Chapter 7

23 5 0
                                    


Makalipas ang apat na araw hindi ako pinapansin ni alien, kung magkakasalubong man kami binibigyan nya lang ako ng malamig na titig na para bang naiinis parin sakin hanggang ngayon.

Noong isang araw nga nakakainis sya eh.

Flashback

Magka partner kami para sa ginagawa naming poem. Ang prof ko ang nag partner samin. Magkatabi kami ngayon pero hindi nya ako iniimikan

"Wala ka bang balak magsalita?" Tanong ko sakanya. Nakakainis sya ah, alanga naman ako gagawa lahat no? Feeling prinsipe lang?

"Shut up okay!? Ginagawa kona baka kasi KALOKOHAN ang maisulat mo dito" diniin nya ang salitang kalokohan. Dahil sguro sa ginawa ko sa prank. Serves you right

End of flashback

Nakakainis dibaa!?!?!?!?!?!?

Sabado ngayon at wala akong ibang ginagawa, pero mas gusto kong manatili sa bahay. Lagi lang akong nasa twitter, fb, messenger, snapchat, instagram at iba pang social medias account.

Narinig kong nag v-vibrate ang cellphone ko sa kama. Dali dali kong binuksan ang messenger ko, nag chat si Roni and Nika sa groupchat naming tatlo

Roni: hoy anong balak mo ngayon shy?

Nika: tara alis nalang tayo

Me: anong gagawin ko eh tama lang sakanya yon. Pa importante amp

Roni: ahhh. Heartless!!

Me: sino ako!???

Roni: chill girl, may sinabi ba akong pangalan? Kita mo?

Nika: assuming shy

Me: laki nyong tulong eh no!? Humanda kayo sakin.

Nag offline na ako. Wala naman sila matinong sasabihin eh.

Maya maya narinig kong nagc-call si Nika ano ba? Hindi ba nila ko titigilan? Mga impakta talaga eh

"Ano!?"

"Haha chill! Mall tayo"

"A.y.o.k.o"

"Isa! Sasama ka o sasama ka? Baka gusto mong kaladkarin pa kita dyan? Bihis na dali! Kita tayo mamaya 2pm. No buts. Bye!"

Pagkatapos nyang sinabi yon eh inend nya ang call. Nakakainis naman eh! Kung kailan wala ako sa mood gumala.

Nagsimula nakong magbihis. Kakaligo ko lang naman kani kanina, sinuot ko ay high waste shorts and croptop. Hindi ako masyadong marunong manamit, simple lang naman.

--

"Saan ka pupunta?" Tanong ng kuya kong si Veejay. May hawak pa syang kape. Wow!! Ang init na nga kape pa iniinom.

"Mall, pahatid naman" sya lang naman kasi ang may kotse. Samantalang kami wala! Kaya tinatamad akong gumala eh.

"Ihahatid ko si Sky may practice daw sila atsaka hihintayin ko sya" saglit akong natigilan. Bakit? Hindi naman malayo ang mall ah? Tsaka pwede namang sabay hindi nman ako nagpapahintay! Kahit kailan talaga nakakainis! Palagi nalang sya. Pwedeng ako naman?

Narinig kong bumaba si Sky mula sa hagdanan naka long back dress sya.

"Okay lang kiya ihatid muna natin si Ate shy" ngiti nya. Tumingin ako kay kuya na hindi makasagot

"Ah hindi! Haha kaya kona sarili ko" ngumiti ako bago ko sila talikuran. Konti nalang babagsak na ang luha kong gusto ng bumuhos kanina pa.

Nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta dinadala nalang ako ng mga paa ko kahit saan.

--

Nakarating ako sa park na kung saan ko hinihintay dati ang crush ko dati? At bakit dito pa? Ang layo nito. Nakaya kong maglakad na ganun kalayo? Sabagay wala ako sa sarili ko.

Umupo ako sa isang bench. Walang tao, tahimik at mas magandang ibuhos ang nararamdaman ko.

Bakit lagi nalang ako panghuli sa lahat? Si sky naman ang nangunguna. Hindi paba ako sapat? Bakit lahat ng atensyon nasakanya? Anong meron sakanya na wala ako? Anong nagawa ko? May kasalanan bako? Maraming tanong pero lahat ng yon wala akong alam ni isa

Naramdaman ko nalang pumatak ang luha ko at..

May nag abot sakin ng panyo. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa mga luha ko at isa pa naka hoodie jacket sya.

Kinuha ko ang panyo na binibigay nya. Ano ba naman yan, nakalimutan ko magdala ng panyo. Wala akong magawa kundi humagulgol

Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap mula sa lalaking hindi ko kilala

W-wait? B-bakit nya ako niyayakap? Hindi kami magkilala. Baka rapist to hindi ko alam.

Pero hindi eh. Gumaan ang pakiramdam ko sa yakap nya, hindi ko alam basta nalang nangyari na parang magic. Para bang ayoko syang umalis sa pagkayakap nya.

"Sino kabang hoodie boy ka? Bakit may iba sayo?" Hindi lang sya nagsalita. Pero alam kong ngumiti sya sa sinabi ko.

"Pipi ka ba?" At sa pangalawang pagkakataon hindi sya nagsalita. Gusto ko syang hampasin pero hindi ko magawa, kasi nakayakap parin sya sakin na nagpapagaan ng loob ko.

"Kung sino ka man. Thankyou, kasi.. nandyan ka kahit hindi kita kilala. Pero bakit ayaw mo magpakita? Pangit ka noo?" Narinig ko lamang syang tumatawa nararamdaman ko yun. Kasi nakaupo ako sa swing ang ulo ko naka ano sa

Abs!? Eh y-yeah abs

Fck

Ajdkekdlsoejdekwsfw

Maya maya umalis na sya. Hindi sya nagsalita o kahit ano mang galaw na iba hindi rin. Basta basta nya lang akong iniwan pero kahit papano gumaan at nabawasan ang nararamdaman ko.

Roni is calling...

Shet 68 missed calls

Inend ko nalang at tinext sya. Ayokong sabihin ang totoo nangyari at kung anong nangyari saakin ngayon.

Ayokong isipin nila na mahina ako! No ako si shy matapang!

Dali dali kong tinawagan ang numero nya para masabi ko ang gusto kong sabihin sakanya.

Me: oh sorry. May emergency lang, sorry hindi ko nasabi. Nasan kayo?

Roni: nasa mall parin Naghihintay pero nakakain nakami, nasan kaba? Tsaka anong nangyari?

Narinig kong inigaw ni nika ang telepono kay roni. Napa iling nalang ako dahil sa pag aagawan nila sa cellphone.

Me: tumigil nga kayo. Next time nalang tayo lumabas bye

Nika: pero sh-

Hindi kona pinatapos ang sasabihin nya dahil agad ko itong inend.

Hindi na ako nagtagal pa dito sa park dahil dumidilim na delikado sa daan.

Pero habang naglalakad ako napansin ako ang hawak ko.

Yung panyo ni hoodie boy. Paano ko ito ibabalik? Eh hindi ko alam kung sino siya hindi ko rin nakita ang mukha nya. Hays ano ba yan.

--

Vote and comment para sa next chapter. Mwa😘

It Started With A Lie [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon