Revelation starts..
Agad na nakatulog si Devon marahil sa maghapong byahe..sabay ng paglalakbay sa kanyang panaginip ang paglitaw ulit ng babae sa kanyang harapan at sabay hablot sa kanyang buhok. Napasigaw sa sakit si Devon at pilit na nagpumiglas dito. At nang sa wakas ay nakalayo ay agad nyang hinarap ang babaeng bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan at galit na kinompronta ito.
Ngunit sya rin naman ikinabigla nya ng makita na ito ng maliwanag at malapitan.
"Ikaw?!"di makapaniwalang sambit ni Devon.
"Nagulat ka ba?!"nakangising sambit nito. Mang aagaw ka! You bitch!!"at akmang sasampalin na naman sya nito.
Ngunit naging maliksi na si Devon at agad sinalag ang kamay nito bago pa ito lumapat sa kanyang mukha.
"Wala kang karapatang sampalin ako!"sagot ni Devon habang hawak ng mahigpit ang kamay ng babae.
And for your information wala akong inagaw sayo..dahil kusang bumabalik ang totoong sa akin!gets mo?!"sabay higpit at pilipit pa sa kamay nito.Napasigaw sa sakit ang babae at nabigla si Devon ng may biglang tumulak sa kanya sapat para mapasadsad sya sa damuhan.
Agad syang tumingala at nagulat sa kanyang nakita..
"Jjj-james?!"why??!"nangingilid ang luhang sabi nya dito.
Base sa anyong nakikita nya ay nag-aapoy ang mga mata nito sa galit habang nakatitig sa kanya sabay sabi
..
"Wala kang karapatang saktan ang babaeng mahal ko!"bulyaw nito sa kanya. Napatingin din si Devon sa babae na wari'y masayang masaya sa nangyayari. Nakangisi pa ito habang nakahawak kay James.
Nagulat si Devon sa narinig..di yata't namali sya ng dinig. Sya ang mahal ni James..
"Pero James?! Di ba ako ang mahal mo??paulit ulit mong sinabi sakin yon!"
Iyak sigaw na sabi ni Devon.
Malutong na tawa ang isinagot nito sa kanya sabay sabing..
"Ang bilis mo rin talaga maniwala ano?!Pagkatapos mo akong saktan at parusahan ng mahabang panahon ganon-ganon ko lang malilimutan yon..bumalik lang ako para maghiganti at iparanas sayo ang sakit ng ginawa mo!"
Galit na sagot nito.
"No!hindi totoo yan!James.."umiiyak na sabi ni Devon.
"Yes darling..hindi ka nya talaga mahal kaya't tama na ang ilusyon okay!"sabat ni Cass at tuluyan nang iniwan ng dalawa si Devon na walang tigil ang pagluha.
"James!.." sigaw-iyak na sabi ni Devon, pero tuluyan ng naglaho si James.Lumong-lumo sa natuklasan si Devon..parang di sya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman nya ngayon.
Wala na si James iniwan na sya ng lalaking matagal nyang minahal.Isang yugyog at boses ng kanyang ina ang nagpabalik sa kanya sa realidad.
"Devon!Devon..anak gising!"nag-aalalang sabi ng kanyang ina.
Nagising syang umaagos ang luha sa kanyang mata at pagmulat nya ay ang nag-aalalang mukha ng mommy nya ang bumungad sa kanya. Agad ang kanyang pagbangon at mahigpit na niyakap ang mommy nya habang tumutulo pa rin ang kanyang luha.
"Shhhh..its okay its just a dream anak!"
"My..akala ko totoo..parang totoo!"
"Panaginip lang un..okay..stop crying na..tell me anong napanaginipan mo?!"
"My..It's about James.."lumuluhang sabi ni Devon.
At nagumpisa ng ikwento ni Devon sa kanyang ina lahat-lahat ng nangyari sa kanila simula ng conference at ang kanilang muling pagkikita ni James.
"Masaya ako para sa'yo anak..at alam kong si James ang magpapasaya sa'yo..pero lagi mo lang tatandaan na ang bawat relasyon ay dumadaan sa pagsubok at katatagan..hindi palaging masaya may panahong dadating na susubukin ang hawak nyong pagmamahal..at nasa inyo kung hihigpit kau ng kapit o pareho na kayong bibitaw..basta pag dumating ang araw na yun siguraduhin nyong yung tiwala at pagmamahal ay kapit nyo pa rin ng magkasama...
"Basta anak nandito lang kami para sayo kahit ano pang mangyari."makahulugang sabi ng kanyang ina.
