CHAPTER 7: AGAIN

1.7K 56 3
                                    

KRISTINE’S POV

Kinuwento ko ang nangyare kay Tintin. Hindi nga sya makapaniwala, e. Tapos no’ng hinatid ako ni Shaun pinatawag ako sa office ni Tita para itanong kung anong nangyare. Pero ang sinabi ko ay ‘hindi ko alam’ Ayan lang ang naisagot ko. Totoo naman, e. Hindi ko talaga alam. Paano kaya ‘yon lumabas sa palad ko?

“Ano na? Matagal ka pa ba?” naiinis na tanong ni Tintin sa kabilang side.

Tanggalan ko kaya sya ng ugat? Katok ng katok sa k’warto ko. Hindi ko sya pinagbubuksan kasi nagbibihis ako t’saka nag-aayos istorbo lang sya kung papapasukin ko sya. Kapag magkasama kami na mag-aayos kung ano anong dinadagdag sa mukha ko kaya hindi ko na lang sya papapasukin.

“SADALI NA LANG!” sigaw ko.

Naglagay ako ng lipstick then poundation then Violla! Maganda na ako! Charing! “Tara na nga!” sabay hila sa kan'ya sa baba. “Nanay! Una na po kami!” paalam ko at tumakbo na kami palabas.

Ngayon ay friends anniversary namin. 5th anniversary. Bali limang taon na kaming nagpa-plastikan. Sakto linggo ngayon at buti na lang at sumakto ito sa linggo dahil walang pasok. “Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya dahil sya lang naman ang may alam na lugar na p’wedeng puntahan.

“Mmm? Sa luneta! May ocean park do’n pagkatapos ay mag-MOA tayo,” sabi nito habang nakangiti.

Pangalawang beses kong makakapunta ng Luneta dahil iyong una ay noong kasama ko ang buong pamilya namin isa pa ay hindi ko kasi hilig ang gumala. Matapos ang ilang minuto ay nandito na kami. Dala naman nya kasi ‘yong kotse nya. Kanina din panay ang tingin nya sa side mirror nya. Sabi nya parang may sumusunod daw sa ‘min at sa totoo lang ay bigla akong kinilabutan.

“Tara na!” sabi nito at muli na naman akong hinatak.

Pumunta muna kami do’n sa may children’s play ground tapos do’n sa may mga dinosaur at nag-picture kaming dalawa para sa panibagong memories namin na magkasama. Naghabulan kami ng naghabulan at pumunta naman kaming Ocean park kakatakbo namin. Grabe ang hirap naman pagurin ng babaeng ‘to. Pagdating namin doon ay agad na bumili ng ticket si Titin at pumasok na kami sa loob ng Ocean park. Namangha ako sa dami ng isda at namangha ako kasi nararamdaman ko ang karagatan sa buong paligid.

“Waaaaa! Ang cute!” sabi ni Tintin habang nakatingin sa mga isda. “Ito pa oh! Ano nga tawag dito sa may pakpak na ‘to na ewan na hindi ko maintindihan?” tanong nya sa ‘kin.

Tinignan ko ito at saka inaalam sa utak ko kung anong tawag sa hayop na ‘yon. “Paging bulik sa english ay stingray,” sagot ko sa kanya.

“Oo tama! Galing mo talaga!” Nakangiting sabi nito at saka inilibot ang tingin sa buong paligid.

“Kyaaa! Tintin si finding Nemo at finding Dory,” tili ko ng makita ang kamukha ng clown fish at ang blue tang na isda.

“Woah! Ang galing!” sabi naman ni Tintin.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang itinagal namin sa loob ng ocean park. Kaya naman napagpasyahan na rin namin ang lumabas na. Nang makarating sa may labas ay mero’n akong napansin na tila pamilyar sa ‘kin at nang pagmasdan ko ito ay nanlaki ang mata ko at agad na kinalabit si Tintin na nasa tabi ko.

“Tintin! ‘Yong tinutukoy ko sa ‘yo noong nakaraan! Iyong lalakeng naka-red hoodie! Si Mr. red guy!” Turo ko do’n sa naka red na jacket.

Tinignan naman agad ni Tintin. “Sigurado ka ba? Baka naman kapareho lang?” nag-aalangan na sabi nito.

Hindi ako p’wedeng magkamali sya ‘yon! Humarap ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya. “Siguradong-sigurado ako,” sabi ko at saka ko sya tinignan sa mga mata nya.

Tumango sya sa ‘kkin hud’yat na naintindihan nya ako. Pagkaharap namin ay nawala na ‘yong naka red na jacket. Takte! Ang bilis naman nyang mawala? Napatingin ako sa paligid paligid pero wala akong makita ‘ni bakas nya.

“Nasaan na ‘yon?” nagtatakang tanong ni Tintin.

“Hayts! Tara na nga! Kain muna tayo tapos punta na tayong Moa,” sabi ko at saka ko hinawakan ang kamay nya at sa pagkakataon na ‘to ay ako na ang humila sa kanya.

Matapos naming kumain ay umalis na kami papuntang Moa. Sa totoo lang ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta ako ng Moa kasi hindi ko pa napapasyalan ‘to dati. Ang hirap gumala ng mag-isa lalo na kung walang taga-picture sa ‘yo. Joke lang.

“Be! Baka naman stalker mo si Mr. Red guy?” bulong na sabi ni Tintin.

“Stalker? Ano ‘yon?” nagtataka kong tanong. Bigla naman akong pinitik ni Tintin sa noo ko at napahawak ako do’n. “Aray!” inda ko sabay himas sa noo ko na pinitik nya. Tsk? Kailangan talaga pitikin ang noo ko?

“Kristine alam kong matalino kang nilalang pero may pagka-bobo ka rin, e, ‘no?” inis na sabi nya. “Stalker ay isang lalake/babae na sinusundan ka sa’n ka man magpunta or inaalam nya ang lahat ng sa ‘yo! Siguro kung may gusto sya sa ‘yo o may nag-utos sa kanya," paliwanag nya.

“Ahhhh?” sabi ko saka ako napahawak sa baba ko.

“Tara na nga!” sabi nito at saka ako hinila.

Nagikot-ikot kami at in-enjoy nalang ang araw na ‘to kaysa isipin kung sino ang taong sumusunod sa ‘min. Naramdaman kong parang tinatawag ako ng kalikasan kaya naman nagpaalam ako kay Tintin na magbabanyo lang. Papunta ako ng cr ng may marinig ako foot steps. Paglingon ko wala namang tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang cr. Pagpasok ko ay may isang babae pero lumabas din ito agad. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay nag hugas muna ako ng kamay. Nag-iba ang pakiramdam ko. Sinara ko ang gripo at saka tumingin sa salamin. Napaitlag ako sa nakita ko si Mr. Red guy.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iyong puso ko ang lakas ng kabog hindi sa kaba. Parang na-excite na ewan na parang ‘di ko maintindihan. Nararamdaman kong nangingilid ang luha ko at parang gusto kong umiyak sa harap nya habang yakap sya. Pero hindi ko naman sya kilala bakit ganito ang pakiramdam ko?

“It’s been a long time but its seems like there’s nothing change on you, Shea. You’re still beautiful,” sabi nito at nangunot ang noo ko sa kanya.

“Si-sino k-ka?” nauutal kong tanong.

Papalapit sya sa ‘kin at nanghina ang tuhod ko. Nanginginig ang kalamnan ko at nahihilo ako nararamdaman kong ano mang oras ay matutumba ako. Hindi ko maintindihan.

“I’m the king and you are my Queen,” ang sinabi nya bago ako mawalan ng malay at naramdaman ko ang pagsalo nya sa ‘kin. “Sweet dreams, my Queen.”

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon