CHAPTER 6: KAPAG ANG DALAWANG PUSO AY PINAGTAGPO

66 1 0
                                    

“Yes Mam, malapit na po ako sa opisina. Eto po nag-parking na po.” Sagot ni Riz sa boss niyang tumawag sa cellphone. Dali-daling bumaba si Riz sa kaniyang kotse para puntahan ang boss na naghihintay sa kaniya sa opisina.

“Riz, pasok ka. Maupo ka.” Utos sa kaniya ng kaniyang boss. Pumasok siya sa loob at nakita ang isang lalakeng nakaupo rin sa may mesa ng boss niya. Tumingin siya sa lalaki at nagulat siya sa nakita. Hindi niya inaasahang makita ang lalakeng matagal na niyang pilit ibinabaon sa limot.

Si Yael.

Bumilis ang tibok ng puso ni Riz. Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa binata. Napangiti ito at kinamayan ang binata. Naramdaman niya ang haplos ni Yael sa kaniyang kamay. Biglang kumirot ang kaniyang puso. Pero hindi siya nagpakita na naapektuhan siya.

“Mr. Ysmael Alcala will be one of our IEC staff assigned in the island. He will be in-charged in all the IEC materials needed for the research. So, as the Head Researcher, you will be in-charge of his works and monitor his performance.” Sambit ng boss ni Riz.

Hindi nakasagot si Riz. Napangiti na lang ito sa boss at tinanggap ang bagong staff sa kanyang team. Hindi makatingin si Riz sa binata. Pilit nitong iniiwasan ang titig ni Yael sa kaniya.

“Ahh, Yael I’ll see you in the island.” Sabay tayo at nakipagkamay sa binata. “Mam, alis na po ako. Hinahabol ko po kasi yung last trip ng barko pabalik sa isla.” Paalam ni Riz sa boss.

“Isabay mo na si Yael. Tutal nakahanda na man din ang gamit niya.” sambit pa ng boss niya.

Kinuha ni Yael ang gamit at sumunod sa dalaga. Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang utos ng boss. Sabay na umalis ang dalawa sa opisina. Habang nasa biyahe ay walang imik ang dalawa.

Napatingin si Yael sa kotse ni Riz. Mabango ito at malinis. May napansin siya sa key chain ni Riz. Nakita niya ang bigay nitong key chain noong high school pa lang sila. Pansin niyang may basag na ito sa gilid.

Napangiti siya. Napansin ito ni Riz.

“May nakakatawa ba? “ tanong niya sa binata na parang nainsulto sa pagtawa ni Yael.

Biglang natahimik si Yael at huminto sa pagngiti. Tila ba gumaan ang loob niya na muling makasama si Riz. Parang bumabalik ang lahat sa nakaraan nila. Tila ba bumalik din ang nararamdaman ni Yael para kay Riz. Pero isa lang ang hindi nagbalik sa dati, ang Riz na dati niyang nakilala.

Pansin niya kay Riz na parang hindi na siya ang Riz na iyakin. Isang Riz na matapang ang katabi niya ngayon. Isang Riz na naka-move on na. Isang Riz na mas maganda na ang buhay. Independent. Nalungkot siya. Napatingin sa paligid habang nagmamaneho si Riz. Malayo ang kaniyang tingin.

Iniisip ni Yael ang nangyari sa kanila noon. What if hinabol ko si Riz noong panahong pilit na siyang lumayo? What if ipinaglaban ko din siya? What if hindi na lang naging kami ni M.M?

Tumunog ang cellphone ni Yael. Nakita nito sa screen na tumatawag si M.M.

“Love… napatawag ka?” sagot ni Yael sa cellphone.

Narinig iyon ni Riz. Kumirot nanaman ang kaniyang puso. Dalawang taon na ang nakakalipas pero tila ba bumabalik pa rin sa kaniya ang sakit ng kanilang nakaraan. Mas lalo siyang nasaktan ngayon dahil nalaman niya na sila pa rin dalawa ni M.M

Natahimik nanaman silang dalawa. Hanggang sa dumating sila sa pier at sumakay sa barko, hindi sila nagpansinan. Marami ang pasahero. Sa sobrang pagod ni Riz, ay nakatulog ito. Pinagmasdan lang siya ni Yael.

Tila ba nahulog nanaman ang loob ni Sa sobrang pagod ni Riz, ay nakatulog ito. Pinagmasdan lang siya ni Yael.

Tila ba nahulog nanaman ang loob ni Yael kay Riz. Pero naisip niya si M.M. Nangako siya kay M.M at sa sarili niya na magpapakatino na siya. Ayaw niya na makasakit ng babae. Pero hindi niya mapigilan ang mahulog muli kay Riz. Lalo itong gumanda. Siguro nga huli na ang lahat para sa kanila na magkabalikan pa sila at ang tanging kaya niya na lang gawin ay maging masaya na makasama muli si Riz.

Tinawagan ni Yael si M.M pero hindi ito sumagot. Nakita niya si Riz na pumunta sa labas para magpahangin. Sinundan niya ito.

Kinukunan ng litrato ni Riz ang mga islet na nadadaanan nila. Maya-maya pa ay lumapit sa kaniya si Yael. Ngumiti siya sa binata.

“Bored ka na? hayaan mo dalawang oras na lang ang nasa isla na tayo.” Sabi nito sa binata. Ngumiti lang si Yael.

“Kumusta ka na?” tanong ni Yael kay Riz. Napatingin si Riz kay Yael. Ngumiti ito sa binata.

“Ok ako. Ikaw?” tanong din ng dalaga sa kaniya. Kitang-kita sa dalaga na nagsasabi siya ng totoo. Na okay siya.

“Ok din naman.” Sagot ni Yael. Napahinga siya ng malalim. Tila ba nagalinlangan sa sagot niya kay Riz. Sobrang lapit niya sa dalaga pero ang nararamdaman nila sa isa’t-isa ay tila ba napakalayo. Walang nasabi si Yael kay Riz. Gustong-gusto niyang yakapin si Riz. Gustong-gusto niya ito halikan pero hindi niya magawa. Wala na ang Riz na nakilala niya noon.

Nagsisi siya sa nangyari. Hindi na rin nagtanong pa si Riz tungkol sa buhay ni Yael ngayon. Siguro na rin sa isip niya, ayaw na niya malaman pa kung gaano sila kasaya ni M.M ngayon.

Sabay nilang pinagmasdan ang paglubog ng araw. Hindi napigilan ni Riz ang nararamdaman. Napaluha ito. Pagkalipas ng dalawang taon, tila ba bumalik nanaman ulit sa kaniya ang lahat ng nakaraan nila ni Yael. Hindi niya napigilan ang humagulgol.

Napansin ito ni Yael. Nagulat ito at pilit na tinanong kung anong problema. Hindi sumagot ang dalaga. Lumayo it okay Yael at tumakbo papasok sa banyo. Tinawagan niya si Jam.

“Hello Riz…” sagot ni Jam sa dalaga.

Iyak pa rin ng iyak si Riz habang tinatawagan si Jam.

“Jam……akala ko naka-move on na ako. Hindi pa pala.” 

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon