"You're fired!"
Bungad agad sa akin ng boss ko sa isang bookstore na pinapasukan.
Working student kasi ako."Pero bakit agad naman po?"
"Yung customer na inaway mo, girlfriend ng anak ng may ari nitong bookstore."
Ahh. So yung bwisit na maarteng bruha na babae na yun ay pinag uusapan ng mga kasama ko na girlfriend ng pogi daw na anak ng boss ko.
"Di naman po kasi---"
"CUSTOMERS IS ALWAYS RIGHT HAPPY!"
Anak ng tokwa. Di naman lagi no. Bwisit talaga. Makita ko pa ulit yung bwisit na maarteng bruha na babaeng yun. Masasabunutan ko talaga.
Di na ako sumagot pa sa manager namin. Tinalikuran ko nalang siya at naglakad papuntang locker namin. Para ayusin yung gamit ko.
"WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING MISS HAPPY MARTINEZ?"
Napalingon ako ng nakakunot ang noo.
"I'm fired already maam. Diba po ba? So malamang aalis na ako. Babush."
Di na kumibo manager namin. Haha. Edi napatahimik ko din.
Tinitingnan ako ng mga kasama ko. Nag smile lang ako sa kanila. Dumiretso na ako ng locker at napaupo sa sahig.
Sa sobrang paghihinayang sa aking trabaho."Haaaay buhay. Saan naman ako hahagilap ng part time job ko? Argh. Nakakainis."
Pinapalo palo ko ulo ng pumasok sa loob yung isang kasama ko na medyo close ko.
"O rhea. He-he Nangangati kasi ulo ko."
Sabay kamot sa ulo ko.
Para kasing nagulat siya sa ginagawa ko sa sarili ko.
Paluin ba naman ang sarili e. Talagang pagkakamalan ako nitong baliw. Kahit totoo naman. Pero hindi ah. Joke lang."Salamat."
Sabi ni rhea. Si rhea kasi yung sinigawan nung bwisit na maarteng bruha na babaeng yun. Kung ano ano pinag sasabi. Eto namang manager namin. Nakatingin lang. Lahat ng kasama ko tulala lang.
Kaya ako etong mala superhero tinulungan ko si rhea. Nakaka awa naman kasi siya. Umiiyak na kanina.
Gusto niyo ba malaman yung nangyari?
Osige ikwekwento ko. Kahit ayaw niyo. 😁😁*throwback*
"Good morning maam?"
Bati ni rhea dun bruhilda.Tiningnan lang siya ni bruhilda mula ulo hanggang paa.
Napayuko naman si rhea."Saan dito yung magazines station niyo?"
Tanong ni bruhilda kay rhea.
"Ah. Dito po maam."
At inaaya ni rhea si bruhilda papuntang magazine station. Pero napataas ang kilay ni bruhilda.
"I'm not asking you to lead me there. I can go on my own. ITURO MO LANG!"
Nabigla si rhea ng sigawan siya nito.
Kaya di siya makagalaw sa gulat.Lumapit naman sa kanya si bruhilda. Tiningnan ko paligid namin nakita kong nakatingin lang lahat. Pati manager namin di nag sasalita. Baliw ata sila. Nakita na nilang may nangyayari. Yung ibang customers nakitingin din.
"DO YOU HEAR ME? IDIOT!"
pasigaw na sabi ni bruhilda. Napansin ko naman na naiiyak na si rhea.
Kaya lumapit ako.Supergirl is here! Hahaha. Chena.
"Excuse me maam?"
Sabi ko kay bruhilda
Lumingon naman siya sa akin.

BINABASA MO ANG
My Own Fairytale
Fiksi RemajaLOVE ISN'T PERFECT. It isn't a fairytale or a storybook and it doesn't always come easy. Love is overcoming obstacles, facing challenges, fighting together, holding on and never letting go. It is short word, easy to spell, difficult to define and im...