Best Friends Forever!

2.9K 42 0
                                    


"If you're alone, I'll be your shadow. If you want to cry, I'll be your shoulder. If you want a hug, I'll be your pillow. If you need to be happy, I'll be your smile... But anytime you need a friend, I'll just be me."


Clayton:

"OK sige! Bye. See you in a bit. Fucker! Hahaha")

-

-

-

-


Nagdiretso nga si Clayton sa kwarto ni Jaxtin at kumuha ng gagamitin nya. Alam na alam ni clayton ang pasikot sikot sa bahay nila Jaxtin dahil halos doon na din naman naglalagi si Clayton at minsan pa ay doon na sya nakikitulog kapag nasobrahan na sila ng inum.

Napakabuting kaibigan talaga ni Clayton. Totoo ang sinabi nya na kahit kailan ay hindi nya iniwan ang best friend nya kahit may ginagawa man sya. Masasabi mong tunay nga syang kaibigan.

---Pagkarating sa kwarto ni Jaxtin, naghanap na agad ng trunks ito. Tanging trunks din lang. Dahil hindi din sa pagyayabang ay maganda din ang built ng katawan ni Clayton. At isa din sya sa tinuturing na Heart Throb sa school nila ni Jaxtin. Pareho silang pinagtitilian ng mga babae. At minsan pa nga ay naging magkalaban sila sa Mr. Intramurals.

Kinuha na nya ang trunks na susuotin nya at nakita nya na ang pinaghubaran ni Jaxtin ay nasa may sahig lang. Pinulot nya ito at may kakaiba syang nararamdaman. Parang gusto nya hawakan ang underwear na hinubad ni Jaxtin. Pero agad nya itong binitawan. BIgla syang nabalik sa muwang nya at hinagis na lamang ito palayo sa kanya. Straight din si Clayton. Kapareho ni Jaxtin. Kaya sobrang komportable sila sa isat isa. Kaya ng mga oras na hinawakan nya ang underwear ng bestfriend nya ay nagtaka din sya kung bakit ba pinulot pa nya iyon.

Nagtungo na sya papunta sa pool na kinaroroonan ni Jaxtin. Nakatrunks na ito at nakasabit lamang ang tuwalya sa leeg nya. Nakarating sya at sinigawan agad ni Jaxtin.

"Hoy espren! King ina mo. Andito na ako!" si clayton.

Nagkamayan at yakap sila na kala mo ay hindi nagkita ng matagal. Ganoon naman sila palagi. Dahil parang magkapatid na ang turingan nila sa isat isa dahil pareho silang unico hijo ng pamilya.

"Ayos espren! Salamat at hindi mo ako magawang tanggihan! Ikaw talaga ang tagapagligtas ko! :) Halika na muna at kumain tayo bago tayo mag-umpisa mag inuman." aniya ni Jaxtin.

"Ok. Ayos yan. Sakto at sobrang gutom na ako! Hindi ko na kasi naisip dumaan sa drive thru kasi alam ko namang may dadatnan akong pagkain dito! haha" ang tugon ni clayton.

"Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga kaya ayaw mo gumastos. Kahit alam natin pareho na barya lang sayo ang pagbili sa mga fast foods. haha!" pagbibiro ni Jaxtin.

"Gago! Hindi ako kuripot. Kung gusto mo bilhin pa kita e." pagalit ngunit pabirong sagot din ni Clayton.

"Hindi mo ako mabibili Clay. Mahal yata ako. Sa gwapo kong ito at sa tikas ng pangangatawan ko, kulang pa ang buong kayamanan nyo at isama mo na ang kayamanan namin para pambayad sa masarap kong katawan. hahah" si Jaxtin.

"Nahiya naman ako sa pagkakapal ng mukha mo. Pero sa totoo lang, gwapo ka naman talaga espren. Matalino ka. At napakabait mong anak. Pero noon yun. Ngayon nabawasan na! Nagbago kana! hahaha" pabirong banat ni Clayton.

--Tila nagbago ang tingin ni Jaxtin sa mga sinabi ni Clayton. Nanahimik ito ng ilang segundo saka pa lamang sumagot at medyo may pagkaseryoso ng tinanong nya si Clayton.


"Totoo ba espren? :/ May nagbago nga ba sakin? Bobo na ba ako ngayon? Pangit na at hindi na ako mabait na anak? Ganyan na ba ang tingin mo sa akin. Parang ang sakit naman ng biro mo Clay. :(" si Jaxtin na tumalikod kay Clayton pagkatapos nyang sabihin ang mga ito.

"Huy. Adik to. Para nagbibiro lang e. Halika nga dito espren." hinila nya sa tabi nya si Jaxtin at inakbayan habang kinakausap ng seryoso.

"hmmmm."

"Pero alam mo Jax, sa totoo lang. OO may mga nagbago sayo. Hindi sa itsura, o sa pagiging mabait na anak, O naging bobo ka. Best friend mo ako at Best friend kita kaya sasabihin ko sayo ang dapat kong sabihin bilang best friend mo ako. Magalit ka man o hindi, para sayo tong sasabihin ko. Kaya makinig kang mabuti. Ang sinasabi kong nagbago sayo, ay yung IKAW mismo. Matalino ka at alam natin yan pareho. Pero anong ginagawa mo? Tumigil ka sa pag aaral. Nagbubulakbol ka at kung sino sino babae nakakafling mo. Hindi kana gaanong masiyahin, (pwera pag kasama mo ako.haha), dahil puro inom nalang ang gusto mo. Sa palagay mo ba matutuwa si Tita Mama(Mama ni Jax) kung nakikita ka nyang ganyan habang nakabantay sya sayo dun sa langit?

Naalala mo ba nung nagdinner tayo nina Mommy at Daddy kasama si Tita mama at Papa mo. Ang sabi nila sa atin, mag-aral tayong mabuti dahil sa tamang panahon, lahat ng kung anong meron sila ay sa atin din ipapamana. Nag-agree tayo don. Kaya nga pareho tayong nagsipag sa pag-aaral. At isa pa, yan din ang dahilan kung bakit hindi kita maiwan o matanggihan. Dahil alam kong ganyan ang ginagawa mo. Hindi ko kayang makita na ganito ang espren ko at ayokong may masamang mangyari sayo. Mahal kita at hindi ko hahayaan magpariwara ko o may mangyaring masama sayo." ang pagpapaliwanag ni Clayton sa tahimik na best friend nya.

--Matapos marinig ni Jaxtin ang mga sinabi ni Clayton, hindi nya alam ang mararamdaman nya kung maiiyak sya o matatawa. At dahil nga may pagkaloko itong si Jaxtin. Lumingon ito palayo sa paningin ni Clayton at nagpigil ng tawa dahil nakaisip na naman sya ng kalokohan. Humarap muli sya kay Clayton ng dahan dahan pagkatapos magpigil tumawa at sinagot nya ito ng may pagkaseryosong mukha.

"MA...... MA.... Mahal din kita espren. So tayo na?" ang lokong si Jaxtin na pinutol ang seryosog usapan nila.

"Gago ka talaga! Seryoso ako e! hahaha" ang nasabi lang ni Clayton matapos nyang batukan si Jaxtin.

"ARAY KO! Gago ka ah. haha Pero alam mo espren, seryoso to. Maraming salamat. Totoo nga yun. Kita ko at ramdam ko na hindi mo ko iniiwan o hindi mo ako matanggihan kahit alam kong busy ka. Hindi ko na alam siguro ang gagawin kung pati ikaw na bespren ko e mawala sa landas ko. Sobrang hirap kasi nung mawala si mama. Kasabay pa ang panloloko sa akin ng ex-gf kong pumatol sa tibo! Tapos si papa malimit ko nalang makausap at makita. Parang tinatamad na ako sa buhay ko. Pero ayan. Andyan ka. Hindi ka nag aatubiling samahan ako kahit para akong gago. salamat espren ha. Napakabuti mo sakin. Higit ka pa sa kaibigan. Ikaw ang kapatid ko sa ibang magulang. Di nga tayo magkadugo pero tinuturing kita kapatid dahil ikaw lang naman nakakaintindi sa akin. Sa mga kalokohan ko, sa mga problema ko. at lalo na sa pagiging gwapo ko. Salamat talaga Clay ah." ang pagpapaliwanag ni Jax sa nagtakang bespren nya.

"Teka. Lahat ng sinabi mo seryoso tapos sa huli isasama mo na gwapo ka? hahaha Adik ka din talaga e 'no? Pektusan kita gusto mo?" pagbabantang biro ni Clayton.

--Nagtawanan silang dalawa at itinigil na nila ang seryosong usapan na namuo, at nagsimula na silang kumain at mag-inum na kaunti bago lumusong sa pool.

Habang nag iinuman ay nagsalitang muli si Jaxtin.

"Clay." -Jaxtin

         "Oh?" - Clayton.

"Huy Clayton!" -Jaxtin

         "Ano?!" -Clayton.

"Huy ESPREN! Tumingin ka kasi!" -Jaxtin.

         "Oh ano nga yon?" paglingon ni Clayton habang sumasagot.

"MARAMING SALAMAT HA? BEST FRIENDS FOREVER?" nakangiting pasasalamat at tanong ni Jaxtin.

"BEST FRIENDS FOREVER!" masayang sagot ni Clayton.

Nagpatuloy na silang mag-inuman..


"SI BEST FRIEND O SI TUTOR NA TERROR?" <On-Hold>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon