chapter2

16 0 0
                                    

Nagbasa ako ng mga love story.
Kinikilig ako. Kaya napapangiti nalang ako. Di kasi pwdeng magwala dito eh. Nakakahiya.

Nang matapos ko yung binabasa ko. Naghanap ako ulit ng pwdeng basahin.
11:30 palang kasi. Di pa naman ako nagugutom eh. Tsaka malapit lang school dito. Walking distance lang.

May nakita nako na babasahin. Kukunin ko na sana ng may kumuha na nito. Tiningnan ko yung kumuha
Pamilyar siya sa akin.
Saan ko ba siya nakita?
Hmmm. 🤔🤔

Ahh. Oo siya yung lalakeng nakabungguan ko.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Maya maya nagsalita siya.

"Hi?"

Bakit ang ganda ng boses niya? Nakaka in love naman.

"Hey miss?"

Wow. Heaven.

"Hey?"

Uh-oh. 😲😲😲
Natulala ako. Shocks. Nakakahiya.
Agad akong umalis. Lumabas ng library.

"Luh. Ano yun? Nakakahiya."
Bulong ko sa sarili ko.
Anebeyen.
Maka kain na nga lang. Pumunta ako sa isang fastfoodchain na nakita ko.

Nag order ako ng spagetti at coke. Pwde na siguro tong lunch. Kailangan mag tipid.

Habang kumakain. Naalala ko na naman si kuyang pogi.
Ang cool niyang tingnan. Ang amo pa ng mukha niya. At ang ganda pa ng boses niya. Parang pang lullaby na kapag nagsalita siya makakatulog ka nalang sa sobrang sarap pakinggan.

Wait!

Did i actually say that?

Iiwww..

Corny.

Hahaa.😁😁😁

Nako. Nababaliw na ako.

Tiningnan ko wrist watch ko.

Time check: 12:23PM.

Pwde na siguro to.
Tinapos ko ng yung kinakain ko at
Naglakad na palabas.
Habang naglalakad ako may napansin akong lalake na kasunod ko. Nauuna ako sa kanya pero bakit di ko naman siya kilala pero parang ang awkward.
Kaya napalingon ako sa kanya.

😲😲😲😲😲😲😲😲😲😲😲😲😲

Si kuyang pogi.

Agad ko iniwas tingin ko. Buti nalang di niya ako napansin. Binilisan ko lakad ko.
May nakabunggo pa ako na ilang student. Sorry ako ng sorry.

At sa WAKAS

nasa classroom na ako.
Konti palang kami. Maaga pa kasi e.
Dumiretso agad ako sa pwesto ko. Sa harap ako nakaupo. Kasi medyo may katangkaran kasi ako. Alam mo na.
😀

(12:55PM)

Dumating na yung prof namin. May kasama siya.
Kaya di ko masyadong makita kasi natatakman ni prof.

"Good afternoon students. By the way we have a transferee student here. And he will be your classmate from now on. Mr. Austin Park. "

Pumasok naman yung transferee.
At sa sobrang gulat. 😲😲😲

"SHOCKS!*

Napasigaw ako.
Napatingin lahat sa akin pati siya.

"What happen miss Happy?"

Tanong ni madam prof.

"Ah-eh. Nalimutan ko po kasi mag review. Naalala ko may quiz kami mamaya sa philosophy. Hehe
Pasensya na po."

My Own FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon