CHAPTER 4: ANG BUHAY PAG-IBIG NI JAM

148 1 0
                                    

Bakit ba ang hirap mong kalimutan Mitch?  Tanong ni Jam sa sarili niya habang nakaupo sa ilalim ng puno sa may plaza. Nakatingin siya sa isang tindahan malapit sa kinauupoan niya. Tumingin siya sa tindera ng nasabing tindahan. Isang matanda ang nakita niya na nakabantay sa loob. Tila ba bumalik sa kaniyang nakaraan si Mitch. Ang babaeng minahal niya ng totoo.

***

Unang taon noon ni Mike simula nang magtrabaho siya bilang nurse sa Quezon. Dahil sa nag-uumpisa pa lamang siya sa trabaho, sinamahan siya muna noon ni Jam. Noong panahon na iyon ay pareho silang naninirahan sa isang boarding house malapit sa plaza.

Tuwing gabi ay doon sa plaza tumatambay ang magkapatid. Dahil sa nagtitipid ang dalawa sa perang padala buwanan ni Sheena sa kanila, fishballs at kwek-kwek na lang ang kanilang kinakain sa gabi.

Isang gabi habang nag-iisa si Jam sa plaza, isang babae ang lumapit sa kaniya. Simple ang kagandahan niya at balingkinitan ang pangangatawan.

“Gusto mo ng siopao?” tanong nito sa binata. Lumingon si Jam at tinignan ang siopao na inaalok ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Walang lason yan. Ako nga pala si Mitch. Tindera  ako doon sa tindahan na yun oh.” Tinuro niya ang tindahan malapit sa kinauupoan ni Jam.

“Salamat sa siopao ah. Ako nga pala si Jam. Diyan lang ako nakatira sa boarding house ni Aling Cynthia. Taga-Cavite talaga ako eh. “ sagot naman ni Jam habang kinakain ang siopao na dala ng dalaga.

Ngumiti ang dalaga kay Jam habang pinagmamasdan niyang kumain ito. “Asan nga pala yung kasama mo? “ tanong ni Mitch sa binata.

“Ah si Mike. Night shift nya ngayon eh. Nurse kasi yun sa Provincial Hospital dito. Teka, bakit mo alam na may kasama ako?” tanong nit okay Mitch.

Napangiti ang dalaga. “Matagal ko na kayo pinagmamasdan. Lagi kayong tumatambay dito sa plaza eh. At alam ko rin na kwek-kwek at fishballs lang ang kinakain nyo lagi.

Biglang nahiya si Jam kay Mitch. Nakakahiya mang aminin, pero tama lahat ang sinabi ng dalaga.

Naging magkaibigan ang dalawa. Nalaman ni Jam na isang haciendera pala si Mitch sa Nueva Ecija. Namatay ang ina ni Mitch sa panganganak sa kaniya at ang ama na lamang niya ang mag-isang bumuhay sa kaniya.

Ngunit dahil sa kanilang kayamanan, marami ang nagtangkang magnakaw sa kanilang pag-aari. Naloko ang kaniyang ama ng isang kasosyo nito sa trabaho at lahat ng yaman nila ay napunta doon. Napilitang umalis ang mag-ama sa nakasanayang marangyang pamumuhay at nanirahan sa Quezon dala-dala ang kapiranggot na ipon.

Ang tindahan malapit sa plaza ang bumubuhay ngayon kina Mitch at ng ama niya. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Mitch dahil na rin sa nagyari. Tila ba naapektuhan si Jam sa kwento ng buhay ni Mitch. Mas lalo pa niya nakilala ang dalaga dahil sa mga kwento nito.

Nakatagpo ng isang kaibigan si Jam sa dalaga. Ipinakilala niya ito kay Mike.  Kapag walang trabaho si Mike, tumatambay sila ni Jam sa tindahan nila Mitch para tumulong sa dalaga.

Madalas kapag night shift si Mike sa duty nya, si Jam at Mitch lang ang magkasama. Lumalim ang pagkakaibigan nila hanggang sa unti-unting nahulog na ang loob ni Jam sa dalaga.

“Mitch, nagka-boyfriend ka na ba?” tanong niya sa dalaga.

Oo. Dalawa pa lang. yung isa anak ng kasosyo noon ni Papa sa trabaho. Kaya lang di kami nagtagal kasi babaero yun eh. Yung isa naman, suki ko ditto sa tindahan. Matagal na naging kami. Isa siyang contractual diyan sa DOST. Kaya lang nalipat siya ng assignment. Ayun, di namin kinaya ang long distance relationship. Mas pinili niya trabaho niya, kaysa sa akin.” Kwento ni Mitch kay Jam.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon