Dalawang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin ako nag papakita kay Chase. Ayoko na makita nya ako ng ganito. namumugto parin ang aking mga mata sa kakaiyak. Natakot ako na baka tuluyan na akong iwan ni Chase pero natatakot rin akong malaman kung ano ang sasabihin nya.
Pagkatapos nung araw na yun na nasa PD Park kami, habang nasa taxi ako biglang nag text nanaman sakin yung Creeper.
Text message from: Unknown Number
"I'm sorry about earlier.."Great! Just great. Just when things are getting worser bigla namang dadagdag itong taong 'to. Papatayin ko na sana ang aking phone ng biglang may pahabol syang text message.
"I wish I could make it up to you.."
At pagkatapos nuon ay tuluyan ko ng pinatay ang aking phone. Wala akong ganang makipag usap sa kanya at kung kahit sino man.. Sa mga panahong ganito, tanging si Angel lang ang nakakaintindi sakin. Sa tuwing may problema ako, lagi syang naruruon at sinusuportahan ako. Pinapa lakas nya rin ang loob ko. Parang kapatid ko na nga sya kung tutuusin eh.
Kahapon naman nagsubok pumunta si Chase dito. Ngunit hindi ako lumabas. Wala akong gana makipag kita sa kanya. Hanggang ngayon ay wala parin akong gana kumain at lumabas ng bahay. Narinig ko sa katulong namin na nagpumilit syang makita ako pero salamat nalang kay Mommy dahil pinigilan nya ito. Naiintindihan ni Mommy kung anong pinagdadaanan ko ngayon pero hindi ko parin sa kanya ibinubukas itong usapan na 'to sa tuwing sabay kaming kakain.
Kasalukuyan akong nakahiga dito saking kama at nakatitig lang sa kisame. Tatlong araw na nga lang pala ay pasukan na namin.. panibagong paaralan, panibagong kaibigan at kaklase. Ang papasukan ko ngayon ay mas malaki kesa sa dati kong school. University na ang papasukan ko at hindi na High School.
Henry Sandoval University... In short, HSU. Kinakabahan ako na nae-excite. Papasok ako sa isang University na pinapangarap ng lahat.
Isang University na sikat dahil dito nag aaral ang mga anak ng businessman or businesswoman, chairman, senators and etc. nakaka pressure at takot dahil kahit na alam kong sikat na University ang papasukan ko, may mga bali-balita rin daw na masasama ang ugali ng mga studyante na nag aaral duon.. May mga anak ng Yakuza or known as gangsters sa japan at yun ang kinakatakot ko...
Ilang araw na rin nga palang hindi nag paparamdam sakin si Angel. Sa totoo lang namimiss ko na sya at hindi ko alam kung saan sya ngayon.. Nanduon parin ang mga gamit nya sa guest room na akala nya ay kwarto ko.
Ayaw na ayaw ko talagang nagtatago ng sikreto kay Angel pero mukhang hindi nya muna kailangan malaman 'tong isang sikreto na hindi rin alam ng lahat. Paang kapatid ko na si Angel at sana nga kapatid ko nalang talaga sya para naman hindi malungkot ang buhay ko.
Kamusta na nga pala si Chase? Ano na kayang ginagawa nun? Binuksan ko ang aking phone at nagbalak tawagan si Chase. Narinig ko na tumunog ang kanyang ring tone sa labas ng aking puntuan.. Nagtaka ako kasi naririnig ko yung ring tone nya kaya naman ay itinigil ko ang pag tawag.
Tinawagan ko ulit sya at narinig kong tumunog nanaman ang kanyang phone sa labas ng pintuan. Napatitig ako sa pinto at bahagyang nag taka kung bakit naririnig ko. Ilang beses kong inulit yun at sa pang limang beses ko na muling narinig ang kanyang ring tone ay sinagot nya na ito.
Dahan dahan kong inilapit ang aking phone sa aking tenga.
{Hello..?}
{Babe, anong ginagawa mo?}
{H-huh? A-ano, wala naman beyb.. Bakit?}
Kinakabahan ako sa tanong nya... Ba't ko pa ba kasing naisipan na tawagan sya eh iniiwasan ko nga sya. T^T
BINABASA MO ANG
Two Worlds Fighting for One
Ficção AdolescenteNaddie Abigail Villegas. Nag iisang anak ng nagmamayari ng pinaka sikat na mall sa bansa. May mapagmahal na pamilya, mapagmahal na kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Ang lahat ay perpekto na para sa kanya. Halos kainggitan na sya ng mga taong nas...