CHAPTER 12: THE HARDEST THING

31 1 0
                                    

Mahal mo siya. Mahal mo din si MM. Nasisiraan ka ba? Ano yun? Mahal mo pag malapit sayo tapos hindi mo mahal kapag wala sa tabi mo? Yael, ang labo mo! Pareho mo na sila nasaktan noon, hanggang ngayon pa din ba sinasaktan mo pa rin sila! “ sambit ng kaibigan ni Yael na si Dom, isang wedding photographer.

“Mahal ko si Riz. Sobra!” sagot ni Yael.

“At si MM? Paano?” tanong ni Dom habang masinsinang pinagmamasdan si Yael.

Hindi nakasagot si Yael. Alam niya sa puso niya na hindi niya kayang saktan si MM. Takot siyang masaktan si MM kapag nalaman niyang sila na ulit ni Riz.

“Mahal ko si Riz. Si Riz ang pinipili ko.” Sambit ni Yael.

Hindi namalayan ni Yael na narinig ni MM ang pinagusapan nila ni Dom ngunit hindi kumibo ang dalaga. Nagtago siya sa likod ng poste malapit sa kinatatayuan ng dalawang binata. Sobra siyang nasaktan sa narinig niya mula kay Yael. Pilit niyang hindi marinig paulit-ulit sa kaniyang isip ang salitang binigkas ni Yael.

Lumabas siya sa kinatatayuan at pumunta sa dalawang binata.

“Kanina pa ba kayo naghihintay? Pasensiya na ha. May binili pa kasi ako para kay Yael eh. Babe, eto oh. Bag. Para pagbalik mo sa isla, kumportable ka na umakyat ng bundok. Kumusta nga pala si Riz? “ tanong niya kay Yael. Pilit niyang tinatago na wala siyang narinig kanina.

Hindi nakapagsalita si Yael sa tanong ni MM. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa dalaga. Imbes ay binago niya ang usapan.

“Babe.. tumaba ka ata? Isang buwan lang ako nawala, tumaba ka na.” sambit ni Yael habang pinagmamasdan si MM.

Napangiti si MM kay Yael. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa puna ng binata. Isa lang ang gusto niyang mangyari. Ang hindi siya iwan ni Yael.

Buong araw magkasama si Yael at MM. Pareho silang may gusto sabihin sa isa’t-isa ngunit hindi alam kung paano ito umpisahan.

“Babe…ah MM. May kailangan kang malaman.” Sambit ni Yael habang nakatayo ang dalawa sa harap ng opisina ni MM para ihatid ang dalaga sa pang-gabi niyang shift.

“Babe, bukas nga pala wag mo na ako sunduin. May pupuntahan kasi kami ng boss ko. Diretso ka na lang sa terminal ha. Ingat pagbalik mo ng isla. Last trip ka ba bukas?” tanong ni MM.

“ Ahhh.. Babe.. OO. Last trip ako bukas. Ingat din kayo ng boss mo.” Sagot ni Yael.

“Oh sige Babe.. pasok na ako sa trabaho. I Love You!” sambit ni MM. Dali-dali siyang pumasok sa loob.

“MM!” sambit ni Yael. HInawakan niya ang kamay ni MM at saka niyakap nang mahigpit. Wala siyang sinabi. Natatakot siyang saktan si MM. Pero sa puso niya, si Riz talaga ang mahal niya.

Hindi rin kumibo si MM. Hinagkan niya si Yael. Niyakap niya ng mahigpit si Yael. Niyakap niya ang binata na parang yun na ang kanilang huling yakap sa isa’t-isa. Pinigilan niyang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Sige. PAsok na ako.” Sambit ni MM.

……………………………………………………………………………………………….

Maagang pumasok si Riz sa opisina. Nakareceive siya ng isang text mula kay Yael.

Gud morning sweet! Kita tayo maya pagdating ko jn sa isla. Luv u! Mwah! Miz kita agad….

Buong araw na nakatutok sa trabaho si Riz. Tinignan niya ang oras. Dalawang oras pa ang kaniyang hihintayin bago dumating si Yael.

Maya-maya pa ay out na nila. Tumambay muna siya sa coffee shop at doon nagpalipas oras para hintayin si Yael.

“Hinihintay mo ba si Yael?” sambit ng isang dalaga. Napatingin si Riz sa kinatatayuan ng dalaga sa harap ng kaniyang mesa. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Si MM.

“ Oh ano Riz? Nagulat ka? Ako nga. Girlfriend ni Yael.” Sambit ni MM. Naupo siya sa harap ng table ni Riz. 

“Siguro naman alam mo kung bakit ako andito.” Mataas na ang tono ni MM. Hindi na niya mapigilan ang galit kay Riz.

Ibinaba ni Riz ang binabasang magazine at humigop ng kaniyang mainit na Café Latte.

“Kung pumunta ka dito para ipamukha sa akin na girlfriend ka ni Yael, hindi ako nasisindak.” Sagot ni Riz.

“Layuan mo si Yael. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? May relasyon kami ni Yael. Wag ka na makisawsaw” sambit naman ni MM.

“Kung makapagsalita ka akala mo malinis. Hindi mo ba nakikita MM? Bumabalik na sa iyo ang relasyon na sinira mo! Hindi mo ba matanggap na hanggang ngayon ako pa rin ang mahal ni Yael at hindi ikaw! Hindi mo ba matanggap na kahit kailan, hindi talaga nging sayo si Yael!

Sasampalin sana ni MM si Riz pero hinarang ito ni Riz at sinampal si MM.

“Matagal ko na dapat ginawa sa iyo yan MM. Matagal din ako nagtiis sa sakit na ginawa mo sakin… Ngayon, magdusa ka!” sambit ni Riz at tuluyang umalis sa harap ni MM.

“Buntis ako Riz!” sigaw ni MM.

Napahinto si Riz. Nagulat siya sa nalaman mula kay MM. Lumingon siya kay MM at nakita ang tiyan ni MM. Napalingon si MM sa likod ni Riz na sa panahong iyon ay narinig ni Yael ang sinambit ni MM.

Napaluha si Riz at tumakbo palayo kay MM at Yael.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon