Ulan

13 1 0
                                    

Noong bata ako, gustong gusto ko kapag umuulan.
Nagdidilim ang kalangitan, kasunid nito ang pag patak ng tubig ulan.
Magkakaroon ng ingay na dulot ng bawat patak.
Minsang naitanong ko sa aking sarili,
Bakit nga ba umuulan?
Siguro mayroong nasasaktan?
Siguro nga..

Ngayong hindi na ako bata.
Gustong gusto ko kapag ako ang nagpapaulan.
Magdidilim ang paligid, kasunod ng pag patak ng aking mga luha.
Magkakaroon ng katahimikan dulot ng pag-iyak.

Ngayon ay mas naiintindihan ko na.
Na sa bawat pag patak ng luha sa iyong mga mata, kasama nito ang mga problema at sakit na iyong nadarama

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon