Chapter 5

33 7 2
                                    

KRING!!!!

narinig ko ang pagtunog ng aking alarm clock. Ang bigat parin ng mata ko. Laziness Attacks. Pero wait!

Oo nga pala ngayon ko gagawin ang plano ko. Dali dali akong tumayo at naghanda ng nga damit ko..

..

Pagkatapos kong naligo at nagpatuyo ng buhok sinuot kona ang uniform ko, hanggang ngayon manghang mangha padin ako sa kagandahan ng uniform namin.

White long sleeves with ribbon, skirt color red above the knees and black high socks. Pang ibang bansa lang ang peg. Pagkatapos kong nagbihis dali dali ako bumaba.

Habang naglalagay ng plato sa lamesa si mama nginitian nya lang ako, tumango lang ako.

"Kumain kana dyan" sabi ni mama habang linalagyan ng palaman ang tinapay. Tumabi ako kay Sky pero hindi ko siya pinapansin.

Kumakain lang kami ng tahimik. Ni isa sa amin walang nagsasalita, ganun ba talaga dapat? Eh halos mapipi na sila eh. Bahala nga kayo dyan

"Mauna nako" kinuha kona ang bag ko lalabas na sana ako pero biglang nagsalita si sky

"Sasabay nako" saglit akong natigilan. Nagulat ako, kasi hindi naman kami nagsasabay lagi. Hindi nga kami magkaayos. Tapos mag sasabay kami? Oh heck

Umarte akong tumawag si Nika para hindi sya sumabay sakin. Hindi alam ng mama ko na may hindi kaming pagakakaintindihan. At hndi ko yun sasabihin sa kanya, kasi panigurado ako ang mali sa paningin nilang lahat.

Pinindot ko ang ringtone para hindi masyado halata tapos itinutok ko ang phone sa tainga ko.

"Hello Nika?"

....

"Ah papunta nako dyan, yeah tapos nako"

..

"Okay hintayin nyo ako aalis nako byee"

...

Tumingin siya sakin na may halong pagtataka. Anong akala mo sakin? Okay lang na mag kaayos tayo? Hindi. Pumunta ka mag isa mo

"Ah sige ate mauna kana. Mag iingat ka"

"Alam ko. Hindi naman ako tatanga tanga kagaya mo, bye" pagsusungit ko sakaniya. Napa yuko nalang siya sa nasabi ko sakaniya.

Binilisan ko ang paglalakad ko kahit na maaga pa, napa sobra ata ako sa excitement.

--

Nakarating nako ng eskwela na nakangiti, lahat ng dinadaanan ko nakatingin lang sa akin.

Ganda talaga nya

Ahuh bitch naman

Ayan na syaa

Inirapan ko nalang sila, lumalakad ako na parang Model.

Ng biglang...

Nadulas ako dahil sa dulas ng floor. Tumayo ako agad, nakatingin lahat sila sakin may nagbubulungan pa at tawanan. Shet that was so embarassing!

Tinignan ko lang silang masama pagkatapos bumalik na sila sa ginagawa nila kanina.

May naramdaman akong kakaiba na parang hindi tama. Tumingin ako sa paligid at likod wala naman, hay nako wala akong panahon sa mga taong ganyan.

Tinuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating na sa classroom. Bago ko buksan ang pintuan, huminga ako ng malalim at ngumiti.

Pagkapasok ko natigilan ako..

Nakatingin sila lahat sakin parang napa 'wow' nalangg. Hanggang bumaba sila ng tingin sakin na nanlaki ang mata na parang gustong u know na..

Wow para sakin ba yan?

Wahhh pengee

Thankyou

Masarap ba yan?

Uy ang ganda mo shy penge!

Napatingin ako sa box na dala ko, heto? Heto ang tinitignan nyo? Mga haliparot na patay gutom. Hindi naman para sa inyo ito, oo nga pala. Masarap oreos pero sorry sila colgate ang palaman eh hahaha

"shut up!! Hindi naman para sa inyo to. Para sa special someone to made with love haha" tumawa ako ng nakakabaliw.

Baka kay Shawn tss

Ang landi

Pinakilig lang noon ganyan na sya

Hndi sila bagay. Kami ang bagay

Ang kakapal nyo mas makapal pa kayo sa kalyo ko mga tae. Kung sabagay, edi sa inyo na pareho kayong pangit hihi.

"Hoy pssttt shy" tawag ni roni. Agad naman akong umupo sa tabi nya para makapag chika.

"Ano yan te? Mag sosorry ka? May pa oreo kapa dyan. Penge naman oh" nag puppy eyes pa si Nika. Gusto ata nilang tikman ang special oreos ko hihi

"Hindi para sa inyo to, chaka iba to eh. Gawa ko MAS masarap" pagyayabang ko. Dont worry girls malalaman nyo rin mamaya kung bakit napaka special nitong ginagawa ko.

"Talaga ba? Sige patikman" bago pa sya makakuha tinampal kona ang kamay nya chaka ko siya inarapan.

"Impakta. Watch and Learn girls" binigyan lang nila ako ng blankong mukha. Watch and learn sabi eh

"Malalaman nyo rin wag GG!" Tumawa ako ng nakaka loko mas lalo silang nagtaka sa inasta ko.

Nagchikahan lang kami pero habang nag chichikahan tingin tingin ako sa paligid pero hindi kopa sya makita.

Ang mga iba nagbabatuhan ng papel, may nagbabasa ng mga libro, nag chichikahan at nagkakantahan. Ganyan kami kagulo kapag wala ang prof namin

"Ayun si Shawn oh!!" Sigaw ni Roni.

Lumingon ako pero narinig ko silang nagtatawanan, ano? Joke lang yon? Hampasin ko ata tong mga to eh bwiset.

"Ayie ano ba yan hindi ko alam ang nangyayari te ah" reklamo nama ni nika. Napailing nalang ako hindi tlaga marunong maghintay mga to

Nagpatuloy lang silang magkwentuhan, nakisali narin ako dahil wala pa ang hinihintay ko. Pa importante masyado yung alien na yun.

Tinapik ako ni Roni sa balikat. Tapos nakatingin pa sya sa likuran ko. Ngumuso nguso pa sya na parang may tinuturo sa likod ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay

"Ayun nga siya oh" turo nya.

"Ehem ehem" si Shawn nga! Lumingon ako sa likod ko

"S-shawn? Heto para sayo oh" sabay lahad ko sa box ng oreos.

Tinaasan nya lang ako ng kilay? Wait bakit ako nauutal? Chaka bakit kinakabahan ako sa isasagot nya.

"Dont worry malinis yan" ngiti ko sakanya. Nagtaka naman sya, dahil kahapon magkaaway lang kami. Wag ka din mag aalala kasi hndi pa tayo tapos.

"Uh t-thanks para san to?"

"Wag kang mag thankyou hndi ako namimigay tlaga, gumaganti ako Jerk" bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Ah wala. Kainin mo mamaya yan" ngiti ko sakanya.

Waaaahhh shawn penge

Subuan kita babe pls

Omggg

Mga halimaw sa banga hahaha sige kainin nyo ng sabay sabay para masuka din kayo ng sabay sabay.

"No. Bigay ito ni Shy so shut up. Bili kayo kung gusto nyo" hala? Omgg bakit ang bait nya? Hinde Shy okay lang. Revenge mo yan.

---

Vote and comment please?
Next?

😜




It Started With A Lie [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon