mga behind the scenes which is hindi naman na bobroadcast. Iindicate ko na lang kung show na o hindi. Thank youuu!

I really tried my best to write this. sana magustuhan nyo, kung naguguluhan kayo just tell me.

HELLO TAO - ONE

Author's

Pumasok sa isang dorm ang isang babaeng may katangkaran at blond ang buhok. Siya si Eunha, ang leader ng bagong debut na girl group ng SM na Hello Love. Pagpasok pa lang ay nakita na nya ang isang babaeng nakahiga sa sofa at nanood ng tv.

"Unnieee ~" Bati ni Stef kay Eunha. Sya naman si Stef. Isang babaeng may maiksing buhok na kulay pula at ang pinakamaliit sa grupo. Sya ang lead vocalist ng grupo.

Agad tumabi si Eunha kay Stef sa sofa.

"Asan yung iba?" Tanong ni Eunha kay Stef.

"Ah. Si Chanhee, nagluluto ng hapunan tas si Jojo natutulog tas si Erin——" Naputol ang sinasabi ni Stef ng biglang lumabas galing sa kusina si Chanhee. Sya naman si Chanhee ang pangalwang pinaka-matanda sa Hello Love. Siya ang tinuturing na 'umma' ng grupo.

"Unnie? Kamusta meeting? Anong sabi?" Napailing si Eunha.

"Wala. Tungkol lang sa susunod na performance natin sa m-countdown." Napatango yung mga babae. Pinilit ibahin ni Eunha ang topic kasi baka mai-spoil sila sa suprise.

"Chanhee, anong niluluto mo?" Tanong nya.

"Adobo!!!" Napatawa ang tatlong koreana.

"Asan na ba yung nagiisang pilipina?" Tanong ni Eunha.

"Asa taas. Kanina ko pang di makausap." Sagot ni Stef.

"Ha? Bakit?" Tanong ni Eunha.

"Paano ba naman kasi kakalabas lang ng MV ng Call Me Baby. Ito namang si Erin kung makapag-fangirl parang di nakakasalubong sa hallway ang mga EXO-sunbaenim." Napakamot ng ulo si Eunha dahil sa sagot ni Chanhee.

"Paano pa kaya kung nalaman nya yung pinagmeetingan kanina?"  Naiisip ni Eunha.

Napatingin sila sa hagdan ng narinig nilang may bumaba.

"Ang ingay-ingay ni Erin. Jusko." Reklamo ni Jojo sa pagbaba nya. Siya naman si Jojo. Hindi mo aakalaing magaling sya mag-rap sa itsura nya. Girly siya pero pagnag-rap. Bam!

"Paulit-ulit na yung MV sa kwarto." Reklamo pa nya lalo na't silang dalwa ang magkaroom.

"Julia Eriiiiin!" Sigaw ni Eunha para mapalabas ang maknae sa kwarto niya.

"Maknaaaaaaae ~" Sigaw ni Stef. Agad bumaba si Erin. Siya naman si Julia Erin. Ang nagiisang Filipina sa grupo ng Hello Love. Na recruit siya sa Pilipinas ng isang Koreano na employee ng SM. Kung di nyo na hahalata siya ay isang fan ng EXO.

"Ne?" Agad umupo sa tabi ni Stef si Julia.

"Nagfafangirl ka na naman?" Napabuga ng hangin si Erin ng maalala nya ang bagong mv. Napatawa sila ng napatulala ang maknae nila. Erin ang maknaeng.... maknae. Hindi katulad ng ibang di mo mapapansin, si Erin halata mo agad sa mukha at ugali.

"Tama na yan. Luto na yung adobo. Tikman nyo muna!" Hirit ni Chanhee kaya napatayo silang apat. Pag-pagkain talaga oh.

—-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Fangirl {SHORT STORIES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon