Mapungay na mata tila nangungusap.
Nangungusap kapag ikaw ay kumindat.
Kumindat kang muli't ako'y maiiyak.
Maiiyak dahil sa tuwa at galak.
Galak na malabis sa hatid mo liyag!Kamay na sinlambot bg dampu ng bulaklak.
Bulak na papawi sa dugo ng sugat.
Sugat ma'y malalim, hinilom mong lahat
Lahat ay nag laho, nagsigaling kagyat.
Kagyat na nawaglit sa isa mong hawak.Buhok na simbango ng isang bulaklak.
Bulaklak ay tanyag na ngalan na rosas.
Rosas na mayroong tanging halimuyak.
Halimuyak na ang puso ang binihag.
Binihag mo man ay ayaw kong tumakas.Ninais ko minsang mahaplos, masalat.
Masalat ang walang kaparis mong balat.
Balat mo'y sukdulang mapuputing perlas.
Perlas na kay hirap tagpua't mailap.
Mailap sa pagkat iisa sa dagat!Ikaw ay isang birhen ako'y isang hawak.
Hawak mong tagahanga't ikaw ang pangarap.