CHAPTER 15: FLASH BACK

1.3K 36 0
                                    

~Flashback hundred years ago~

SHEA’S POV

Naglalakad ako papuntang hardin ng palasyo upang diligan ito. Mahilig ako sa bulaklak at halaman. Kaya gustong gusto ko sa hardin namin na tumatambay. “Kamusta kayo mga kaibigan!” Masayang bati ko. Hindi naman ako nag-iisa dahil may kasama akong katulong. “Buti naman at malalago at magahanda na kayo. Alam nyo ba sabi ni Ina magkakaroon ng malaking piging mamaya.” Nakangiting sabi ko. “Ang buong royalties ay nandidito. Ang saya!”
Tinawag na ako ng aking ama para sa paghahanda. Nagbihis na ako at isang asul na gown na bumabagay naman sa maporselana kong balat. Bumaba na ako inalalayan ako ng aking ama. “Isang napakagandang dalaga naman ng iyong anak queen Shame at king Hernando,” pagpupuri sa akin ng isang magandang babae.

Totoo naman, mapupungay na mata. Mapupulang labi at makinis na mukha at balat. Kaakit-akit tignan. Kaya hindi malayong maraming magkagusto sa akin. Matapos ang piging ay kinailangan ko ng magkaroon ng pagsasanay. Kailangan kong matutunan maipagtanggol ang aking sarili sa sino man ang magtangka sa buhay ko. Ang kapangyarihang meron ako ay elemental. Isa din akong gumagamit ng liwanag na puti. Mabilis lang naman akong matuto kaya naman hindi nahirapan sa pagtuturo ang aking ama’t, ina.

Lumipas ang ilang taon napagdisisyonan kong maglakbay. No’ng una hindi ako pinayagan pero kalaunan ay pumayag na rin sila. Gusto kong malibot ang buong Chantries. Sa aking paglalakbay may hindi ako inaasahan na mangyayare. Dahil biglang nagwala ang aking kabayo. Nahulog tuloy ako sa lupa.

“Awww.” Himas ko sa aking likod.

“Hoooowwww~” isang lalake ang nagpapatahimik sa ‘king kabayo.

Hindi naman sya nabigo saka nya lang ako tinulungan. Hindi ako makapaniwala. Inuna pa ang kabayo kay sa sa 'kin? Mas inalala pa nya ang kabayo kaysa sa nalaglag ayos ah?
“Sa susunod alamin mo ang kahinaan ng kabayo mo,” sabi nito at nangunot ang noo ko sa kanya.

Ako pa may mali ngayon?

“Kasalanan ko bang takot sya sa isang daga?” pagtataray ko.

Pero tila nabighani ako sa taglay nitong ka-g’wapuhan. Mala abong mga mata at buhok. Mapupulnag labi at matangos na ilong. Walang hindi g’wapo sa lugar na ito Shea.

“Tapos ka na bang usisain ako?” Lumapit sya sa akin dahilan para mapaatras ako.

Napasandal naman ako sa kabayo ko. Hindi ko maintindihan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at para bang ang daming malilikot na bulate sa t’yan ko. “Ho-hoy! L-lumayo ka nga sa ‘kin!” Tinulak ko sya pero parang naubusan ata ako ng lakas.

“Heyy, Zarch tara na!” Isang lalake ang tumawag sa kanya.

Zarch? G’wapo na nga g’wapo pa pangalan. Umalis sya sa harap ko at sumakay sa kabayo nya pero nanlaki ang mata ko ng makitang magkamukha sila. Magkaiba lang ng kulay ang buhok dahil iyong isa ay pula.

Nagpipigil sya ng tawa. “Anong nakakatawa? Ha?” pagtataray ko.

“Kamusta ka binibini… napakaganda mo naman, sa tingin ko ay nakita ko na ang aking tadhanang mapapangasawa,” sabi nito sabay kindat.

“Tadhana mo mukha mo!” asar na sabi ko at tumawa lang sila at saka umalis na.

Baka siguro kambal nya ‘yon. Umalis na ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakbay. Madami akong nakitang magaganda. Madami ding mga tao dito. Hindi sya tulad sa palasyo.

“Waaaw! Ngayon ko lang nakita ang bulaklak na ito! Ano pong klaseng bulaklak ito manang?” tanong ko do’n sa ale.

“Tulips ang mga iyan, ija. Gusto mo ba?” tanong nya.

Gusto kong iuwi para may bagong kasama ang mga kaibigan ko. “Sige po!”

“Sige sa ‘yo na lang ito tutal maganda ka naman at mukhang mabait,” sabi nito.

“Maraming salamat po,” sabi ko at inilagay ko iyon sa isang gilid na p’wede nyang kalagyan.
Saan kaya ako p’wedeng pumunta? Gabi na at wala akong matutulugan. Kailangan kong makituloy kung hindi ay magkakasakit ako dito. Saking pagdaan ay may humarang na isang lalake ay mali pala sampung lalake.

“Saan ang patutunguhan mo prinsesa?” tanong ng isa.

Mukhang mapapasabak ako ah? Pero sabi ni ina ay h’wag akong gagamit ng kapangyarihan dito. Ano ‘to mano-mano? “Sa pupuntahan,” sabi ko at akmang dadaan sana ako pero ‘yong isang lalake hinawakan ako sa bewang. “Bastos,” sabi ko at isang malutong na sampal ang naabot nito sa akin.

“Aba? Lumalaban ka ah.” Sinuntok nya ako sa t’yan.

Sa lakas no’n ay napaupo. “Hoy mga pare wala namang ginagawa sa inyo ang babaeng ‘yan ah?” isang pamilyar na boses ang narinig ko at tila ba nabuhayan ako ng loob.

“Anong pake mo?” ani ng lalake.

“Ah? Gano’n ah?” walang takot nya itong sinugod.

Hindi mano-mano dahil ginamit nya ang kapangyarihan nya. P’wede naman pala ang kapangyarihan bakit ba masyado akong masunurin.

“Tama na po,” pagmamakaawa ng isa.

“Tsk? Takbo bago pa kayo masunog!” sabi nito at tumakbo sila sa abot ng kanilang makakaya.

“Ayos ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya.
Tumambad sa ‘kin ang mukha nya na puno ng pag-aalala. Sya na naman? “Ikaw?” Kunot noong tanong ko.

Sinusundan nya ba ako?

“Tara. Dadalhin muna kita sa palasyo para do’n muna tumuloy at para makakain ka na rin,” sabi nito saka nya ako binuhat.

“Paano ang kabayo ko?” tanong ko.

“Susunod ‘yan sa ‘tin,” sabi nito at saka kami sumakay sa kabayo nya at pinasunod ang kabayo ko.

Nang makarating sa palasyo ay nalaman kong isa pala syang prinsipe. Hindi nakakapagtaka dahil sa kanyang tindig. Binaba na nya ako sa kama. “Nagpadala na ako ng pagkain mo. Pagtapos mong kumain ay matulog ka na para may lakas ka naman,” sabi nito tapos ay umalis sya.

Mukha syang masungit pero mabait. Malandi nga lang.

ZARCH’S POV

Hindi ko alam kung bakit ko sya sinundan kanina habang iniikot nya ang buong palengke. Hindi sya taga rito alam ko. Nangtitigan ko sya kanina ay iba ang naramdaman ko. Para akong nasa langit. Para syang isang anghel. Mapupungay na mata, bilugang mukha at mapupulang labi. Gusto ko sanang mahalikan ito kaso dumating ang mayabang kong kapatid si Zack.

Wala syang humpay kalabanin ako pero lagi syang talo. Ako lagi ang pinupuri ni ama sa galing sa palikipaglaban. Malayo ang loob nya sa ‘kin dahil do’n. Galit din sya kay ama. Si Zei, naman ay hindi nakikipaghalobilo sa amin maski kay Zack. Wala syang pake sa mundo. Wala syang pake sa nangyayare. Naglalakad ako ngayon papunta sa silid kung saan kami nag-eensayo nang may narinig ako.

“Mapapasakin ka. Lahat gagawin ko maging akin ka lang. Lahat papatiyin ko makuha lang kita,” sabi nito at nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

Sino naman kaya ‘yon?

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon