Vince.
Bakit siya nandito?"Oh bro!" Sabi ko tapos bigla naman niya ako tinulak ng konti. Salamat James!
"Hi Kath!" Sabi ni James kay kath. Malamang Hi kath nga diba?
"Hi james! Bakit ka nga pala nandito?" Parang may napapansin ako. Parang pabebe yung boses ni kath. Haha. Pinipigilan ko yung tawa ko. Nandito lng ako ngayon sa may tabi ng sasakyan.
"Bakit ang Dumi niyo? Anong ginawa niyo?" Tanong ni James kay kath.
"Ahh kashi nashira yung Ano kanina." Tapos tumawa siya. Medyo natawa tuloy ako kasi Yung Ano. Haha. Faveve sye keth.
"Ahhh okay. Halika sumama kayo sakin. Pupunta ako ng Bar ngayon. Tara! Para makapagpalit na rin kayo."
Pumasok na kami sa Kotse.
Nasa Loob na kami ng bar ngayon. Yung suot ko is t-shirt na white then yung pangbasketball ni James. Si Kath naman T-Shirt din na white then nakapants and nakasuot ng Varsity jacket ni James.
"Oh? Andito na pala kayo james!" Sigaw nung lalaki.
"Kayo na ba?" Tanong ni Kris. Isa sa Kasama ni James sa pagbasketball.
"James! Ano gusto mong inumin? Kahit ano?" Tanong ko at tumango lng siya.
"Baka mamaya sagutin na ako nito. Haha!" Sabi ni james. Napatigil ako sa paglakad.
Pano na nga kung maging sila na?
Natapos na kaming lahat at nagsiuwian na. Hinatid namin ni James si Kath sa bahay nila kath.
"Uhm Kath...May itatanong sana ako." Sabi ni james.
Naku ito na yun.
"Ano yun Var?" Tanong ni Kath.
"Ahh.....Will you be m----" Sabi ni James pero hindi natuloy. Nagbusina kasi ako. Haha.
"Vince!" Sigaw sakin ni James.
"Sorry. Sige tuloy mo na." Sabi ko.
Itututloy niya na sana pero nagpatugtog ako ng nakamax Volume. HAHA.
"Vince naman eh!" Sabi ni James.
"Sige kath. Bukas na lng." Sabi ni james. Yes!
"Uhm..James? Yes." Sabi ni kath. Y-yes? S-sila na?
"Yes? As in tayo na?! Wahhh!" Sigaw ni James. At niyakap niya si Kath ng Mahigpit.
Pumasok na si James sa Kotse at pinaandar niya na.
"Yes! Sinagot na ako ni Ka---" Sabi ni James. Pero bigla kaming nabangga sa may mga Simento.
Lagot si James. Yung Kotse niya.
Umuwi na kami at natulog.
--------------------------------- KINABUKASAN
Nandito kami ngayon ni James sa may Swimming pool nila James. Narinig ko naman na sumigaw si tita ng pangalan ni James.
"Hayme!!!!" Sigaw ni tita.
"What?" Tanong ni James.
"What happened to your Car?!" Tanong ni tita
Lagot ka talaga james.
"Ahh..si vince kasi eh!" Sabi ni james at tila sumesenyas na 'ikaw na bahala bro'. James talaga. Tumingin naman sakin si Tita.
"Ano yun Vince?" Tanong ni Tita Arlene.
"A..Ano po kasi eh. Ako po yung nagdrive kagabi tapos hindi ko po nakita may Simento pala." Pagsinungaling ko. Wala naman akong magagawa.
"Jusko. Hay nako vince wala na akong time makipagtalo. Aalis na ako!" Sabi niya habang naglalakad papalayo.
Hindi naman dapat ako magsisinungaling eh.
Ngayon ay Papunta na ako sa School. Dahil sabay sabay kaming Pumupunta sa Pupuntahan namin. Papunta na kami ngayon.
Bakit wala si Kath? May sakit ba siya?
After 2 hours na byahe. Nakarating na kami.
Dumiretso ako sa Office ni Sir Mirafuentes. Ako lng magisa dito ngayon. Ang tagal naman ni kath. May ipapagawa samin si Sir ngayon kaya kailangan nandito kaming dalawa dahil sa Nangyari kahapon.
Bumukas naman yung Pinto at Linabas nito ang Isang babaeng NakaDress. Nakaayos pa siya. Bakit? Anong Meron?
Nagtaka ako.
"May date kasi kami mamaya ng Boyfriend ko." Sabi niya.
Umupo na siya at Hindi mapakali.
"Vince bagay ba sakin?" Tanong niya.
"Hindi." Sagot ko.
"Hindi?!" Tanong niya ulit.
"I mean Oo, bagay sa'yo." Paliwanag ko. Natulala kasi ako kanina kaya ayun nasabi ko.
"Ahh..Okay. Salamat." Sabi niya.
Pumasok na si sir sa Office.
"Ms. Vanenzuela and Mr. Glee. Ito ang kailangan niyong gawin."
Sabi ni sir at may binigay siya samin."Kailangan niyo yan Ibigay sa Anak ko." Sabi niya. "Sa Sta. Rosa Laguna. Nandun siya." Pahabol niya at may binigay na maliit na papel na may Address nito.
"Ngayon na kayo pumunta. Ano?" Sabi niya at Umalis na. Nagkatinginan kami ni Kath sabay Tawa. Hahaha.
"Ano? Hahaha!" Tawa ni Kath. Tumawa nanaman kami ng Tumawa. Kasi naman yung Sir na yun eh. Si Sir Ano. Haha
Papunta na kami ngayon sa Sta. Rosa Laguna.
Bumaba kami at ngayon ay papunta na kami sa Anak ni Sir.
"Napapansin ko. Nagiiba ka kapag nasa harap ka ni James." Sabi ko habang tumatawa.
"Tsk. Ikaw nga nagiging si Kingkong ka eh." Sabi naman niya habang tumatawa din.
Ang layo naman. Nagugutom na ako.
"Paano na yung Date namin ni James mamaya?" Pagiinarte niya.
May tumawag sakin at sinagot ko. Si james pala."Oh bro?" Sabi ko.
"Si James ba yan?" Tanong ni Kath. Sumenyas lng ako sakanya ng 'wag maingay'.
"Pwede bang--" Sabi niya. Kaya lumayo muna ako ng konti baka marinig ni Kath.
"Pwede bang ikaw muna sumama kay kath mamaya? Naipit kasi ako dito kay coach. Hindi ako pwede basta basta magpaalam" paliwanag niya. Pano na si Kath?
"Sige sige." Sagot ko. Tapos inend ko na yung Call.
"Ano sabi ni James?" Tanong ni kath sakin. Malamang ako lng naman yung kasama niya nung araw na nadumihan kami.
"Uh..Kath? Hindi ka daw masusundo ni James mamaya. Pero! Binilin ka niya sakin." Sabi ko.
"Wag na. Icancel mo na lng yung date namin." Sabi niya habang may Lungkot sa Mukha. Ayoko siyang nakikitang nagkakaganito.
"Kain na tayo! May alam akong kainan na sobrang sarap ng sisig! Tara!" Sabi ko sabay hila sa kamay niya.
Nandito na kami ngayon sa Sisig's Masarap. Yun yung pangalan ng Restaurant nila mama.
Umupo na kami sa bakanteng upuan. Alangan naman sa may nakaupo. Ano yun? Kakandungin nila kami? No way!
"Alam mo bang ang sisig dito ang pinakamasarap na sisig sa Laguna? Pagnatikman mo to baka magtakeout ka pa." Sabi ko habang tumatawa ulit.
"Ate sy! Si mama?" Tanong ko.
"Ahhhh.... Hindi ko alam eh." Sagot niya.
"Okay. Oorder na lng kami. Isang Big Sisig nga po 2 rice at Extra Rice. Baka po kasi mapasubok tong kasama ko eh." Sabi ko na siyang ikinagalit naman niya. Haha. Ang cute niya talaga.
"Oh siya siya, Vince. Hintayin niyo na lng ha? Sige." Pagpapaalam niya samin.
Naglibot libot ako ng paningin. Nakita ko si mama.
"Ma!" Tawag ko at pumunta ako sakanya.
"Vince? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni mama.
BINABASA MO ANG
Vince & Kath & James
Teen FictionNot exactly the Movie or Yung nasa book pero kakayanin kong maalala yung napanood ko. Haha. Basahin niyo na lng po.