Sana unan nalang ako

20 0 0
                                    

Sana unan nalang ako,
Para lagi mo akong katabi gabi-gabi
Para lagi mo akong kayakap
Para sa tuwing umiiyak ka ng palihim ay mapupunasan ko ang mga luha na itinatago mo.

Oo, alam ko na pwedeng kong gawin yun kahit hindi ako isang unan. Pero hindi ako makalapit sa'yo dahil lagi mo akong tinatapoy palayo sa'yo.

Mahal? alam mo ba na naiinggit ako sa unan na yakap-yakap mo ngayon? Naiinggit ako mahal dahil kaya nyang gawin ang hindi ko magawa sa'yo dahil hindi mo gusto na lumapit ako sa'yo para punasan ang mga luha mo at para masandalan mo lagi.

Mabuti pa ang unan dahil kapag may problema ka sya agad ang hinahanap mo para mailabas lahat ng sama ng loob mo. Para iyakan mo. Para mabawasan yang mga hinanakit na nararamdaman mo. Kaya lagi kong dinadasal na "Sana unan nalang ako".

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon