Chapter 6

40 5 0
                                    


"No. Bigay ito ni Shy so shut up. Bili kayo kung gusto nyo" hala? Omgg bakit ang bait nya? Hinde Shy okay lang. Revenge mo yan.

"A-ah eh thanks Alie-- este Shawn" wengya bakit ako nauutal? Hindi ko tlaga alam

"Pwede bang sabayan mo akong kumain mamaya?" Tanong nya sakin. Hindi ko alam anong sasabihin ko, pero kaya koba talaga? Waaahh okay lang yan Shy kaya yan.

"S-sure no problem" sagot ko.

"Okay class goodmorning" bati ng prof namin.

"Goodmorning Sir" bati namin pabalik.

"Bago tayo magsimula. Malapit na ang club fair, pwede kayong sumali kahit saan. Marami tayong programs na gagawin. Kasama na dun ang mga sports na pwede niyong salihan like basketball, volleyball, table tennis, badminton many to mention. Pati choir, dance troupe, theatre at iba pa. Boys and girls pwede. Mags-start na this month"

Nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko. Nagsisimula na silang mag usap kung ano sasalihan nila, wow lang ha excited masyasdo.

"Dito sa papel na to. Write your name, sports or whatever na sasalihan nyo and signature"

Tumango tango nalang kami sa ipinaliwanag nya. Masaya to lagi kong sinasalihan dito ay ang table tennis, pero dahil iba naman ang gsto kong matutunan. This time, volleyball naman.

Kinalabit ako ni Roni "pst hoy, ano sasalihan mo?" Tanong nya.

"Wrestling" sagot ko.

"Ah sino kakalabanin mo? Ako rin ah? Hihi"

"Ikaw! Ikaw ang w-wrestlingin ko" inarapan nya lang ako pagkatapos kong sabihin yon. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

--

"Okay class dismiss" yess grabe buong klase lutang isip ko. Wala akong ibang iniisip kundi yung revenge ko kay Alien

Naiwan ako dito. Habang ako inaayos ko palang ang gamit ko bago lumabas.

Pagkalabas ko ng room. Iba ang bumungad sakin

"Ang tagal" reklamo niya.

"Ay halimaw sa banga" sabay hawak ko sa dibdib. Punyeta talaga to kahit kailan talaga manggugulat siya.

"You almost gave me a heart attack. Tsaka sino ba may sabing hintayin moko?" Sungit ko sakanya. Ngumisi lang siya.

"Hay nakalimutan mona ba agad? Sabay tayo kakain prinsesa ko" kindat pa nya. Eeww grabe lang ha feeling pogi ampanget lang.

"Oo na ts" nauna nakong maglakad narinig ko lang sya napabuntong hininga at sabay iling pa nya.

Nakarating nakami sa canteen. Bigla nya akong inakbayan sa balikat

"Masyado kang PDA" siko ko sakanya. Napahawak sya sa tiyan niya.

Umupo ako sa pinaka dulo, natawa ako dahil dala pala niya yung oreos na gawa ko.

"Anong sayo?"

"Juice nalang. Busog ako" I said in a cold tone.

Pagkadating niya sa upuan namin may dala siyang burger, fries, carbonara, spag, juice, chiken joy with rice!?

"May dragon ba dyan sa tiyan mo?" Tanong ko sakanya. Paano ba naman ang dami nyang binili, ang takaw pala nito.

"Wala. Kasi kakain ka sa gusto mo at sa gusto mo, kakain ka period" pagkatapos umupo sya kinuha nya yung spag, pero naisip ko din yung oreos na ginawa ko hindi nya ba kakainin yun?

"Sa tingin mo may choice pako? Duh" pagsusungit ko. Natawa naman sya sa ginawa kong pag irap sakanya

"Araw araw ba may dalaw ka?" Tanong nya habang nakangiti

"Bastos kumain ka dyan at kainin mo ang ginawa ko! Hindi nako makapag hintay na masuka- este masarapan ka" wew malapit nako dun ah.

Kumakain lang kami ng tahimik, hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Wala akong gana, hindi ko alam kung bakit.

"Asus hindi kapa kumakain dyan? Nagtatampo ka kaagad? Eh kakainin ko naman yang oreos na gawa mo eh. Sige na kakainin kona" nagulat naman ako sa sinabi nya. Kakainin naba nya yung o r e o !? O m g

Kinuha nya sa gilid nya yung box. Shet mukhang seryoso siyang kakainin na nya, pipigilan kopa ba sya? Hindi shy! Revenge mo yan ano kaba. Pero bakit naawa ako? I mean konsensya? Wwaahh

Kumuha na siya ng isa. Tinignan nya muna ako tapos ngumisi, binigyan ko lang sya ng fake smile? Anong gagawin ko? Hahayaan? Okay hahayaann.

Isusubo na nya ayan na!!!! Malapit na....

*toink*

Wah shawn pa picture muna

Subuan kita babe

Ang hot mo

Pa autograph baby

What the hell nahulog pa yung oreo na isusubo na nya sana. Mga panira mga impakta! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa mokong na to.

"Ah sorry ha? Kumakain kasi kami. Baka magalit GIRLFRIEND ko eh" sabay tingin nya sakin. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko, no! Nag b-blush bako? Hay naku hindi! Mainit kasi eh whoo!

Ay sayang naman

Ate pahiram saglit sa bf mo

Tara na baka kumakain ng tayo yan

Tinignan ko sila ng masama tapos nagsitakbuhan sila. Natawa naman tong si alien, anong nakakatawa aber?

"Hahaha ang cute mo magalit no? Ang sarap mo siguro maging girlfriend" natameme ako sa sinabi nya. Ako? Masarap maging g-girlfriend?

"Asan na yan wag mo ng kainin" bawi ko sa mga oreos.

"Hoy teka! Hindi kopa natitikman sabi eh" bawi nya ulit dun sa boxx ng oreo.

Binitawan ko ang box ng oreo at nag walk out, konti na nga lang kakainin na na nya eh.. panira kasi mga fans nyang mga bruha! ugh kainis.

Palabas na sana ako ng canteen ng narinig kong umubo si Shawn

*cough cough cough cough cough*

Omygood namumula na sya sa mukha dahil sa ubo nya. Omygosh dali dali ko siyang pinuntahan at kumuha ng pwede nyang inumin

"Tubig tubig* paghihingi nya sakin.

Binigay ko sakanya yung hawak ko pagkatapos ininom na nya. Wew buti nalang madami pang laman yung hawak ko

"*cough* s-suka *cough* yung *cough* binigay *cough* mo" tinignan ko yung hawak ko? Waaahh! Leche suka ngaaaa, hindi kona alam gagawin ko Lord help me here.

Bumili agad ako ng tubig at binigay sakanya.

"S-sorry Hindi ko alam" pagkatapos napakalma na nya yung sarili nya tsaka sya umupo pero hingal na hingal padin sya.

"Bakit ganyan ang oreo mo? Bakit colgate ang nakalagay? Balak moba kong patayin ha babae?" Tanong nya sakin. Binigyan nya ako ng malamig na tingin. Nagsitaasan mga balahibo ko dahil sa kaba

"G-gumanti lang ako, k-kung tutuusin kulang pa yang ginawa ko s-sayo atsaka ano ba! Wag kang oa. Pasalamat ka hindi yan lason. Magiging fresh pa bunganga mo dahil sa colgate" ngumisi sya ng nakaka baliw. Ano iniisip mo? Bakit totoo naman ah? Revenge ko yan sa ginawa mo.

"Pasalamat? Oh edi sige thankyou mahal na prinsesa. Pero ano? Kulang? Eh konti na nga lang patayin mo na ako eh!" Sigaw nya sakin. Nabigla ako sa sigaw nya hindi ko inaasahang nakakatakot syang magalit.

Nagwalk out sya iniwan nya akong tulala sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang sasabihin, mag sosorry bako? Kailangan ba? Nauna naman sya eh.

-----

Vote and comment are highly appreciated!!!! Next naba guys?

Dont forget to vote pleasee thankyou

It Started With A Lie [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon