Kasalukuyan kaming nakatambay ni Angel ngayon sa Mcdo. Kakarating lang nya kaninang umaga. Nagulat nalang ako ng pagbaba ko sa dining area ay nandun na sya kasama si Mommy nag uumagahan. Tinanong ko sya kung saan sya nang galing at bakit halos isang linggo syang nawala ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya naman hindi ko nalamang sya pinilit. Basta ang sinabi lang nya ay may ginawa syang importante.
Binanggit ko nga rin pala sa kanya yung tungkol kay Chase at sabi nya na baka raw nag iisip lang ako ng kung ano ano.
Kakatapos lang namin bumili ng mga school supplies para sa Monday, first day of school kase. Bumili kami ng matchy matchy notebooks at ballpens sa National Bookstore.
"Naddie, hindi ka ba na e-excite para sa pasukan? Omg! Ako excited na excited na ako kasi magkakaroon na tayo ng mga bagong classmates na mga pogi! Kyaaaaah!" Aniya na parehong nakasalikop ang kanyang mga kamay at kumikinang ang kanyang mga mata.
Binatukan ko sya dahil sa ideya nya kaya naman naputol ang pag pantansya nya at biglang sumimangot.
"So ano? Papasok ka lang dahil Sa mga pogi? Hay nako, Angeeeeeel. Kahit kailan ka talaga."
Umirap ako sa hangin at umiling iling. Natawa nalang sya sa naging reaksyon ko. Naka crop top sya na color black, dahilan kung bakit sya lalong pumuti tignan. Naka shorts naman sya ng white na naging dahilan para makita ang kanyang white-long-legs. Habang ako naman ay naka white shirt lang ni Kaneki at naka jeans. Simple lang, wala naman kasi akong date at panigurado na pagkatapos nito ay uuwi narin kami.
Busy ako sa pag inom ko ng coke float habang si Angel naman ay busy sa pag nguya ng bff fries. Nandito kami sa labas ng Mcdo kung saan merong mga tables at chairs. I guess itong pweste na 'to ay para sa mga smokers kasi bawal sa loob eh. We don't smoke, good girls kami ni Angel pero Angel do drink and I don't. Mababa lang ang tolerance ko sa alcohol eh.
"O-M-G!"
Nagulat ako ng napasigaw ng dahan dahan si Angel habang nanlalaki ang mga mata. Sa sobrang bilis nyang ngumuya ng fries, ayun nabilaukan ang gaga. Nag taas ako ng kilay sa pagtataka sa kanya.
May tinuturo sya sa likod ko habang nanlalaki parin ang mga mata at hindi mapakaling umiinom ng coke float para mawala ang nakabara sa kanyang lalamunan.
"Hindi ba si Keyvi yuon!" Aniyang nakangisi ng abot tenga.
Lumingon ako sa itinuturo nya ngunit hindi ko alam kung sino duon sa mga taong nasa luob ang tinutukoy nya.
"Keyvi who?" Tanong ko sa kanya na kasabay ng pagtaas ng aking kilay.
Aakmang tatayo sana sya para lapitan yung lalaking tinuturo nya sa loob ng Mcdo ngunit hinila ko sya pabalik sa kanya upuan. Baliw na ata 'to at sya pa mismo lalapit sa lalaki. Hay nako, Angel. Wala ka natalagang pagasa sabay iling kong nakatingin sa kanya na nakatitig sa lalaki.
Ng makalabas na ang lalaki na tinutukoy nya at dumaan sa likod ko ay napansin kong naka nganga na pala si Angel duon sa lalake. Naamoy ko ang bango ng amoy nya, amoy imported pero mas mabango parin ang Chasey ko 'no!
Lumapit ang lalaki kay Angel na naka long coat na parang pang malamig na panahon. Color itim ito at may kulay itim na scarf rin sya na nakapalibot sa kanyang leeg. naka suot rin sya ng wayfarer na kulay itim.
Wow, hahaha ayos naman pormahan nito. Saan ang punta, boy? Libingan? Hahaha charot lang. Siguro galing ibang bansa 'to kaya ganyan ang porma.
Isinara nya ang bibig ni Angel na nakanganga bilang senyales na nabighani ito sa kanya.
"You might wanna close your mouth, sweetheart. We don't want flies getting into your mouth, right?"
Napakunot nalamang ako ng nuo ng humarap na sya sakin. Nag taas ako ng kilay sa kanya dahil sa inakto nya. Marahan syang naglakad papunta sa akin at ibinaba nya ang kanyang wayfarer para pag masdan lalo ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Fighting for One
Teen FictionNaddie Abigail Villegas. Nag iisang anak ng nagmamayari ng pinaka sikat na mall sa bansa. May mapagmahal na pamilya, mapagmahal na kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Ang lahat ay perpekto na para sa kanya. Halos kainggitan na sya ng mga taong nas...