CHAPTER 13: WHAT MIGHT HAVE BEEN?

30 1 0
                                    

Yan na nga ba sinasabi ko eh.. Gago talaga siya! Sobrang gago niya!” galit na pagkakasabi ni Jam habang kaharap niya si Riz sa kubo.

Dali-daling pumunta si Riz sa barrio nung araw na iyon. Kahit madilim na ay tinahak niya ang daan makalayo lamang sa pangalawang pagkakataon na masaktan ni Yael.

“Sobrang sama niya! Bakit niya nagawa yun sayo! Hindi ka dapat niya pinaasa!” sambit ni Yael.

“Tama na Jam. Ang sakit na…” sambit ni Riz habang nakaupo sa kubo.

Napahinto si Jam sa pagsasalita. Napalingon siya kay Riz. Nakita niya ang dalaga na paunti-unting tumutulo ang luha sa pisngi nito. Tuluyan nang umiyak si Riz..

Tila ba kumirot ang dibdib ni Jam sa pag-iyak ni Riz. Sobra siyang naapektuhan sa nangyari. At ang masakit pa, mahal niya si Riz.

“Riz…. Nakaya mo naman noon di ba? Bakit ngayon di mo gawin ulit? “ tanong ni Jam.

“Mahal ko si Yael, Jam..” tila ba nasasaktan si Riz habang sinambit ang mga salitang iyon. Kahit anong gawin niya, mahal pa rin niya ang binata.

“Riz, wag ka maging tanga.. hindi ikaw yan. Wag ka umasa na magbabago ang lahat. Oo, naiintindihan ko. Mahal mo siya pero you don’t deserve to be the backup. Yung taong iiwan niya at pagkatapos kung gusto niya balikan ay gagawin niya. Riz, huwag…” sambit ni Jam.

Hinawakan ni Jam ang kamay ni Riz. Pinunasan nito ang mga luha ni Riz. Tinitigan niya ang dalaga.

“Walang makapgsasabi sayo kung sino ka dapat pero wag ka maging ganitong babae Riz. Matalino ka. Matapang.. at mas better kaysa sa ganito.. Tama na Riz… nasasaktan din ako eh.” Sambit ni Jam.

Hindi napigilan ni Jam ang maiyak din sa nakikitang pinagdaraanan ni Riz.

“Jam… wag ka ganyan please..” sagot ni Riz.

“Riz, hindi ko na din kaya itago eh.. Sana ako na lang ang mahalin mo… Sana ako naman ang pansinin mo. Hindi si Yael. Hindi si Yael na sinaktan ka lang pauli-ulit…” sambit ni Jam.

“Sorry Jam pero hindi ka si Yael eh.. iba na lang ang mahalin mo…“ sagot ni Riz.

Napaupo si Jam. Nawalan siya ng lakas sa pagkakarinig niya sa sinabi ni Riz.

“Hindi ako siya.. Kaya nga hindi mo ako kayang mahalin di ba? Ok. Hindi mo ako pwedeng mahalin dahil mahal mo siya kagaya din ng hindi ako pwedeng magmahal dahil mahal kita..” sambit ni Jam.

Lumayo si Jam kay Riz.

“Sana nga ikaw na lang Jam… sana nga iba na lang ang minahal ko.. Lord, ang sakit na.. Huling hiling ko lang sa gabing ito, huwag mo akong pababayaan…” dasal ni Riz habang naiwan siya sa kubo.

………………………………………………………………………………………………………………..

“Alam mo bang muntik na kitang iwan MM? Pero hindi ko ginawa kasi naduwag ako…………..” sambit ni Yael.

Nakaupo sila ni MM sa Park habang pinagmamasdan ang mga taong namamasyal nung gabi na iyon.

“Bakit pinaabot mo pa na magkaganito tayo Yael?” tanong ni MM.

“KAsi duwag ako noon.. at hanggang ngayon duwag pa rin ako. Ang tanga-tanga ko!” sagot ni Yael.

“Iiwan mo ba ako? Kung iiwan mo ako gusto ko lang malaman mo na hindi ako papayag.. Ipaglalaban kita Yael hindi para sa kaligayahan ko pero para sa magiging anak natin.” Sambit ni MM.

Napatingin si Yael kay MM.

“Naririnig mo ba ang sarili mo MM? Ikinukulong mo ako! Niloloko mo ang magiging anak natin sa isang kasinungalingan! “ sabi ni Yael.

“Kilala kita Yael. Hindi ka masama. At alam ko hindi ka ganito… At alam ko rin hindi mo ako basta itatapon.. “ sambit ni MM.

“Mahal kita MM.. pero mas mahal ko si Riz.. Alam mo yan..” sagot ni Yael.

“Umuwi na tayo….” Sambit ni MM.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon