Mahal mo ko, alam ko yan
Mahal mo ko, kay sarap pakinggan
Mahal mo ko, inuulit mo pa sakin yan
Ngunit ngayon mahal mo ko,
Ang tanong, hanggang saan?Hanggang saan mo kayang panindigan
Ang sinambit mo, mahal, hanggang saan?
Ako ngayo'y nasasaktan
Dahil hindi ko na alamDi ko na alam kung totoo pa
Di ko na alam kung meron pa
Di ko na alam kung may direksyon pa
Napapatanong nga ako patungo ito saan banda
Ano na?Ano na, mahal, hanggang dito na lang ba?
Hanggang dito na lang ba ang pagkapit ko sa'yo
Na buong akala ko ay tatagal,
Tatagal hanggang sa tayo'y tumanda,
Pero parang wala na 'kong nakikitaMahal, hanggang dito na lang ba?
Hanggang dito na lang ba ang pagmamahal
Na ipinaglaban nating dalawa?