Confession #6

848 16 2
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
You're my Riguel but I'll never be your Lilienne

"Nitong highschool lang kita nakilala. Matangkad, suplado, matalino, masipag. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa'yo. Ni hindi nga tayo close e. Hindi ko alam. Basta na lang tumibok ang puso ko sa'yo. Dumating sa point na sinusundan na kita, hinihintay na makasabay umuwi, kinukulit kahit nagmumukha na akong tanga.

Naging mabait ka sa'kin. Sa sobrang bait mo ay inakala ko na may nararamdaman ka din sa'kin. Umasa ako.

I'm too stupid to think that you have feelings for me when the truth is, sadyang mabait ka lang. Sadyang ganiyan ka lang.

I saw Riguel in you. The mysterious and serious type. Also nakita ko kung paano ka din magmahal, Riguel na Riguel.

Yung bang gagawin mo ang lahat, maging deserving ka lang sa pagmamahal niya.

You treated your love as your Lilienne but she treated you like a trash.

Sana ako na lang. Sana ako na lang ang dahilan nang pagngiti mo, ang babaeng ipinagmamalaki mo, ang babaeng nagmamay ari ng puso mo.

Pero alam kong imposible e. 3 taon mo siyang hinintay. Hanggang ngayon hinihintay mo pa din siya. Sabi mo nga, hindi ka titigil sa pagmamahal sa kaniya kahit magmahal pa siya ng iba.

Imposible man pero hiniling ko at hinihiling ko na sana balang araw, ako naman ang babaeng makapag papasaya sa'yo.

I hope one day, I'll be your Lilienne, my Riguel."

-noonecares

Credits: The Jonaxx Files

Real Life JONAXX Girl/Boy (CONFESSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon