Mahal Kita

20 1 0
                                    

Mahal kita kaya iintindihin kita.
Kahit sobrang sakit na.
Kahit nakakapagod na minsan.
Pero alam mo ba kahit ganun hindi ko inisip na sukuan ka.
Hindi ko inisip na palitan ka kasi nga mahal kita.
Alam mo ba ang nakakainis?
Nakakainis at nakakatangang isipin pero hinding hindi kita kayang iwanan.
Kahit na pinapaiyak mo ako tuwing nag aaway tayo.
Titiisin ko ito mahal.
Dahil mahal kita.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon