MARIS' POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Actually, puro girls lang andito. Yung mga boys? Aba ewan ko dun sakanila. Basta ang alam ko, mag-babasketball daw sila. Ayun, ang pagkakaalam ko.
Ang sarap talaga ne'tong lasag--- "Alyssa!!!" napatigil ako sa pagsubo ng may sumigaw sa pangalan ng kapatid ko. Tiningnan ko naman kung sino yun.
Aba! Lalaki sya.
Tiningnan ko naman si Alyssa. "Sino yun?" nagkibit balikat lang sya. Aish! Tipid talaga ne'to.
"Parang may manliligaw na yang kapatid mo, huh." napatingin naman ako sa bumulong sakin. Si Mariane. "Dalaga na sya. Hehehe."
"Aish! Bata pa yan." pagtataray ko sakanya. Napatingin na kami sa lalaking nasa tapat ni Alyssa.
"Ayo, Alyssa." bati ng lalaki Kay alyssa. Tinignan naman sya ni Alyssa, na nakakunot ang noo.
"Who are you?" seryosong tanong ni Alyssa.
Kaya naman napatawa ng kaunti yung mga kasama ko pati na rin siguro ako.
Sino ba namang hindi matatawa dun. Kilala sya nung lalaki pero si Alyssa hindi? Ayan tuloy, na-who-are-you sya ng wala sa oras.
"Infairness, napahiya ka dun. /smirks;" -Kim.
"OMGee! Ang hard naman, nun. /pout;" -Bea
"Don't be harsh to him, Alyssa." -Mariane.
"Hindi ako harsh." at nagpatuloy nalang sya sa pagkain nya. At hindi na pinansin ang lala--- "Anong kailangan mo?" binabawi ko na.
Napakamot naman sya sa ulo. "Ah-Eh.. Ibibigay ko lang sana toh." at naglabas ng strawberries yung guy.
Patay! Strawberries.
Napahinto naman sa pagnguya si Alyssa, at napatingin sa strawberries. Ayan na!
In
3
2
1
Hinablot ni Alyssa ang mga strawberries, at agad-agad nya ito binuksan at nilantakan na.
Favorite kasi ni Alyssa ang strawberries, nung bata pa kasi kami nun. Pumunta kami sa Baguio at nagbakasyon dun ng isang buwan. Then, may nakilala sya dung batang lalaki, ayun lang sa pagkakaalam ko.
Di kaya? Napatingin naman ako sa lalaking na ang laking makangiti sa harap ni Alyssa.
Tumayo ako at tinapik ko ang balikat nya. "Who are you? Ba't kilala mo kapatid ko?"
"Hello Ate Maris." napakunot naman ako ng noo. Kilala nya ko? "Ako nga pala si Justin Perez kaibigan ako ni Alyssa."
"Oh? You have a friend pala Alyssa?"-Bea.
"Duh! Bea, malamang?" -Kim.
"Oo nga. Paano nangyari yun?" -Mariane.
Napakamot naman ng ulo si Justin daw. "Mahabang kwento mga Ate?"
"Huwag mo kaming i-ate, dahil mas matanda ka samin dito." seryosong pahayag ni Kirsten.
Ano daw? Mas matanda pa to samin? Tinignan ko naman ang ID nya. At tama nga si Kirsten. Mas matanda nga sya samin, at sophomore na sya.
"Pasensya na mga Ate--"
"Huwag mo nga kaming i-ate! Sasapakin kita dyan." -ako.
"Hehehe. Sabi ko nga." napakamot naman sya ng ulo. Hayy! Nga naman. "BTW, I have to go na. May klase pa pala ako."
At tumakbo naman sya, palabas ng cafeteria. Kaya naman, umupo na ko at tinitigan ko si Alyssa, na hanggang ngayon nilalantakan pa rin yung mga strawberries.
"Sino yun?"
Nagkibit balikat na naman sya. Hayyy! Ganda talaga kausap ne'to.
*****
Nandito ako ngayon sa may garden. Tama, may garden nga to'ng university. Ang ganda nga eh. Dahil green na green ang Bermuda Grass. At pulang-pula, ang mga roses. At masarap ang simoy ng hangin. Sarap tuloy, matulog dito.
Kaya naman, kinuha ko ang headset ko at isinalpak ko ito. Umupo naman ako sa tabi ng puno at pumikit. At dahil may 1hour vacant ako bago ang natitirang subjects ko. Matutulog muna ako at magrerelax. Dahil nakakapagod din mag-aral, kaya kailangan ko to.
*****
GAB'S POV
Hayyy! Ang boring naman dito. Ano kaya pwedeng gawin sa 1hour vacant? Maghanap kaya ako ng date? Mangchix? Pero, nandito ako sa university. At ang alam ko bawal pa naman yata ang dirty thing dito. Kaya medyo boring.
Kaya naman napadaan ako sa harap ng garden ng university na to. Eh kung matulog nalang kaya ako? Hmmm. Mukhang magandang idea nga yun, dahil ilang gabi na rin akong puyat sa kaka-party.
Pagkapasok ko sa garden agad ako naghanap, nang pagpipwestuhan.
Para makatulog din.
Napahinto ako sa paghahanap ng pagtutulugan ko nang makita ko siya.
Si Maris.
Nilapitan ko sya, at mukhang natutulog sya.
Umupo ako sa harapan nya.
Mukha pa rin syang anghel. Hayy! Bakit ko pa kasi sya pinakawalan. Ang tanga-tanga ko.
Bakit? Bakit hindi ko sya pinaglaban? Pinaglaban sa gusto ng dad ko. Mahal ko sya. Ay hindi, dahil mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon.
Tatayo na sana ako nang bigla syang magsalita. "Huwag mo kong titigan." cold nyang sabi. Idinilat na nya ang kanyang mga mata at tumitig sakin. Those eyes.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tumayo muna ako at pumamulsa at tumingin sa malayo. Dahil ayokong makita nya kong may pagmamahal pa sakanya.
"Wala. Napadaan lang ako dito." hindi sya kumibo at alam kong nakatitig lang sya sakin na tila pinag-aaralan nya ako kung nagsasabi ba ko ng totoo. Kilalang kilala nya talaga ako. Bumuntong huminga muna ako bago magsalita.
"Okay. Matutulog sana ako dito, but nakita kita ditong natutulog." at tumingin ako sakanya.
Hindi na sya nakatingin sakin.
Bumuntong hininga naman sya at tumayo. "I have to go."
"Maris..."
"Kailangan ko ng umalis. Bye." aalis na sana sya nang hawakan ko ang kanyang braso.
"I'm sorry.... "
"You don't have to say sorry. Dahil wala ka namang ginawa.... Wala talaga."
Binitiwan ko na ang braso nya at pinanuod ko nalang syang papaalis.
Tama sya. Wala akong ginawa..... Wala akong ginawa para saming dalawa... Wala..
"So, si Maris pala."
Napatingin naman ako sa nagsalita sa likod ko. "Kim?" Yes si Kim. Yung isa sa mga ka-GC namin at ka-blockmates namin.
"Kanina ka pa dito?"
"Hmmm... Sabihin nating oo." Tapos nagsmirk pa siya at tsaka itinuloy ang sinasabi.
"BTW, so si Maris nga ang mahal mo?" tanong ni Kim.
"Wala kang pakialam."
"Okay, sabi mo eh." Sabi niya at nagsmirk na naman.
"Tss." umalis na ko dun. At ayoko nang makipag-usap dun. Aish! Nawala tuloy yung antok ko.
Aish! Makalabas nga muna dito sa university.
------
After 1 month may update din. HAHAHA. Pero, sorry kung short short UD. Sorna?
BTW, happy minseok day! #HappyBaoziDay
AND! HAPPY BIRTHDAY GELALAYY!! HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Love At First CHAT (EDITING)
Novela JuvenilThis is not an ordinary group chat love story.