Kim's POV
"Babe! Dito ka pala pumapasok!" May lalaki na bigla na lang hinawakan ang kamay ko.
Kakatapos lang ng klase namin and it's totally boring. Wala man lang thrill ang pagpasok ko dito.
One more thing, wala talaga ako sa mood ngayon kasi meron ako. Kainis nga eh.
And talking about shits, sino ba tong lalaking to?
"Excuse me? Do I know you?" Maarte kong tanong. Syempre para naman malaman niyang sura na ako sa pagmumukha niya.
"Erin, in the bar. Don't you remember? We were just dancing and drinking wild yesterday and ngayon nakalimutan mo na ako agad?" Malungkot niyang sabi. Tsk. Wala akong pake!
"Whatever or whoever you are, di kita kilala so get out of my way!" Naiirita kong sabi sakanya. Nakakainis na ah. Di niya pa rin inaalis yung kamay niya sa kamay ko. Ang higpit nga ng hawak niya eh.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!" Pagrereklamo ko dito.
"Why? Hindi ka ba nasatisfied sakin kahapon?" Nakasmirk niyang sabi.
"Ano bang pinagsasabi mo! Bitawan mo nga ako! Masakit na sabi eh!" Sigaw ko sakanya. Sobrang sakit na talaga ng pagkakahawak niya.
Nagpupumiglas ako sa hawak niya yet hindi niya pa rin ako binibitawan.
Kung wala lang ako ngayon edi sana nasapak ko na tong lalaking to.
"In one condition, sasama ka sakin ngayon. Kailangan kong maglibang eh." Nakangisi niya pa ring sabi. Nakakatakot na siya ah! Ang creepy ng mukha niya!
"Ayokoooo! At ano ba!? Hindi ako libangan noh! Bitawan mo na nga ako! Adik ka ah!" Sigaw ko na naman sakanya.
Lalo niya pang hinigpitan yung hawak niya sakin kaya naman napasigaw ako ng kaunti.
Wala ng masyadong tao sa school kaya wala yatang makakatulong sakin.
"Sumama ka na lang para di ka na masaktan." Pagpilit niya sakin.
"Ayoko nga eh!! Bitawan mo na ako!" Naiinis na ako sa lalaking to ah. Nakakainis na talagaaaaa!
"Pare, bitawan mo na. Mukhang ayaw naman niyang sumama sayo." Thanks God! Buti na lang dumating siya. T-teka, si Gab to ah? Akala ko ba nakaalis na siya?
"Huwag ka ng makisali dito pare, atsaka nauna ako eh. Sa susunod ka na lang." Malanding sabi nitong si Erin daw.
"Hayop ka! Ayokong sumama sayo! Gab, please help me." Pagmamakaawa ko kay Gab.
"Pano ba yan pre, siya na mismong nagsabi, ayaw niya sayo. Bitawan mo na siya." Maautoridad na sabi ni Gab. Pwede pala siyang president namin eh. Hehehe joke lang.
Binitawan naman ako ni Erin pero nakita ko na lang na sinuntok na niya si Gab.
"Eh bastos ka pala eh. Akong nauna pare, wala kang pake kung ano mang gawin ko sakanya. Girlfriend ko siya!" Sigaw ni Erin. Ano!? Girlfriend!? Ako!? Wtf bakit naman kita paatulan. Like duuhhh, di pa ako baliw no.
BINABASA MO ANG
Love At First CHAT (EDITING)
Teen FictionThis is not an ordinary group chat love story.