S t y l i n g E x o - E p i l o g u e ❀

202 5 0
                                    

Note: YES! Finally! Epilogue na ang SE. Argh! Hindi ko alam kong paano ko mapapasalamatan yung mga naghintay ng subrang tagal para sa Epilogue! THANK YOU SO MUUUUCH. May maliit akong suprise para sa inyo. SOON.

Yung pic ng ot12 sa tabi, echos lang. Para masaya hahaha.

ENJOY! ♥

❀ STYLING EXO - EPILOGUE ❀

{Philippines, 5 years later}

A's View

"Ate!"Napalingon ako kay Zera. Napangiti ako.

"Pazipper naman." Lumapit ako sa kanya at izinipper ang likod ng damit nya na medyo may hawig din sa damit ko. Inaayos ko pa ng konti yung make-up nya.

"A? Zera?" Nakita kong pumasok sa pinto si Marray. Sa di nakaka-alam sya ang.... asawa ni Chanyeol. Suot nya ang isang damit na kulay puti.

"Unnie!" Tawag ni Zera kay Marray. Nginitian ko si Marray at inaayos ang buhok ni Zera.

"Dala ko na!" Tinaas ni Marray sa isang kamay ang isang puting belo. Napangiti ako. May maliliit na mga dyamante ang nakadesinyo dito.

Agad itong inaabot sa akin ni Marray.

"Grabe, Marray, ang ganda nito!" Sabi ko sabay dahan-dahang inilagay ito sa buhok ni Zera.

Pagkalagay ko ng belo ay sumilip sya ng dahan-dahan sa salamin. Nakita kong namasa-masa ang mata ni Zera.

Nagkatinginan kami ni Marray at nakita kong naiiyak na din sya.

"Uwaaaah! Ikakasal ka na talaga, Zera. Hindi na ikaw yung baby ko!" Natatawa kong sabi at pinunasan ang mata ko, dahan dahan lang syempre.

"Awwwwe! Group hug nga!" Sabi ni Marray at nagyakapan na kami.

It's been five years. Andami ng nangyari. After a year ng pagiging stylist ng EXO. Cube Ent. hired me. Naging stylist ako ng APink, 4Minute at BEAST. Naiwan si Zera sa SM Ent. Naging stylist sya ng Red Velvet at SHINee. Naging stylist din sya ng bagong group ng SM na Hello Love. Pero syempre close close pa rin kami ng EXO. Niligawan ako ni Kyungsoo ng tatlong buwan. Syempree sinagot ko din naman sya at oo, going strong pa rin hanggang ngayon.

Si Zera at Lay, heto ikakasal na ngayon. Nauna sila eh hahaha.

"Tara na! Baka malate pa ang ating Bride!" Lumabas na kami.

❀ ❀ ❀

Pagdating namin doon marami na ring tao. Maid of honor ako. Bumaba muna ako ng kotse para hanapin si Suho.

"Jongdae, si Yifan?" Tanong ko kay Jongdae na nagaayos ng damit.

"Andoon ata,"Tumuro sya sa may garden ng simbahan,"Wait, A, paayos naman ng tie ko." Napatawa ako. After 5 years di pa rin maalam magtie si Chen. Inaayos ko ang tie nya at dumiretso na sa garden. Di ko rin nakita si Soo.

"Yifan." Tawag ko ng may nakita akong lalaki na nakaupo sa isang seesaw.

"Oh, A. Ikaw pala." Ngitian nya ako at niyakap pa nya ako. Higanti pa rin sya.

"Tara na?" Alok ko. Ngumiti sya tas tinulungan ako sa damit ko.

Si Kris kasi ang maghahatid kay Zera sa altar. Dahil matagal ng wala ang mga magulang ni Zera, napagdesisyonan nila ni Lay na si Kris-ge na lang.

Naglalakad kami ni Kris pabalik ng nakasalubong namin si Soo.

"Maiwan ko na kayo. Dalian nyo lang ha. Baka magsimula na yung kasal." Sabi ni Kris at binitawan na yung gown ko.

Buhay Fangirl {SHORT STORIES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon