Gelay's POV
Ano kayang meron kina Maris at Gab?
Parang kahapon super close nila sa isa't isa ah. Ang pagkakaalam ko naman kay Marianne, not in good terms sila.
Nakaupo lang ako dito sa upuan ko habang iniintay si Yumi na dumating. Akala ko pa naman sabay kami, tapos sabi niya malalate daw siya.
Hays, makaub-ob na nga lang muna-
"HI GELALAY! GOOD MORNING!" sigaw ni Nata malapit sa tenga ko.
"YAH! ANO BA?!" pano ba naman kasi nahulog ako sa upuan ko dahil sa gulat.
Jusko, yung puso ko. hoo, hinga.
Tawa parin ng tawa itong si Nata, kaya agad kong binagsakan ng kamay sa braso.
"Ikaw ha, pwede ba? wag mo nga akong sinisigawan sa tenga. Uso pa naman bumati ng maayos, ano ho?" reklamo ko sabay kalikot sa tenga ko at tinasaan siya ng kilay.
"Sorry na, nakakatawa ka kasi magalit! HAHAHA!" asar pa niya tapos tinawanan pa niya ako.
Agad kong hinablot ang tenga niya, "Oh talaga? nakakatawa ako? ha? ano pa?" saad ko habang pinipingot ang tenga niya.
Humupa ang pagtawa niya at ngumisi sakin. Aba! Sobra na siya mang asar ha!
"At ang cute mo din." bulong niya sa tenga ko. I was shocked.
Dahan dahan kong binitawan ang tenga nya at umupo sa upuan ko. Pakiramdam kong umiinit ang mga pisnge ko at sa tingin ko pumupula na ito.
I can feel my heart still beating so fast and I know he's still smilling widely behind me. Arghhh! Kainis ka talaga Nathaniel! Ano bang ginagawa mo sakin!!?
"Uy! Kinikilig ka ba? Sorry ha, gwapo ko kasi eh." bigla naman akong nainis. Tsk. Ang yabangggg!
"Ang lakas yata ng hangin dito. Tsk. Lumayas ka nga!" sigaw ko sa kanya.
"Ayoko. Baka mamiss mo ko eh." he said then he smirked at me. Grr! Nakakainis talaga 'tong mayabang na 'to!!
"Kapal ng mukha mo! Di kita mamimiss no! Ang pangit mo kaya!" sigaw ko sa kanya. Ang hangin talaga ng lalaking to.
"Talaga? Sure ka?" Tanong niya sakin.
"Oo!" Mabilis kong sagot. Para alam niya na sure ako no.
"Talagang talaga?" tanong niya habang lumalapit sakin yung mukha niya.
"O-oo nga!" medyo naiilang kong sagot. Anlapit na kasi nung mukha niya sakin eh halos magdikit na yung mga ilong namin. Naduduling na nga ako eh!
"Edi sige." may pagtatampo niyang sabi at bumalik na siya sa upuan niya. Ni hindi niya na ako tiningnan pagkatapos nun.
Hala! Baka nagtatampo siya! Ikaw naman kasi Gelay eh!
"Hoy! Napano ka na? Bat mo naman sinasampal sarili mo?" tanong ni Yumi na kakarating lang yata.
"Oh, may sakit ka ba? Bat ka namumula?" tanong niya pa ulit.
"Eh kasi ehhh!" Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari oh hindi. Baka kasi ichismis niya sa iba naming kaklase eh! Nakakahiya naman yun.
"Ano nga?" pangungulit niya sa akin.
"Kasi si---" 'di ko na natapos yung sasabihin ko kasi pumasok na yung teacher namin.
"Mamaya na lang." bulong sakin ni Yumi. Tumango na lang ako bilang sagot.
Nagdiscuss na si Ma'am at as usual nagpa-assignment na naman siya.
BINABASA MO ANG
Love At First CHAT (EDITING)
Teen FictionThis is not an ordinary group chat love story.