CHAPTER 24: THE BOOK

730 23 0
                                    

TINTIN’S POV

Hinalungkat namin ng hinalungkat ang libro hanggang sa matagpuan namin ang ‘The book of truth and lies’. Eto na nga ang hinahanap namin. Ang daming libro ni Shea. Lahat ng element books ay mayro’n sya. Pati nga Book of wizard. Nabasa nya na kaya lahat ‘yon?

“Ano na?” tanong nya na kasalukuyang nasa varenda ng k’warto.

Nandito kami ngayon sa k’warto ni Shea at itong si Jean ay halos ayaw na umalis sa may veranda. Hindi man lang nya ako tinulungan na maghanap ng kung anong libro ang kakailanganin namin.

“Tsk? E, kung tulungan mo kaya ako hindi ba? E’di sana kanina pa natapos,” pagrereklamo ko sa kanya.

Wala naman kasi syang ginagawa kung ‘di ang humiga. Nakaka-relax din kasi ‘tong k’warto na ‘to. Iyong design sky blue. Para kang nasa ulap. “Tsk. Ano ba ‘yan? Nakakatamad kayang magbasa,” reklamo nya.

“Bahala ka nga d’yan. H’wag mo kong ginugulo,” sabi ko at saka ko tinuon ang atensyon ko sa libro.

Habang nagbabasa ako at nililipat ang page ng libro. Hindi ko alam kung anong mayroon ang libro na ‘to, e. Naloloka na ako kakahanap ng kung anong maaring sulusyon. Habang naglilipat at napahinto ako at binalik sa naunang page ang libro. Ito na ‘yon!

“Para malaman kung sino ang impostora na syang gumagaya kailangan mong itapat ang salamin na may engkantasyon sa kanya at buhusan ng potion para ito’y bumalik sa tunay nyang anyo,” basa ko dito at nanlaki ang mga mata ko. “ETO NA... ETO NA!” tili ko.

Napatalon naman sa gulat si Jean kaya nahulog sya. Hindi ko naman napigilan ang hindi matawa dahil sa itsura nya. “Anak ng tupa ano bang problema mo, ha? Ba’t ka tumitili d’yan?” inis na sabi nito habang hawak-hawak ang p’wetan nya.

Grabe nakakatawa ‘yong part na ‘yon!

“Nahanap ko na sya!” sabi ko at kumunot naman ang noo nya.

“Anong nahanap mo na?” takang tanong nya.

“Iyong sagot,” sagot ko at tumingin muna ako sa labas. Wala naman tao kaya tinuloy ko ang sasabihin ko. “Iyong sagot para malaman ang totoo kung impostor ba ang kasama natin o hindi,” bulong kong sabi sa kanya.

“Tara na,” sabi nito at nag-teleport kami sa basement.

“Anong mga kailangan?” tanong nya.

“Eto… salamin… tapos kailangan natin ng potion,” sagot ko.

“Eto salamin. Paano gagawin ang potion?” tanong nya.

Binuklat ko ang libro. “Hibla ng buhok nya. Mga lima tapos damit na sinusuot nya. Tapos sapatos na sinuot nya rin at pinaka huli ay…” napahinto ako sa pagbabasa.

Hindi ko alam paanong gagawin ‘to at paanong sasabihin ‘to sa kanya. “Ano?” usisang tanong nito.

“Delekado ’to,” sabi ko at saka ako napalunok sa sariling laway ko.
Q
“Bakit ano ba ‘yan?” tanong nya. “Patingin.” Sabay kuha sa librong hawak ko.

Nanlaki ang mata nya at hindi sya makapaniwala sa nabasa nya. Kahit ako ay gano’n din ang nararamdaman ko. “WHAT THE FUDGE!? Seryoso ba ‘to?” nagulat nyang tanong.

Kung hindi namin ‘yon susundin hindi namin malalaman ang totoo. “Ahhh… I think so…”

“Augh! Tae, naman sa dami-dami ng ipapagawa kailangan pati ihi?” naiinis nyang sabi.

Ayaw nya kasi nadidiri sya. Maski rin naman ako. Eiw! Okay sana kung ihi ko ‘yon, pero ihi kasi ng ibang tao ‘yon kaya naman nakakadiri. “Tara na gawin na natin,” sabi ko naman sa kanya.

ZACK’S POV

Sa nalalapit na kabilugan ng b’wan sasakupin ko na ang Chantries. Ang kahariang dapat talaga sa ‘kin. Ang kaharian namin ng aking mahal. “Nahanap nyo ba sya?” tanong ko sa aking alagad.

“Hindi po,” sagot nito.

Magaling kang magtago Zei. ‘Pagnalaman ko kung saan ka talaga naglulungga. PAPATAYIN KITA! “Ipahanda na ang mga hukbo natin. Nalalapit na ang ating pagsakop sa Chantries,” sabi ko at agad namang sinunod ng aking mga alagad.

Tila ba umaayon sa ‘kin ang kapalaran. Magaling dahil sa oras na makuha ko na ang pakay ko ay si Zei at Zarch naman ang isusunod ko. Sa ngayon ay hahayaan ko muna silang magsaya.

SHEA’S POV

Nandito ako ngayon sa kaharian ni Zei. Hindi nila tinuro sa ‘kin ang libro ko. Ang libro na matagal ko ng hinahanap. Sabi nila ako lang daw ang nakakaalam pero hindi ko alam kung saan ko nga ito nilagay.

***Flashback***

Ngayon na tapos na ang aking training kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang pumunta sa Chantries. Kailanagan ko nang ipaglaban ito laban kay Zack. “Ngayon na ako ang nanalo sa laban. Sabihin nyo na sa ‘kin nasan ‘yong libro ko?” tanong ko.

“Ang totoo n’yan ay hindi namin alam kung nasaan ang libro mo dahil hindi naman kami ang nagtago. Kung hindi ikaw,” saad ni Jarea
“What? Tapos sasabihin nyo alam nyo kung nasaan ang libro ko!” naiinis na sabi ko.

“Alam mo ‘yon. Ikaw ang nakakaalam kung nasaan ‘yon. Isipin mong mabuti. Alalahanin mo. Noong araw na sinabi mong muli kang isisilang. Do’n din nawala ang libro mo. Ang librong ’yon ay nilagyan mo ng magic na kahit sino hindi ito makikita at walang nakakaalam,” Tamaro explained.

Oo nga. Nasaan ko ba kasi nilagay ‘yon?

***End of flashback***

Saan ko ba kasi ‘yon nilagay? Kailangan mong alalahanin Shea, kung sa’n mo ito nilagay. Napaitlag ako ng may biglang kumatok. “Pasok,” sabi ko at isang g’wapong nilalang ang iniluwa nito.

“Oh, Zei, bakit? May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya.

Gabi na hindi pa sya natutulog. “May gusto sana akong itanong sa ‘yo, Shea,” sabi nya at napakunot naman ang noo ko sa kanya.

“Ano naman ‘yon?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

“Kasi... ano... amm—” hindi nya maituloy ang sasabihin nya at nauutal-utal pa sya.

“Zei! Sabihin mo na ano ba ‘yon?”

“Kung pahihintulutan mo sana ako. Gusto kong tulungan ka sa misyon mo,” sabi nito at hindi ako nakasagot agad.

Hindi ko gustong madawit sya sa gulo na ‘to. Hindi ko gustong mapahamak sya. “Hindi p’wede.”

“Pero ‘di naman ako papayag na kalabanin mo ang kapatid ko ng mag-isa, Shea,” sabi nito at lumapit sya sa ‘kin.

“Hindi ako papayag at ayaw ko,” pagpupumilit ko.

Hindi na nga ako nagpakita muna kay Zarch para dito dahil para hindi sya madamay tapos gusto nyang makipasok sa gulo ko.

“Pero—” Agad kong tinapat ang hintuturo ko as bibig nya.

“H’wag ka nang makulit p’wede ba?” inis na sabi ko. “Kung gusto mong makatulong p’wede bang manahimik ka na lang?” sabi ko at saka ako tumalikod at hindi sya nilingon.

Para ko syang nakababantang kapatid. Sabi nya okay na daw kahit ituring ko syang kapatid. Naramdaman ko ang pagbukas sara ng pinto. Patawad pero hindi ko kayang makikita kayong nahihirapan oras na malaman nyo ang gagawin ko. Alam nya ang misyon ko pero hindi ang katotohanang iaalay ko ang sarili ko.

(O, ka’y bigat ng iyong pasan,
Maaari ba ika’y aking tulungan?
Pagagaanin ko ang iyong kalooban,
Nandito lang ako para ika’y gabayan.)

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon