Chapter 8

36 4 1
                                    


Pagkadating ko sa bahay, agad bumungad sakin ang mama, papa, kuya and Sky.

Niyakap agad ako ni mama. Nagtaka ako sa ginawa nya. Habang nakayakap sya sakin "saan ka galing? Pinag alala mo kaming lahat"

Napailing nalang ako wala ako sa mood para makipag usap sakanila. Hindi ko sya pinansin at patuloy akong naglalakad. Bago pa man ako maka akyat sa taas biglang nagsalita si papa

"Wag mo kaming talikuran. Kinakausap ka namin, wag kang bastos!" Hinaplos agad ni mama ang likod ni papa para mapakalma nya ito.

Humarap ako sakanila pero binigyan ko sila ng blankong mukha. Tinignan ko lang sila, hindi ako umimik.

"Shy nag aalala lang kami sayo" sagot naman ni kuya Veejay.

"Wow haha kailan pa kayo nag aalala sakin? Puro iba nalang inuuna nyo eh. Eh hindi nyo nako pinapansin kasi IBA yung pinagkaka abalahan nyo. Lagi nalang akong nahuhuli, feeling ko nga hindi nyo nako kailangan eh. Tapos ngayon tatanungin nyo ako kung saan ako gal-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Naramdaman kona ang hapdi sa aking pisngi, nagulat nalang ako sa ginawa ni Sky.

Hinawakan ko ang pisngi ko habang patuloy na umaagos ang mga namunuong luha sa mata ko.

"Wala kang karapatan bastusin ang magulang natin, pinapa alala ko lang sayo sila ang nagpalaki satin Shy wag kang umarte na akala mo wala silang pake sayo"  sabay punas ng luha nya sa pisngi.

"Bakit!? Hindi mo kasi alam yung pakiramdam na binabalewala kasi wala ka sa lugar ko. Na sa'yo lang naman ang atensyon nilang lahat eh! Lagi nalang ikaw! Hindi ba pwedeng ako naman?" Sigaw ko sakanya. Tama lang naman sakanya/ sa kanilang lahat eh.

"Tumigil ka Shy, wala kang alam. Hindi mo kami naiintindihan" sagot naman ni Papa.

"Bakit pa? Ni minsan ba may binanggit kayo sakin? May ipinaliwanag ba kayo? Wala! Malaki nako pero bakit ganito? Parang hindi ako kabilang sa inyo kasi tinuturing nyo akong iba!" Sigaw ko sakanilang lahat bago ko sila tinalikuran lahat

Padabog akong umakyat sa hagdanan. Bago ako pumasok sa kwarto ko, liningon ko munang silang lahat at pumasok na sa kwarto.

Pumunta ako sa pinakasulok at humagulgol, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang mawalan nako ng luha na maibubuhos.

Pumunta ako sa harap ng salamin, para akong binagyuhan dahil sa maga ng mata ko at gulo ng buhok ko.

Noong Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, naghanda nako para mag hilamos.

--

Pagkatapos kong maghilamos nagbihis ako.

Kinuha ko ang laptop at binuksan ko. Bubuksan ko ang fb account ko.

Logging in ..

Shy Merrell

80 friend requests, 101 messages, 4,467 notifications.

Ano? Kaka bukas ko lang ng fb ko noong nakaraang araw eh.

Akmang bubuksan kona ang notifications pero tumawag si Roni

Roni is calling..

"Hmm?"

"SHY! OMYGOSH HINDI MO PAPANIWALAAN TO. NAKU! GUGULPIHIN KO TALAGA ANG MAY GAWA NOON!" Rinig kong sigaw ni roni sa kabilang linya. Inilayo

"Ano ka ba! Hindi ko alam sinasabi mo. Umayos ka Roni ah" sagot ko.

"Mag online ka/ Roni!!" Sigaw ng nanay nya sa kabilang linya.

"Tapos tignan mo ang post ng page na  chika babes! Malalaman mo lahat!  Sige na tawag nako ni mama sorry" ano daw? Hindi ko alam ang gulo niya hindi ko nga alam ano ang tinutukoy niya eh.

Binalewala ko nalang ang sinabi ni Roni. May bukas pa naman para pag usapan yon, wala akong panahon maki chismis.

Nag sscroll lang ako ng biglang nakita ko ang post ng chika babes *4hrs ago* tapos may caption na "ang nakakadiring babae sa harvard university HAHAHA"

Pero hindi ko makita ang video. Mabagal ang net, ilang beses kong ni refresh ang fb ko pero wala parin.

Binalewala ko nalang ang mga post na puro chismis sa chika babes. Hindi kona rin binalakan buksan ang messages ko at notifications kasi siguradong hindi ko makikita dahil sa bagal ng net.

Nag sscroll lang ako ng biglang lumitaw ang chat na hindi lumitaw ang prof.

Stranger: hi. Okay ka lang ba?

Me: sino ka? At bakit hindi ako magiging okay?

Stranger: ang sungit mo naman. Hindi mo ako kilala?

Me: itatanong koba kung kilala kita?

Stranger: oh easy! Tignan mo sa gwapo kong profile.

Me: ewan ko sayo. Ang hangin mo, bye!

Nag log out nako pagkatapos humiga na sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame hindi kasi ako makatulog

Pinaka ayoko yung matutulog nalang ako pero kung ano ano pa iniisip ko. Overthinking sucks.

Maya maya..

May mensahe akong natanggap pero hindi ko alam kung kanino o sino ito.

0927*******

Shyy? Okay ka lang ba? Kung kailan mo ng masasandalan nandito lang ako.

Ang weird ng mga tao ngayon? Anong meron? Wow may bolang crystal sila? Kasi alam nilang hindi ako okay? Okaya ka close nila si papa Lord. Kasi alam nila nangyari ngayon, hindi ako maayos kasi nagkagulo kanina. A m a z i n g !!!

Dali dali akong nagreply sa text nya.

Me: sino ka? Okay lang ako. Anongg nangyari ang weird nyo sa totoo lang.

Pagkatapos noon hindi na nya ako nireplyan. Ang weird talaga, anong meron bakit puro ganun? Wala akong alam sa mundo. Hindi nga talaga yata ako nag eexist sa mundo. Ugh

*tok tok*

"Ate gising kapa ba?" Rinig kong tanong ni Sky.

"Ate alam kong galit ka, pero sana naman huwag mo akong pahirapan. Nahihirapan ako kasi hindi tayo magkasundo. Namiss ko yung dating tayo" saad nya sabay singot. Pakiramdam ko umiiyak siya. Umarte ako na parang walang narinig o tulog.

"Ate please naman oh.." sa pangatlong pagkakataon hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang akong nagmumuni muni sa kisame.

"Goodnight ate" huling sabi ng kapatid ko bago pa sya lumayo sa pinto ko.

---

wahhh😭

It Started With A Lie [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon