Confession #3

1.5K 23 0
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Feels
She called me '' Troy ''

"Nasa court ako when I first met this girl, she's a bit noisy. She's cheering the other team, not our team. I don't know why, pero there's something about her that attracts my heart, she has this beautiful pair of eyes, pinkish lips plus her cheek bone that made her look outstanding in the crowd.

Every time na nakaka score yung kalaban namin sa basketball na nanggaling pa sa Angeles, nakikita ko siya na napapasabi ng YES. Hindi ko alam kung sino yung boyfriend or crush niya. But everytime I see her happy bcoz the team got a score, I get pissed.

That's why, I focus on our game, para hindi na niya mapag cheer ang kung sino man na lalakeng yun. The result? We won. Pero napansin ko siya na lumapit sa lalake, nagpapicture siya. Feeling gwapo naman yung kumag, nadaan lang sa pataas ng buhok.

Pinagtanong ko pangalan niya, Mae ang nickname niya. At nag - aaral siya sa kabilang baranggay lang malapit sa amin.

May mutual friends kami, small world. Nalaman ko na crush na crush niya si 09 Cunanan, ng basketball team ng Angeles. Halata daw yung babae na gusto niya yung kumag, kaya itong lalake daw, parang nag take advantage kay Mae. Dahilan kung bakit nainis ako lalo.

Fast forward.

I saw her crying, I offer my towel para may pang punas siya, but she rejected my offer. So I have no choice but to keep my towel. I asked her what was her problem, she said none. None? Crying? Almost hallucinating? I didnt believed her, I just acted that I believed her.

We became close, actually bestfriends. Sad enough, yung taong mahal mo kaibigan lang ang turing sayo. Pero alam niyang may gusto ako sa kanya, tinawanan nga lang niya ako nung nagtapat ako sa kanya.

Bukambibig niya si kumag, medyo nakakairita at masakit sa damdamin dahil laging nasa isip niya yung kumag na yun.

One time, hindi ko siya pinansin. Nagtampo na ako sa kanya dahil laging si Cunanan ang nasa isip niya.

Kinakausap niya ako pero hindi ako sumasagot sa mga sinasabi niya. Nagulat ako bigla akong kinwelyuhan, at sabay nagtanong na ano daw ba problema ko. Dun ko na binuhos ang nararamdaman ko.

Sinabi ko na nakakainis dahil walang ibang lumalabas sa bibig niya kundi si Cunanan.

Nag makaawa ako, I told her that I really love her.

Lumuhod ako sa harap niya, sobrang pagmamakaawa na ginagawa ko. Nasabi ko pa nga na. "" Kahit minsan lang, ako naman mahalin mo. "" but then again, she laughed.

"" My troy. "" she said as she started hugging me. Nagtataka ako bakit Troy ang tawag niya. Kaya inexplain niya na parang ako daw si Troy Salazar.

Tinigilan nya yung crush niya, at umamin siya na nafafall na siya sa akin.

Now, I'm still waiting for her YES. "

-Troy

Credits: The Jonaxx Files

Real Life JONAXX Girl/Boy (CONFESSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon