Chapter 3

176 9 1
                                    

“Marielle, tingin mo, gusto din niya ko?”

“Ewan.”

“Tingin mo naiisip niya rin kaya ako kahit minsan lang?”

“Siguro.”

“Ang cute ng ilong niya noh? Ang cute ng lips niya, ng buhok niya. Ang astig niya maglakad bago ang astig niya din pumorma. Alam mo ba nung binanggit niya yung pangalan ko, parang yun na yung pinakamagandang salita sa buong mundo. Pag nangiti siya, nakakatunaw. Kapag---“

Pinutol ni Marielle yung sasabihin ko. “Alam mo, ilang beses ko nang narinig yan.”

“Ano kayang ginagawa niya ngayon?”

“Takteeeee Pebbles! Anong petsa na. Limang buwan na nakalipas Gabriel ka pa din?!”

“Naririndi ka na ba?”

“Hindi ba halata?”

“Pano kung naiirita na siya sa’kin tapos hindi lang niya sinasabi? Pano kaya kung ayaw niya ko kausapin pero napipilitan lang siya dahil magkaibigan kami? Pano kung nailang o nainis pala siya nung inamin ko na--- Aray!” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binatukan ako ni Marielle.

“Pwede ba wag ka ngang nega. Kahit katiting naman magkaron ka ng pag-asa neng! Ang nega mo masyado eh. Think positive dapat.”

Sa lahat ng kaibigan ko, si Marielle ang pinaka nasasabihan ko ng lahat tungkol kay Gabriel. Siguro dahil siya kasi yung kasama ko una pa lang. Siguro kasi mas naiintindihan niya ko.

Nakasanayan ko na na tuwing walang pasok, maghapon ako sa harap ng computer. Nakasanayan ko na tuwing uuwi galing school, sa computer na agad ako nakaharap. Bakit? Dahil inaantay ko siyang mag-online. Minsan nga inaabot na ko ng alas-onse kakahintay pero minsan hindi ko siya nakakausap. Madalas hindi ko na rin nagagawa ang mga homework ko ng dahil sa kanya. Sa klase, madalas lumilipad ang utak ko dahil nag-iimagine ako ng mga bagay tungkol sa kanya. Hindi ko napansin na napapabayaan ko na ang pag-aaral ko ng dahil sa kanya.

Nagmimistulan na din akong detective kakaimbestiga kung ano ang mga hilig niya, kung anong ginagawa niya, kung nasaan siya at kung marami na ba siyang naging girlfriend. Kahit saang anggulo ko siya tingnan, ang gwapo pa din niya. Ang galing ng Diyos noh? Nakagawa siya ng kagaya niya. Ganun ata talaga pag mahal mo eh, para sa’yo siya na ang pinakaperpektong tao. Kaya yung mga maling nakikita ng iba sa kanya, hindi mo makita-kita.

Candies be love? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon