What Should WE Do?

177 4 0
                                    

Author's Note: I dedicate this chapter to lessdeleon. Wala lang. I'm just too over-whelmed because of her votes though my updates are just short. Haha.

Anyway, good luck sa second game tomorrow against Air 21, Rain or Shine! Go Jeric Teng!

-----------------------------------------------------------------------

JERIC'S POV:

It's been a week since the day that Red warned us about courting. Hindi ko tuloy alam kung ano yung gagawin ko. Even Jeron was devastated because of what happened. It felt like we were already threatened and our lives our the ones on line.

"Hoy, Teng! Parang balon na naman yang iniisip mo!" sigaw sa akin ni coach. I heaved out a deep sigh. Ako na lang kasi dito ngayon sa QPav dahil nauna ng pinauwi ni coach yung iba. "Coach, may mali ba sakin?" I suddenly blurted out because of frustration. Si coach naman, halatang nagulat sa sinabi ko. "Sorry, coach. Magppractice na lang po ako ulit" I said. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang magsalita si coach, "Teng, may gusto ka ba sabihin?"

Nagulat ako kasi first time kong marinig ng ganun yung tono ng pananalita ni coach. Normally kasi, palagi syang galit or stern kapag kaharap kami. But this situation is different. Really different. Hindi ako agad nakaimik sa tanong ni coach kaya bigla syang natawa na may kasama pang pag-iling. "Nako, Jeric. Parang hindi naman ako lalaki nyan eh," he said.

For the nth time of the day, I sighed and started to confide. "Eh kasi coach type ko yung kaibigan ni Jeron eh. Ang masakit pa, gusto din sya ni Jeron!" Natawa na lang ulit si coach sa mga narinig nya habang ako naman hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Jeric, kailangan mong malaman na ang pag-ibig, para din yang basketball. Hindi dahil sa sinasabi kong laro lang yan kundi kailangan nyan ng tinatawag nating technique. Gaya ng sa laro, hindi mo kaagad dapat ilabas yung alas mo kung hindi ka pa siguradong sure win o lugmok na lugmok ka na. Kailangan mong hintayin yung tamang pagkakataon pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na gagawa ng play mo. Mahirap yan sa parte mo dahil magkapatid kayo pero I assure you na pati si Jeron, ganyan din ang iniisip. Gaya mo, hindi nya pinapakita kapag magkaharap kayo pero kapag kaharap nya na ang ibang tao, nagsasabi din yan ng nararamdaman nya gaya ng ginagawa mo."

Coach's words are really penetrating my humanity. I can feel the sincerity in his words which made me braver.

"Hindi man kita lubos na kilala paglabas na ng court, masasabi ko namang kabisadong-kabisado ko na lahat ng galaw mo sa court. Simula sa pagkindat mo sa mga babae tuwing nakakatres ka sa isang game hanggang sa gunslinger move mo kapag lamang na tayo. Lahat yun alam ko. Hindi ganyan ang laro ng Jeric Teng na kilala ko. Malayong malayo sa lalaking laging may malalaking pasabog."

I smiled. "Salamat po sa advice coach! Akala ko sasabunin mo na naman ako eh!" I joked. Coach Pido laughed at my statement and said, "Coach mo lang ako pero alam ko kung kelan ako pwedeng maging tatay sa mga alaga ko."

I gave him a tight and warm hug to show how greatful I am because of him. He is right. He is REALLY right.

HAILEY'S POV:

I already recovered since I got discharged from the hospital several days ago. Paano ba naman kasi naaaliw ako dahil halos araw-araw may bumibisita sakin. Minsan yung tigers tapos minsan naman yung archers. Minsan nga nagkasabay yung dalawang team kaya medyo hindi namin alam kung saan ilalagay sila AVO at Kevin dahil sa height nila eh. Sila Jeric at Jeron naman, hindi nakakabisita hangga't wala si Red. Red already told me about his prank at pareho kaming nage-enjoy. Si Forts naman halos itulak na palabas yung magkapatid palabas dahil sobrang nasstress sya sa kakulitan.

I never felt this happy in my entire life. Ganito pala yung feeling na maraming umaalala sayo. Ganito pala yung feeling kapag pinahahalagahan ka ng mga tao sa paligid mo. Ganito pala yung feeling na magkaroon ng madaming kaibigan.

"You're going to school na di ba?" Red asked.

"Yup. Why?"

"Yung taray na effect kailangan nandun ah!" I laughed because of what my cousin said.

"Aren't you a bit too much? Masungit ka na nga sa kanila, pati ako isasama mo pa sa magsusungit sa kanila."

"Well, that's what it should be! Kailangan paghirapan ka nila."

Stealing The Captains' Hearts ♥ (A Jeric and Jeron Teng Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon