Confession #9

425 12 0
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
My Percival Archer Riego

"Diploma muna bago kama." sabi mo sakin nung gusto ko ng gawin natin yon. Nung araw na yon alam kong ikaw na para sakin. Alam kong ikaw na yung gusto kong makasama. Sinasabi mo sakin araw-araw kung gaano mo kagustong makagraduate na tayo. Pinaparamdam mo sakin na ako talaga yung para sayo. Sobrang mahal na mahal natin yung isa't-isa na parang satin lang umiikot yung mundo. Nung nag 1st year college tayo, Engineering ang kinukuha mo. Education naman ako. Hirap tayong pagkasyahin yung oras dahil sa dami nating ginagawa sa school. Pero nakukuntento na tayo sa tawag at text pag hindi tayo magkasama (magkaiba kami ng school)

2nd year college. Hell week namin non nung sinabi mo na "By, Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry." Kinabahan ako pero sabi ko sayo "Mamaya na natin pag-usapan to. Mag eexam kasi ako." pumayag ka naman. Hanggang pag uwi ko sa bahay tawag ka pa din nang tawag. Hindi ko masagot dahil kabang-kaba ko. Hanggang sa nagtext ka na "Sagutin mo. Mag-usap tayo, may sasabihin ako sayo." Sinagot ko yung tawag mo pero ang una mong sinabi "By, nabuntis ko siya." Iyak ka nang iyak non. Habang ako nakatulala, hindi ko maproseso yung sinabi mo. Para kong bumagsak sa lahat ng major subjects dahil don. "By, susustentuhan ko nalang yung bata. Wag tayong maghihiwalay dahil lang dito ha!" Dun ako natauhan. Para kong binuhusan ng tubig. Pero ang narinig mo lang sakin "Wag. Magpaka-tatay ka sa magiging anak mo. Alam mo namang mahirap lumaki na walang tatay diba?" Tumawa pa ko para ipakita sayong hindi ako nasasaktan. Ayokong makita mo na pinong-pino akong nadudurog. Alam kong naiintindihan mo kung bakit hindi ko hahayaang lumaki na walang tatay yung magiging anak mo. Nakita ko pala yung picture niyo sa ospital. Nakahalik ka pa sa noo niya. Masayang masaya ka dahil may anak na kayo. Sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan yung picture niyo "Tama yang naging desisyon mo. Kita mo? Isang bata nanaman ang may Tatay." 

Hi, By, Hindi ko na tatanungin kung ayos ka lang ba dahil alam ko naman na masayang masaya ka na sa piling niya. Ayokong sabihin to pero Mahal na mahal pa rin kita. Sobra! Sorry ha? Hindi pa ko nabubuo kaya hindi ko pa kayang mag ninang sa anak niyo. Sorry ha? Hindi ko pa kaya dahil hanggang ngayon durog na durog pa rin ako.

Ako lang kasi si Katarina. Kaya hindi ako ang Snow mo."

-notyourownsnow

special credits to: The Jonaxx Files

Real Life JONAXX Girl/Boy (CONFESSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon