Confession #5

1K 13 2
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Si Elijah sa Beach

"So, here it goes. December 2016 we (together with my whole family) went to Cebu for my check-up. And after that, we went to Bohol para mag-family bonding at para na rin makasama yung mga pinsan namin na doon nakatira. It was my first time there so I was pretty excited.

Namasyal at nag-enjoy talaga kami. (Kasama mo ba naman ang mga pinsan mo lol.) Halos libutin na namin ang buong Bohol. But there's this one place that we're all excited about. The BEACH.

In our 4th day there, pumunta kami ng Panglao. Ito talaga 'yung araw na hinihintay namin kasi lahat kaming magpipinsan, mahilig mag-beach (Kahit bawal talaga sa 'kin because of my skin asthma). Nag-swimming kami, nagbanana boat kami, 'yung mga typical na ginagawa 'pag nasa beach kayo.

Without me knowing, sumama pala 'yung family ng pinsan ng pinsan ko. 'Yung pinsan niya is sa father's side while ako naman sa mother's side. Hindi ko talaga sila nakita eh, kasi nasa ibang cottage pala sila and nung patungo kami sa beach, nauna na pala sila.

Napansin ko lang na parating nawawala 'yung pinsan ko. So i asked her, ""Saan ka ba parating pumupunta?"" Sinagot naman niya ako ng, ""Sa kabila."" Then i asked her again, ""Ano namang ginagawa mo dun?"" She answered, ""Nandoon 'yung mga ibang pinsan ko."" Tumango nalang ako.

Nabigla na lamang ako ng bigla niya akong hilain patungo sa kabilang cottage. Aayain niya raw 'yung mga pinsan niyang mag-swimming para marami raw kami. Para raw mas masaya.

Pagdating namin dun ang una ko talagang napansin eh 'yung sobrang gwapong nilalang na umiinom ng coke. Grabe sobrang gwapo talaga. Matangkad, matangos 'yung ilong, sobrang itim na buhok, at 'yung kutis niya sakto lang. 'Di siya moreno pero 'di rin naman siya maputi. Sakto lang talaga. Pero ang 'di ko kinaya eh 'yung topless siya. Grabe ang yummy talaga. Sobrang hot. 'Di naman siya 'yung tipong puri muscle at puro abs. Parang sakto lang rin 'yung pangangatawan niya. Pero na attract talaga ako sa broad shoulders niya. Ang gwapo talaga<3

Nagulat ako nang tawagin siya ng pinsan ko sa pangalan niya. And guess what, ELIJAH 'yung name niya. Hindi ko talaga alam kung ano 'yung magiging reaction ko. Grabe! Sabi ko talaga sa sarili ko 'Elijah baby nagkatotoo ka na'

Sumama sila sa 'min para mag-swimming pero sadly, 'di kami nagkaroon ng time na makapag-usap. Sayang talaga. Nahihiya rin kasi ako. Kaya ang ginawa ko nag-ask nalang ako ng questions about sa kanya.

Nagtanong talaga ako dun sa pinsan ko. Tinukso pa nga ako kasi raw parang crush ko raw 'yung pinsan niya (lol). Sabi niya 19 na raw 'yung si Elijah, tinanong ko nga 'yung apilyedo pero guys hindi siya Montefalco. Oo sayang talaga. Magaling raw sumayaw at nakakalungkot lang kasi...

MAY GIRLFRIEND NA PO SIYA :(

Oo ang sakit lang. Sarap umiyak. Nakakita nga ako ng Elijah pero taken naman. Anyways, ang sarap pa rin sa feeling na kahit isang araw lang nakita ko 'yung 'Man of my Dreams' ko kahit hindi naman talaga si Elijah Montefalco yun. I hope in the future makita ko na rin 'yung lalaking masasabi kong Elijah ng buhay ko. At ako naman 'yung magiging Klare niya<3

P.S. I-combine niyo lang 'yang dalawang words dyan at mahuhulaan niyo na 'yung pangalan ko. 'Yan kasi 'yung meaning ng name ko :)"

- January Eleven

Credits: The Jonaxx Files

Real Life JONAXX Girl/Boy (CONFESSIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon