Chapter 1

308 8 4
                                    

 “Pebbles, si Gabriel oh!”

“Asan? Asan? Asan??” mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng classroom nang marinig ko si Marielle.

“Joke lang. Ito naman. Ikaw kasi, magpakilala ka na. Ikaw rin, gagraduate na yun oh. Papayag ka ba na grumaduate siya na hindi ka man lang nakikilala?”

Napaisip ako sa sinabi ni Marielle. Gagraduate na nga si Gabriel ilang linggo na lang. Papayag ba kong umalis ang crush ko ng hindi man lang niya ko nakikilala?

Nakilala ko si Gabriel a few days ago dahil sa isang event dito sa school. Sa kabila ng dami ng tao, napansin ko siya. Paano ba namang hindi, eh ang lakas ng dating niya. Hindi na ko magtataka kung bakit halos  sambahin siya ng mga babae sa school mula mukha niyang gwapo hanggang sa mga paa niya’t kuko. Ewan ko nga ba kung bakit ngayon ko pa siya napansin kung kailan gagraduate na siya. 4th year na kasi siya, habang ako 2nd year high-school pa lang. Mula nang makilala ko siya, araw-araw pumapasok ako ng maaga para abangan siyang pumasok. Kaya nga lagi akong nakadungaw sa bintana eh, para makita ko siya.

Nung breaktime nagpasama sa’kin si Marielle at Abi na pumunta sa canteen. Ayokong sumama nung una dahil medyo malayo yun sa room at isa pa, hindi naman ako bibili dahil may baon na kong pagkain. Pero dahil na rin siguro gusto ko siyang makita, sumama ako.

Hindi naman ako nagkamali, nandun nga siya kasama ang mga tropa niya. Kagaya nang una ko siyang makita, gwapo pa din siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung araw na yun at naisipan kong magpakilala sa kanya.

“Ay Pebbles! May dala akong candy oh. Bigay mo kay Gabriel.”

“Aanhin naman niya yang candy?”

“Gaga. Malamang kakainin.”

Pinakita sa’kin ni Abi yung candy niya na may nakasulat na “Let’s be friends” sa likod. Pinilit nila ako ni Marielle. Ayoko sanang patulan yung  kalokohan nila pero ewan ko ba at anong nakain ko para gawin yung sinabi nila. Lalapit na sana ako sa kanya pero nangangatog talaga yung tuhod ko. Nakakahiya pa dahil may mga kasama siya. Pero bahala na. Ano naman ngayon kung heartthrob siya at simpleng estudyante lang ako? Wala namang masama doon diba? Magpapakilala lang naman eh.

Lalapit na sana ako pero nadismaya ako nung tumayo na siya at sumunod na yung mga tropa niya papunta sa canteen. Nakakainis naman oh. Wrong timing.

“Hala umalis na. Ang bagal mo kasi eh.” Sa totoo lang nung mga oras na yun, gusto kong sakalin si Marielle.

“Ikaw kasi eh! Tsk tsk.” At dumagdag pa itong si Abi. Pigilan niyo ko, pag-uuntugin ko itong dalawang ‘to.

Napagpasiyahan namin na hintayin na lang silang bumalik tutal doon din naman sila dadaan pabalik sa room nila. Papalapit pa lang siya, lumalakas na yung kabog ng dibdib ko. Itutuloy ko pa ba? Wag na lang kaya? Hindi. Ako si Pebbles Sarmiento  at gagawin ko ang lahat mapansin lang ni Gabriel Perez. “Kaya mo yan Pebbles. Kaya mo yan.” Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Ayan na, malapit na siya, malapit na… malapit na… nasa harapan ko na siya. Pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? Nakalagpas na siya at… at… at… at liliko na siya. Hindi pwede ito!

“K-Kuya G-Gabriel!” Bakit nauutal ako?

Tumigil siya sa paglalakad at ngumiti sa’kin. I swear at that moment pwede na kong mamatay. Ay hindi pa pala pwede. Hindi pa kasi niya ko nakikilala eh. Hindi pa nagsisimula ang love story namin. Lumingon ako sa magkabilang gilid ko para humugot ng suporta pero ang dalawang bruha, iniwan ako mag-isa. Iniwan  na rin naman si Gabriel ng mga kasama niya. Kami lang dalawa ang magkausap. Dugdug. Dugdug. Parang sasabog  yung puso ko. Ngiti niya pa lang, sapat na para matunaw ako.

“Bakit?”

“Ahm… P-Pwede pong m-makipagfriends?” Tumawa siya. Sapat na yung tawa niya para mapangiti ako.

“Oo naman.” He’s still wearing that smile on his face. Juskopo. Bakit ba napakagwapo ng nilalang na ito? Ibinigay ko sa kanya yung candy na binigay ni Abigail. Tiningnan lang niya yun ng may pagtataka. Pero nung nabasa niya yung nakasulat sa likod, tumawa ulit siya. Hayan na naman po siya. Tinutunaw na naman niya ko. Nagpasalamat na siya sa’kin at ganun din naman ako sa kanya. Aalis na sana siya pero naalala ko na hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala.

“Ahm Kuya teka.” Tumigil naman siya.

“Hm?”

“K-Kilala mo na ba ko?”

“Oo.” Ngumiti siya. “Si Pebbles.”

Candies be love? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon