Pagdating ni alden sa bahay nila nagtaka ito dahil nakabukas ang gate nila at ang pintuan nila,agad nyang napatakbo papasok ,at agad na hinanap ang asawa....
Panay ang tawag nya sa asawa at laking gulat nya ng makita ang vase na basag at may dugo,sa labas ng kwarto niya,
Alam nyang di naman sila ninakawan dahil walang kulang sa gamit nila,,,Maya maya pa ay may tumawag dito...
Kuya may missedcall rin sakin si ate maine....
Napasabunot nalang sa sarili si alden,at timing na makita nya ang phone ng asawa sa may bandang ilalim ng sofa,,,
May dugo ang cellphone nito at napamura sya ng makita nya ang call logs ng asawa,,,
Tinawagan nya si enrique?di kaya.....Agad na napatayo si alden ng maalala ang sabi ng doctor na baka ngayon o makalawa na manganak ang asawa,agad itong nagmaneho patungo sa kalapit na ospital,,,
Maine falkerzon?
A ser sa may OB na po ang mrs nyo ....
Kahit na may mabangga sa pagtakbo nito ay wala syang pake,
Ng marating nya ang kwarto,kitang kita nya mula sa loob,kung pano labanan ng asawa ang sakit,at ang pinanghina nya ng makita na iba ang kasama ng asawa sa pagsilang ng anak nila,
Naglaban itong pumasok sa loob pero di sya pinayagan ng mga nurseAko ang asawa nya ,dapat ako ang nasa loob...sigaw nito habang pinipigilan sya ng mga nurse
Sorry ser pero nasa kalagitnaan napo ang panganganak ng misis nyo,hintayin nalang po natin ang paglabas ng doctor,agad naman ng huminahon ito dahil ayaw nyang maudlot pa ang panganganak ng asawa dahil sa pagwawala nya...
Dinig na dinig nya ang bawat pagire ng asawa,na ikinatulo ng luha nya,ni hindi man lang nya nasamahan ang asawa sa laban ,,kung kailan kailangang kailangan sya nito ay saka naman sya wala,ngayun na mas masakit dahil iba ang kasama ng asawa nya na dapat ay sya....
Napatayo nalang si alden ng marinig ang pagiyak ng sanggol,at agad na nagsilabasan ang mga nurse dala ang anak nila ni maine para dalhin sa nersarry room,
Agad nyang sinundan ang mga nurse,dina sya gumawa pa ng kahit na anong iskandalo,sinundan nalang nya ng tingin ang anak nila ni maine,napakaputi nito at minana nito ang dimple nya dahil sa pagiyak ng bata ay nakikita dito ang dimple sa kanang pisnge,,,,,naluha nalang sya habang pinagmamasdan ang anak mula sa labas ng kwarto,,,Tila napaluhod nalang si alden ng paglingon nya ay isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nya,,
BINABASA MO ANG
a story of T,A,N,G,A
Romancefinally matitigil na ang katangahan sa pagibig ng isang babaeng matalino,maganda,mayaman at sobrang bait..... sa tinagal ng panahong nagpakatanga sya,isang supladong lalake ang magtuturo at tutulong sa kanya upang maisautak nya ang salitang TANGA...