Candies be love? (Can this be love)
a short story written by TGWLR
Based on a true story
Minsan crush mo pa lang, umaasa ka na.
Crush mo pa lang, nasasaktan ka na.
Crush mo pa lang, pati apelyido inaangkin mo na.
Crush mo pa lang, iniiyakan mo na.
Ang tanong, crush nga lang ba yan? Simpleng paghanga nga lang ba? O baka naman, pag-ibig na? Mahirap masaktan ng walang dahilan at mahirap magselos ng walang karapatan. Iba pala talaga pag first love. Mahirap kalimutan. Lahat gagawin mo para makuha lang siya, pero ang tanong, siya ba? Gusto ka?
Paano kaya kung hindi naimbento ang kendi? Magkakakilala kaya kami?
*****
Ako si Pebbles. Simpleng 2nd year high-school student. Hindi katangkaran, hindi masyadong maganda at hindi rin sobrang matalino. Kung ikukumpara ako sa magagandang babae sa school, normal lang ako. Kumbaga, ordinaryo. Ang mundo ko, umiikot lang sa school, sa pamilya, at sa mga kaibigan ko. Wala akong ibang iniisip… yun ay hanggang sa makilala ko siya. Ang taong nagpabago ng ikot ng mundo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/11687434-288-k6097.jpg)