Confession #2

2.4K 24 2
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Real Life Elijah! But I'm not his Real Life Klare

"Hi, just wanna share what I have experience last year!!

We were going to Tagaytay nung December 31, 2016 para mag check-in sa *toot* Tagaytay (sorry I won't be mentioning the hotel na) so ayun, noong nagcheck-in na kami, I told my parents that I'll just go out to check the place. Sobrang dami kong napuntahan pero at the same time sobrang pagod na rin ang naramdaman ko nun kaya napag-desisyunan kong mag-stay sa swimming pool area for a bit para makapagrest. Dala ko IPad ko nun kaya nagbasa muna ako ng jonaxx' story which is 'Until Forever' (sobrang crush ko talaga si elijah kaya wala akong pake kahit paulit-ulit ko na to binabasa kasi kahit inuulit ko, kinikilig pa rin talaga ako!!)

So ayun habang nagbabasa ako may narinig akong papunta sa pool area so nilingon ko, pero bago pa ako makalingon may biglang tumalon sa pool huhuhu ayan tuloy nabasa ako. (malapit kasi ako sa pool) Hay that time sobrang nahiya na ko kasi biglang nag-oohhhh mga kasama niya sa likod ko huhu, hindi ko na sila nilingon kasi baka pagtawanan lang nila ako lalo. So narinig ko rin na yung tumalon napa-sabi ng 'fck', edi nalaman kong lalaki siya. Pero omg!!! nung narinig ko boses niya, naisip ko kaagad si elijah riley vasquez montefalco!!!! grabe as in bumilis tibok ng puso ko syeeet!

Nagulat nalang ako nasa harap ko siya, bagong ahon sa pool!! Pero sobrang natulala ako sa nakita ko.. ang laki ng katawan! sobrang dark ng buhok tapos naghalo yung pagka-amo at tapang ng itsura sa mukha niya huhu ang bilis talaga ng tibok ng puso ko that time! Mas lalo akong nagulat nung nagsalita siya:

Him: Hi uhm..I'm really sorry, I didn't meant to-

Me: It's okay! I'll just change my clothes when I go back to my room.

Him: Are you sure? *medyo guilty yung boses* Pwede kitang samahan pabalik ng room mo, para makabawi ako.

(syempre hindi na ako humindi!!! sayang opportunity hahaha)

Me: Sure.

Him: Alright let's go.

Nagpaalam siya sa mga kasama niya na sasamahan niya ko para makabawi pero yung isa biglang nagsalita na ""Alam na dude!"" so syet feel ko namula ako bigla, at the same time naalala ko si azi!! (ano ba tong nangyayari sakin?! Nasa Until Trilogy world ba ako???) Hindi pinansin ni Elijah (itago nalang natin sa pangalan na iyan) yung kasama niya at nag-signal na tara na.

Habang naglalakad kami:

Him: I'm really really sor-

Me: Stop saying sorry, I said It's alright haha.

Him: By the way, I'm Elijah. You?

Me: uhh, klare. (itago nalang din natin pangalan ko HAHAHA)

Him: So, what were you doing at the pool area earlier?

Me: Do you speak tagalog naman right? hahaha

Him: Oh, oo naman. *sabay tawa*

Me: Medyo napagod ako kasi inikot ko yung ibang place dito kaya ayun nag-rest muna ako. Ikaw? Bakit naman tumalon ka kaagad? Nabasa tuloy ako haha.

Him: Sorry talaga. Na-excite lang.

(Bakit ang ganda niya mag-tagalog huhu nakakainlove!!)

Me: It's okay nga lang talaga hahaha.

Hanggang sa nakarating na kami sa room ng family ko. Magpapaalam sana ako pero may sinabi ulit siya:

Him: By the way mamayang 6pm, may gathering kaming magpipinsan in the cottage near the pool later. Kung gusto mo pumunta, I can fetch you here? So that I can really make it up to you?

(syet syet syet!!! sobrang kinikilig ako!! makakahindi pa ba ako? hihi)

Me: Okay if that'll make you feel better, and if they won't mind me going there later.

Him: They won't mind that, besides I can see that you're really fun to be with. So I'm hundred percent sure that they'll like you.

Me: hahaha, so sige see you later?

Him: Alright then!

Nung umalis na siya sobrang lakas ng tibok ng puso ko kasi grabe parang hindi talaga kapani-paniwala to!!

-Fast Forward-

Nang makarating na kami sa cottage, his cousins greeted me. (Parang sila Erin, Claudine lang huhu ang gaganda nila) Napansin kong halos yung iba niyang pinsan na lalaki, nagvi-videoke. Pati narin yung parang si Azi nakikipagtawanan sa iba.

Maya-maya, niyaya nila si Elijah mag videoke. At first he hesitated pero wala siyang nagawa kaya hinawakan niya na yung mike. Nang tumugtog yung kanta, nagulat ako.. kasi tadhana yung tumugtog!!!!!! So naisip ko nanaman si Elijah Montefalco huhu, sobrang dami nilang common.

""Sa hindi inaasahan...""

Ewan ko pero nang marinig ko yung simula ng kanta, tumaas balahibo ko..

""Pagtagpo ng mga Mundo..""

Buong kanta dinamdam ko, feel na feel ko talaga na si Elijah Montefalco yung nakanta. After niyang kumanta nag-hiyawan mga iba niyang pinsan, pero umiling nalang sya. Papunta na sana siya sakin kaso nag-ring phone niya, kaya lumabas siya sa cottage.

Nung chineck ko na yung oras, 8:30 na pala. Kaya nagpaalam na rin ako sa mga pinsan ni Elijah, saka lumabas na. Naaninag ko si Elijah sa malapit sa puno nakatalikod tapos may kausap sa phone. Linapitan ko siya para magpaalam na rin, pero bigla ko narinig na sinabi niya sa phone ""Baby, I miss you so much. Don't worry I'll go there soon""..

Sobrang nagulat ako kasi ha??? may girlfriend ka na pala hindi mo sinabi ng masmaaga!!!! umasa na ko eh! akala ko yun na.. Umalis ako ng hindi nagpapaalam kasi ayoko makita niya na nasaktan ako.

After nun, hindi ko na siya nakausap at nakita. Umasa kaya ako na pupuntahan niya ko sa room kinabukasan! Pero wala. Ang sakit mga bes..

It's really crazy how fast I fell inlove with you in a short period of time Elijah. And sorry for falling inlove too easily. Hope to see you again kapag pinagtagpo tayo ng destiny..

Ps: May number mo ko pero wala akong balak i-text ka, kasi alam kong masaya ka na sa 'Baby' mo. "

-Ryen

Credits: The Jonaxx Files

Real Life JONAXX Girl/Boy (CONFESSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon