Sa dulo ng ruler na'to, may tanga

29 0 0
                                    

May tanga sa dulo ng ruler na'to.
Kasi sa dinami-raming beses kong sinukat yung layo nating dalawa,
Nandito ako sa dulo ng ruler na'to.
Nung mga gabing pilit kung sinusukat yung pagmamahal na binibigay ko at binibigay mo,
Nandito ako sa dulo ng ruler na'to.
Nagpapakatanga
Nagpapangap na pantay lang tayong dalawa.
Sa dinami-raming beses kong sinukat yung pasensya ko 
Naghintay ako ng maraming taon at naghihintay parin ako.
Para patunayan sa sarili ko
Namahal mo rin ako.
Pero mali ako..
Hindi pala masusukat ng ruler na'to kung gaano ka kalayo
Hindi rin masusukat ng ruler na'to yung pagmamahal na binibigay mo na syang tinatanggap ko.
At kahit anong pilit ko hindi pala talaga ito pantay sa pagmamahal na binibigay ko sa'yo.
Hindi rin pala masusukat ng ruler na'to yung pasensyang nilaan ko--
Sa paghihintay sayo
Sa sagot mo
Kung minahal mo ba ako
Kung mahal mo ba ako
Kung mamahalin mo pa ba ako
Sa kabila ng distansya nating dalawa
Na hindi kayang sukatin ng ruler na'to, na syang hawak ko
Ang tanga ko..
Paano ko nga naman pala masusukat  ang lahat ng 'to
Kung 'di pa tayo nagkakatagpo.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon