Chapter 21

68 4 2
                                        

False assumed!!!

Maagang nagising si Devon at dahil na rin kampante na ang isip at puso nya ay naging mapayapa ang kanyang pagtulog. Tiningnan nya ang orasan, 5:00 am. At dahil hindi na rin sya makabalik sa  pagtulog ay nagpasya syang bumaba na at magluto.  Pero nang pababa na sya ay nakita nyang may ilaw na sa kanilang kusina..di yata't maagap din nagising ang kanyang ina.

"'My? "nagtatakang tanong ni Devon sa kanyang ina ng makita na nya itong naihanda na lahat ang kanilang breakfast kasama na pati ang kanyang baong maluto.

"Oh,anak gising ka na pala.. Bakit naging maagap ka rin ata? "

"Hindi na ako makatulog eh.. Magluluto na po sana ako para sa breakfast natin..Pero mas maagap ka pa pala Mommy! bakit 'My?may lakad ka? "

"Oo anak.. Tumawag ang Papa mo kagabi at may pinapaasikaso lang sakin mga papeles.

"Ah, eh tungkol naman sana po? "curious na tanong ni Devon.

"Wala naman yun anak.. Saka ko na ikukwento sa'yo okay?!".

"Sige. Pero kaya nyo na po ba?o gusto nyo pong samahan ko kayo? "

"Naku hindi na anak.. May pasok ka pa.. Kaya ko na 'to.. Oh siya.. Ako'y aalis na at para makabalik na rin ako agad.. I-lock mo na lang mabuti ang pinto pag-alis mo ha at mag-ingat ka pagpasok mo.. Ay teka,susunduin ka ba ni James?! "

"Sige po 'My ingat po kayo sa pagbyahe nyo.  At magtxt po kayo agad sa akin pag nakarating na po kayo doon at pag-pauwi na rin po kayo..susunduin po ako ngaun ni James."nakangiting sabi ni Devon sabay halik sa pisngi nito.  Saka tuluyan nang umalis ang kanyang ina.

Mabilis na kumain si Devon at nang matapos ay niligpit na rin nya ang pinagkainan at pumanhik na sya sa kanyang kwarto para maghanda sa kanyang pagligo. Nagpasya na syang maligo dahil 5 am na at maya mya lang ay darating na si James para sunduin sya.
Pagkatapos nyang maligo at mag-ayos ng sarili ay nagpasya na syang bumaba. Maya-maya lang ay narinig na nya ang pagbusina ng sasakyan. Sigurado nyang si James iyon dahil tatlong beses itong bumusina.  Iyon ang kanilang signal..it means "I love you daw".hayssst..ang cheesy diba?!

Nang masiguradong nailock na nya ang pinto ay nagpasya na siyang lumbas malayo pa lang ang kita na nya ang gwapong mukha ng nobyo habang nakasandal sa kanyang kotse. Nang makita sya ay agad itong napangiti habang nakatingin sa kanya. Habang si Devon naman ay di mapigilang kiligin dahil sa nakikita nyang pagtitig sa kanya ni James na para bang sinasabing..swerte ko..akin ka na..!"infairness kilig un!

"Hi.."nakangiting sabi nito.

"Hello!"ganting bati ni Devon na nakangiti.

"Infairness ha..maagap ka..impressive!"panunukso ni James.

"Sabi ko naman sayo eh..nagbago na ko.."daig ng maagap ang masipag!"

"Yeah right!Naniniwala nko...so let's go?!

"Okay..tara na para di rin tayo abutin ng traffic."

"Yun ang sabihin mo..its all because of traffic kaya ka nag-adjust..haha..am I right?!"pang aasar pa ni James habang pinagbubuksan ng pinto ang nobya.

"Ofcourse not!"

"Well if you say so!"

"James ha!maaga pa para mang asar ka!"

"Okay,okay I believe you..I'm just kidding!"nakangiting sabi ni James at iistart na sana nya ang ssakyan ng mapatingin ulit sa nakangiti na ring si Devon.

Napansin naman ito ni Devon at biglang pagtambol ng puso nya..dahil sa titig na yun ni James. Tinanggal nito ang seatbelt nya at dahan dahang lumapit kay Devon. Halos di naman makakilos si Devon na parang mapaparalyzed na ng malapit na ito sa kanya.

"secret lang mahal kita!!!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon