"Hoy espren, nasaan ka ngayon? May lakad ka ba? Puntahan mo naman ako dito sa bahay. nalulungkot na naman ako e. Tara inuman tayo! Wala kasi si Papa. May inaasikaso sa negosyo namin. Lumipad na naman papuntang States. Punta kana agad dito okay? Kapag hindi ka nagpakita, gulpi ka sakin! haha" ang text message ni Jaxtin kay Clayton.
Ako nga pala si Jaxtin Wilson, ang nag iisang anak sa aming pamilya. Hindi man sa pagyayabang ay may pag-aari kaming mga kumpanya sa pilipinas at mga kilalang kainan at supermarket. Simple lang naman akong tao. Maputi, brownish ang mata (nakuha ko sa mata ni Mama), maganda ang katawan. Oo maganda ang katawan ko, dahil bukod sa batak ako sa paggy-gym sa labas ay may sarili din kaming gym dito sa bahay na malimit ko lamang magamit dahil nakakawalang gana. Gwapo? Ah eh. SIguro gwapo ako, kasi hindi sa pagbibiro ay palagi akong pinagtitingan ng mga kababaihan at mga bakla kapag naglalakad ako o nasa school man. Nakalaban na din ako sa mga Patimpalak tulad ng Mr. Intramurals, Mr. Hunk atbp. Hindi ako yung tipong porke mayaman daw e idinadaan na lang sa pera ang nakukuhang Marka sa school para lamang pumasa. Masipag akong mag-aral, magbasa at manood ng kung ano anong movie na kapupulutan ko ng aral. Matalino ako dahil consistent honor student ako mula pa noong elementarya. Tinatawag nga nila akong perpekto, dahil kung sa babae daw e may "Beauty and Brains" ako naman raw ay Hunkie Brainy Hottie. Sa akin naman ay wala lang yun. Hindi ko iniisip na perpekto ako. Sobrang simple ko lang pero nadadala ko ng maayos ang sarili ko. Hindi ko inisip na maging mayabang ni minsan dahil ang turo sakin ng Mama ko ay lagi kong dala dala hanggang sa ngayon. Hindi perpekto ang buhay ko kahit mayaman kami. Dahil bukod sa lagi akong naiiwan sa bahay na tanging mga katulong lang ang kasama ay wala na ang aking Ina. Mula ng namatay si Mama, tinamad na akong mag-aral. Nakakamiss kasi yung kada uuwi ako sa bahay, nakaabang na agad si Mama sa akin at magtatanong kung kumusta ang araw ko. Na may nakahanda ng pagkain na sya mismo ang nagluluto bukod sa luto ng mga maids namin. Sya lang lagi ang nagpapangaral sakin kaya lumaki akong mabuting tao. At lahat ng yun ay pinagpapasalamat ko ng malaki dahil sya ang naging ina ko. Si papa naman ay palaging busy sa trabaho sa mga kumpanya naman pero never pa syang nakalimot makabawi sa mga oras na hindi nya kami kasama. Sobrang bait din ng papa ko. At mahal na mahal nya si mama at lalo na akong unico hijo nila, Ako. Dahil may hingin man ako wala, lahat binibigay nila sakin. Kaya't hindi ako lumaking mayabang. Dahil responsable at sobrang bait ng mga magulang ko. Magkatulong silang nagtaguyod ng kung ano mang meron kami ngayon kaya maganda ang buhay namin.
Bukod sa halos masira ang buhay ko nung mamatay si mama sa aksidente na nangyari noon, si papa naman ay nalulong na sa trabahong lagi nyang inaasikaso dahil ayaw nyang iparamdam kay Mama na nagpapabaya sya sa pinagtulungan nilang negosyo. Naging dahilan din ito ng pagkawala ng oras sa akin ni Papa at halos sa text o tawag na lang kami nagkakausap.
SIngle na ako ngayon dahil hiniwalayan ako ng malandi kong ex-gf at pinagpalit ako sa isang tomboy. Naging mahirap para sa akin ang nangyaring yun dahil halos naging sya na ang buhay ko. Yung tipong kapag magkasama kami, parang kami lang ang nasa mundo. Masaya kami at bihira lamang kaming mag away. Masasabi kong napaka-compatible namin sa isa't isa at nasa isip ko na din na sya siguro ang babaeng nakalaan para sakin. Ngunit dahil na rin sa nangyaring pinagtabuyan nya ako para ipagpalit sa syota nyang tomboy, kasabay ng pagkamatay ni Mama, ay hindi ko na sya magawang mapatawad. Dahil sobrang masakit sakin ang ginawa nya.
Iyon lamang ang buhay ko. Ipapakwento ko nalang ang iba pang nangyayari sa buhay ko kay Author. :D"
-
-
-
Habang naghihintay ng reply si Jaxtin sa kaibigan nyang si Clayton ay naisipan nyang maligo muna sa pool nila dahil sa pagkainip nito at naiinitan sya sa panahon.
ALas 3:00 ng hapon pa lang kasi at wala syang magawa. Ni ayaw nyang lumabas ng bahay dahil tinatamad ito at gusto munang magkulong lang sa bahay. Madalas rin naman itong lumabas para lang mag-inum sa mga bar at club at para makipagfling sa kung sinu-sinong mga babae.
-
-
-
Nagsuot na ng swimming trunks si Jaxtin at tanging yun lamang ang kanyang suot kaya naman labas na labas ang napakagandang hubog ng katawan nya at ang malaki nyang bukol na itinatago sa ilalim ng kanyang trunks. Nagsimula na syang magtungo sa pool at tinawag nya ang isang katulong upang magpahanda ng pagkain at ipalabas na din ang 2 Jack Daniels na alak na doon sa taguan nila ng alak. Mukhang lasingan ang gagawin nila ngayon kahit hapon pa lamang.
Nag-umpisa na syang basain ang sarili nya sa may shower sa pool nila bago pa sya tuluyang tumalon palusong sa sa tubig Habang nililibang nya ang sarili nya ay hindi na nya namalayan na nagri-ring pala ang telepono nya. Dumating na ang pagkaing inihanda ng maid at pati na rin ang alak. Lumusong sya pabalik sa may mesa at doon lang nya nacheck ang phone nya.
"22 missed calls from Espren Clay"
"4 text message(s) from Espren Clay"
"Espren, daanan ko lang yung mga papers na pinapaasikaso sakin ni mommy sa kumpanya namin. Tapos didiretso na ako dyan. Sakto at nauuhaw na din ako sa alak. Mabuti na lamang at nakaalala ka magyaya! hahaha"
"Ano iinumin natin espren? Paalis na ako dito sa company namin."
"Hoy espren. Nasaan kana? On the way na ako papunta dyan."
"Hoy kupal ka! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Kanina pa ako tumatawag. Malapit na ako!" si clayton sa text message na natanggap ni Jaxtin.
"Naku. Shit! Hindi ko napansin tong telepono ko! Ang bagal bagal naman kasi magreply ng mokong na to e!"
(Tinawagan si Clayton)
Jaxtin:
"Hello espren! Pasensya na! Andito ako sa pool area. Naliligo ako. Hindi ko narinig na tumatawag ka pala. Dito ka na dumeretso okay? Andito na rin ang pagkain at alak na iinumin natin! Nasaan ka na ba?!"
Clayton:
"Gago. Andito na ako sa labas ng bahay nyo. Kararating ko lang. Sakto lang ang pagtawag mo. Papasok ko lang tong kotse ko dyan sa bahay nyo. Hintayin mo nalang ako." ang sabi ni Clayton.
Jaxtin:
"Ok sige. Bilisan mo na. Kahit kailan talaga para kang PAGONG!
Clayton:
Fuck you ka! Ito na nga. Hahahah. Excited ka makita ako?!"
Jaxtin:
Hahahaha OO NAMAN! Miss ko din naman syempre ang nag-iisang bespren ko sa buong mundo. Hahaha
Clayton:
Ulul mo! Huwag mo akong mabola bola. Kilala na kita. Halos iisa lang ang halang ng mga bituka natin. Huwag mo na ako idaan sa ganyan, dahil andito na ako at hindi mo na ako kailangan pa sabihan ng mga letseng sweet words mo para damayan ka. Never naman kitang tinanggihan o iniwan e.
Jaxtin:
"Tangina espren. Nakakakilig ka naman! HAHAHHAHA. O siya. Ang dami dami mong satsat. Dumiretso ka na muna sa kwarto ko at kumuha ka na lang ng swimming trunks dun sa lalagyan ko at maliligo tayo!"
Clayton:
"OK sige! Bye. See you in a bit. Fucker! Hahaha"
-
-
-
-
-
-
Author's POV.
Sana ay sabayan nyo akong subaybayan ang kwentong ito. Promise maganda to! :D
FOLLOW at vote kayo kapag nagustuhan nyo. Comment na din kung interesado kayo.
-Prinsepe Tasyo-
BINABASA MO ANG
"SI BEST FRIEND O SI TUTOR NA TERROR?" <On-Hold>
FantasyNagtagpo ang landas ni Jaxtin Wilson at Mr. Kurt Lee (Terror na Tutor) dahil sa pagpipilit na pagkuha ng bestfriend ni Jaxtin na si Clayton Alcantara ng tutor para sa kanya dahil napansin nyang wala nang gana mag aral ang matalino nyang best friend...