CHAPTER 5: ANG BABAE SA ILALIM NG PUNO SA PLAZA

82 1 0
                                    

“Dinala namin ni Kuya si Mitch sa ospital. Sobrang naguluhan  ako noon sa nangyari. Hindi ko alam ang dahilan noon sa pagsuntok sa akin ni Kuya. Kung hindi yun nangyari, siguro hindi rin mangyayari ang pagkabangga ni Mitch.” Kwento ni Mike kay Riz.

“Anong nangyari kay Mitch?” tanong ni Riz kay Mike.

Napalingon si Mike sa langit. Inisip niya ulit ang nangyari noong gabing iyon.

*****

“Doc, she needs a blood donor. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. “ sambit ni Roxanne sa doctor.

“She’s an AB type. I believe we don’t have any available blood type in our supplies.” Takot na sinabi ng doctor sa nurse.

Narinig iyon ni Mike. “Dok, kami po ng kuya ko AB type.

Tumingin si Mike sa kapatid na sa oras na iyon ay tulala pa rin sa nangyari. Inakbayan niya ito at pinalakas ang loob. Pumayag ang magkapatid na maging blood donor para kay Mitch.

Naging stable ang kalagayan ni Mitch. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkaroon ito ng mild amnesia. Hindi niya nakikilala sina Mike at Jam. Ang natatandaan lamang ni Mitch ay ang kaniyang ama.

Kinausap ng ama ni Mitch si Mike noong araw na iyon ay naka-duty sa ospital.

“Salamat sa pagligtas sa buhay ng anak ko Mike. Pakisabi rin iyon sa kuya mo. Ikinwento ko kay Mitch ang buong pangyayari at alam ko kahit nawala ang ibang memorya niya, naapektuhan siya sa nangyari. Ikinalulungkot ko man sabihin Mike pero, nais lumayo ng anak ko sa lugar na ito.“ paliwanag ng ama ni Mitch sa binata.

Naintindihan ni Mike ang sinabi ng ama sa kaniya. Sinabi niya ito sa kapatid. Bago lumabas ng ospital si Mitch ay binisita ito ni Jam.

Sa pagkakataong iyon ay ngumiti sa kaniya ang dalaga. May benda pa ito sa ulo at nakasemento ang kaliwang braso. Hindi maiwasan ni Jam ang ma-guilty sa sinapit ng dalaga nung gabing iyon.

“Kumusta ka na?” tanong nito sa dalaga.

Napangiti ito. “Medyo maayos na. Jam, siguro naman alam mong wala ako naalala sa nangyari sa atin. Pero gusto kong malaman mo, hindi ako galit sayo. Wag ka sana ma-guilty sa sinapit ko.” Sambit ng dalaga kay Jam.

Hinawakan ni Jam ang kamay ni Mitch. Napaluha ito.

“I’m sorry Mitch. Hindi ko sinasadya…” pagsumamo nito sa dalaga.

Ngumiti si Mitch. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ni Jam. Sa di niya malaman na dahilan, napaluha siya. Kahit hindi niya maalala ang gabing iyon, ramdam niya na nasaktan siya at nasaktan niya si Jam.

“Jam, hindi man kita kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa akin… hiling ko sayo  na sana wag ka hihinto na mahanap ang taong magmamahal din sayo ng totoo.. kasi ramdam ko.. napakabuti mong tao.” Sambit ni Mitch sa binata.

Tanggap ni Jam ang nararamdaman ni Mitch. Napatawad na siya ni Mitch. Kahit mahal niya si Mitch, nirerespeto niya ang desisyon nitong lumayo at magsimula ulit sa bago niyang pagkatao.

Pumasok si Mike sa kwarto. May dala-dala itong pulang rosas. Ngumiti ito kay Mitch. Napatingin si Mitch sa mga pulang rosas. Pilit niyang tinatandaan ang kanyang mga alaala ngunit nabigo siya.

“Bilang isang kaibigan Mitch, mahal kita. Balang araw may isang tao rin ang magbibigay ng ganito sa iyo na totoong magmamahal sayo.” Sambit ni Mike sa dalaga.

Niyakap niya si Mike. Tila ba nakaramdam siya ng kasiyahan nang mayakap siya ni Mike. Niyakap niya din si Jam. Yun ang huling araw na nakita ng magkapatid si Mitch.

***

Pinuntahan ni Jam ang tindahan kung saan dating kinatatayuan ng tindahan nila Mitch. Iba na ang nagmamay-ari nito. Bumalik siya sa upuan sa ilalim ng puno sa may plaza. May nakita siyang isang babae na nakatayo dito.

Nilapitan niya ito. Ngumiti ang dalaga sa kaniya.

“Siopao?” alok ng dalaga sa kaniya.

Kinuha ni Jam ang siopao at umupo sa tabi ng dalaga.

“Nakwento sa akin ni Mike ang nangyari. Sabi niya dito kita makikita. Marami ka palang alaala dito Jam. Pero siguro naman pagkakataon mo na ito para patawarin ang sarili mo sa nangyari sa inyo ni Mitch. “ sambit ni Riz sa binata.

“Akala ko noon, hindi na ako makakahanap ng kaibigan na tulad ni Mitch. Yung totoong tumanggap sa akin. Pero nagkamali ako Riz. Dumating ka. Nakilala kita. Siguro yung naging reaksyon ko kanina sa hapag kainan ay isang senyales para matanggap ko ang nangyari kay Mitch. Para magpaalala sa akin na may isang tao pa rin talaga ang dadating sa buhay ko para maging isang totoong kaibigan pa rin.” Kwento ni Jam habang nakatitig kay Riz.

Nakinig lang si Riz kay Jam. Ramdam niya ang nararamdaman ng binata. Marami din siyang na-realize sa pagkakaibigan nila ni Jam. At ang tanging maibibigay niya kay Jam ang pagiging totoo niya dito.

“Ok na ako Riz. Salamat sa pagmamalasakit mo. Tandaan mo lagi, andito lang ako lagi para sayo.” Sabi ni Jam habang hinawakan ang kamay ng dalaga na kasama niya sa ilalim ng puno.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon