Chapter 4

38 7 1
                                    


"SHAWN JONATHAN COLLINS!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko

Hinabol habol ko siya hangga't kaya ko wala na akong pake sa mga taong nakaka bunggo ko

"ALIEE--hmmm" naputol ang pagsigaw ko ng biglang dumating si Nika at Roni. Tinakpan pa nila ang bibig ko

"Ano kaba girl! Ang ingay ah" reklamo ni Nika.

"Oo nga, atsaka bakit mo tinatawag bf mo? Lq kayo no?" Tanong nya sakin. Wow lang ha? Hindi ko yun gusto! Yabang arggh

"Tumigil kayo kung gusto niyo pa masikatan ng araw" sabi ko bago lumakad at magpatuloy sa paghahanap sa lalaking yun.

"Teka teka ano ba talaga nangyari aber?!" Fine! Para naman malaman nila at matulungan ako sa paghahanap.

Kinwento ko sakanila ang kabuuan ng kwento habang naglalakad kami pauwi. Tango naman sila ng tango pero may oras na kinikilig sila at hinampas hampas pa nila ko sa braso.

Anong nakakakilig? May nakakakilig dun sa pambibwisit nya sakin? Pati yung p-pagtulong nya sakin? Oh... edi kase! Wala namang malisya, p-pero linigtas nya ko ugh! Eraseee!!!

"Ang oa mo talaga te. Tinulungan ka na nga niya ikaw pa choosy" reklamo ni Roni. Palit kaya kami ng pwesto eehh no?

"Tama tama! Tapos ang ideal guy nya tignan mo.. matangos ilong, maganda ang mata, yung kilay, yung mapupula niyang labi, mapuputi nyang ngipin" sambit naman ni Nika nakatingin pa ako sakanya habang damang dama nya ang mga sinasabi nya. May pa ikot ikot pa siya..

Hanggang nasa harap na kami ng gate

"In short gwapo!!!" Patalon talong Tuglong nya. Gwapo? Pangit naman ugali. Wala rin! Ugh hindi pa kami tapos

"Sayo nalang kaya no? Ligawan mo tsk" inirapan ko nalamang sya.

"Osige!! Sige! Pwede ba? Waaahh!! Omgg thanky--" hinarap ko sakanya ang kamao ko. Baka sakaling gusto nyang tikman.

"Oh tignan mo ang selfish mo it means gusto mo sya" sinamaan ko siya ng tingin hanggang umatras sya. Dapat lang matakot ka huh

"Hindi. Nakakairita ka kasi!" Lumalapit ako sa kaniya paunti unti.

"W-wait I-i was just joking. Atsaka may bibilhin pa kami ni Roni diba?" Sus sa pagkakaalam ko takot lang sya. Palusot.com pwee

"Edi maganda!" Sigaw ko.

"Ahh hehe. Wala man bang ingat dyan bes?" Ngiting tanong ni Nika. Ngumiti din ako ng nakakainis

"Hinde. Sila pa ang mag ingat sa inyo mga panget na mukhang pwet" pinandilatan ko sila hanggang sa makalayo sila sakin.

Habang naglalakad ako naiisip ko na naman ang nangyari kanina ugh. Humanda talaga siya bukas

--

Nakarating nako sa bahay. Gutom na gutom nako, kumuha lang ako ng cereal sa ref. Maya maya dumating si sky

Nakita ko siyang may binubuksang pitaka na may halong pagtataka.

"Kanino yan?" Tanong ko. Pero blanko parin ang mukha ko, hindi naman talaga ako nakikipag usap dito sa babaeng to.

"Napulot ko lang ate. Pero may nakalagay dito na shawn collins? Pati picture nya heto oh.." pinakita niya sakin ang pitakang may picture nga ni alien. Oh! Siya nga. Hm ano kayang gagawin ko.

Kinuha ko sakanya ang wallet "ako na magbabalik. Kilala ko ang may ari" sabi ko bago ko sya lagpasan. Nagulat naman siya pero pinigilan na lang nya magtanong

"A-ah sige thanks"

Umakyat ako sa kwarto ko tsaka umupo

Isip shy isip

...

.....

.......

Lakad.. lakad..

May naalala ako.

"Ayaw mo diba? Sus choosy kapa kasi eh. Oh heto, pinangbili kona yung laman wallet lang kailangan mo eh"

"Ayaw mo diba? Sus choosy kapa kasi eh. Oh heto, pinangbili kona yung laman wallet lang kailangan mo eh"

"Ayaw mo diba? Sus choosy kapa kasi eh. Oh heto, pinangbili kona yung laman wallet lang kailangan mo eh"

Oh great! Kung ano ginawa niya sa akin. Gagawin ko din, yes!! Isosoli ko ang pitaka pero walang laman. Ipang g-grocery ko.

Pero hindi pa sapat yun sa ginawa niya sakin. Hmm

Umupo na uli ako sa kama dahil nakapag isip nako ng sweet revenge.

Binuksan ko ang laptop ko para mag search ng mga magagandang prank.

Google: prank for friend

1. maglagay ng gagamba sa brief

Ay grabe hahahahahaha

2. Nakawin ang brief at maglagay ng glue.

Teka bat puro sa brief. As if naman gagawin ko yunn. Eew eww! Grooooss!

Searching..

Minty fresh oreos?

Woaah woaah!! Pwede omygooodd. Na eexcite tuloy ako. See you Mr. Alien. May pasalubong ang mahal na prinsesa sayo.

Bumaba ulit ako ng kwarto para maghanap ng oreos and colgate.

"Ma may oreos paba tayo dyan?" Tanong ko habang tumitingin tingin kung saan pwedeng makahanap ng oreos.

"Sa ref. Kakabili ko lang" na excite naman ako dahil ihahanda kona ang plano ko para bukas.

"Eh colgate ma?" Tanong ko. Binigyan nya lang ako ng mukhang may pagtataka.

"Lalayas kaba? Hay nako anak wag mahal ka namin hindi ko-" hindi ko pinatapos ang sasabihin nya. Ang oa lang no? Colgate lang hahanapin. Layas agad? Ganun pala yun.

"Ang oa mo ma. Meron pa?" Tanong ko.

"Aba anak meron pa. Minsan ka lang naman mag toothbrush kaya hindi mauubos yon" kahit minsan tlaga itong mama ko may halong toyo din hay nako.

Sinumulan kona ang paggawa ko ng minty fresh oreos. Tinggal ko ang mga palaman ng mga oreos at kinain ang mga ito. Pagkatapos linagay ko na ang mga colgate hihi. Tapos na

SPECIAL OREOS TO SOMEONE SPECIAL

Made with love. Linagay kopa sa box syempre special pagbibigyan ko eh. Special child

Linagay ko sa ref ang mga ginawa ko. Hindi masisira ito may colgate eh hndi babaho hahahaha

Umakyat na ako sa taas naghilamos bago matulog. Wala na atang colgate napasobra ata, hm yum yum

Habang naghihilamos nag kakanta ako na eexcite tlaga ako para bukas. Ano kaya magiging reaksyon mo? Wew

Pagkatapos kong maghilamos, binalakan konang matulog. Zzz

"Sweet revenge" bulong ko bago pumikit.

----------

Vote vote vote!!!

Vote and comment are highly appreciated ❤ thankyou in advance.

It Started With A Lie [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon