MARIANE'S POV
"What?! BFF?! Half hour, na kong naghihintay sayo dito sa mall. And you're telling me, na ngayon mo lang nabasa ang text messages ko??? Huh?!" sigaw ko sa kausap ko na obvious namang si Maris na baliw kong BFF.
[Ihhhhh... BFF. Sorry na. Nag-chacharge kasi yung phone. Kaya naman, ngayon ko lang nabasa. Sorry... But....!! Susunod ako dyan. Promise! Wait for me, then.] pagdadahilan niya. Ito talagang babaeng to.
"Okay.. Okay.. Pakibilisan nalang, please.] pagtataray ko sakanya.
Nandito kasi ako sa mall. Nandito ako sa Starbucks, to be exact. Dito sana kami magkikita ni Maris. Pero, kalahating oras na. Wala pa rin sya kaya naman tinawagan ko na sya. Pero ang loka. Hindi pa pala nya nabasa ang mga messages ko. At ngayon nya nalang daw nabasa dahil nag-chacharge pa ang phone nya. How's life.
-______-
[Okay. Babye.] she ended the phone call.
Inilagay ko na ang phone ko. At kinuha ko naman ang babasahin ko.
Fallen by Lauren Kate
Kakabili ko lang to kanina sa National Bookstore kaya babasahin ko na.
What if the person you were meant to be with could never be yours?
Ayan ang nakalagay sa book. Ang masasabi ko lang parang, story lang ni Maris to. NOON.
Yung tipong inaasahan mo, sya na ang THE ONE, sya ang SUPERMAN ng buhay mo na lagi kang nililigtas, sya ang PRINCE CHARMING mo na makakasama sa happily ever after, at sya ang DESTINY mo, na kahit na anong mangyari ay magiging kayo pa rin sa huli....
Pero...
Si DESTINY rin ang magsasabi at magpapamukha sayo na...
Na kayo nga ba talaga?
Na kaya nyo bang ipaglaban ang isa't-isa?
Na magsasabi na, MAHAL NYO BA TALAGA ANG ISA'T-ISA?
Hayyyy.. Tama na nga. Parang ang drama ko naman.
Eh, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. NBSB yata ako, nuh. Hindi ako katulad ni Maris na maaga nagpakatanga. Wala eh, maaga syang pinatamaan ni Kupido.
Kaso nga lang sa maling lalaki sya nagmahal. At alam ko naman na hindi pa sya gaano nakaka-move on dun sa hinayupak na lalaki na yun. Kahit na sabihin nya na wala na.... Pero, sa loob loob nya, meron pa rin..
Habang nagbabasa ako. Napataas naman ang ulo at napataas ang kilay ko. Na may biglang umupo sa katapat ko.
"Excuse me?" pagtataray ko.
"Dadaan ka?" sabi nung lalaki. Opo! Lalaki. Kaya naman lalong napataas ang kilay ko dahil sa sagot nya.
"Hahaha. Joke. Can I sit here? Wala na kasing bakanteng upuan." sabi niya at nginitian ako yung tipong nakakaasar. Tsk. Napatingin naman ako sa paligid. At tama nga sya wala nang bakante.
Pero.. "Bakit dito sakin? Marami dito ang walang kasama." sabi ko sakanya.
Nagkibit-balikat naman sya. "Kasi kilala kita?" medyo patanong niyang sabi.
"Huh?" tinitigan ko sya. Maputi naman may mapupulang labi.
"Bakit ka kasi naka-shades? Mataas ang araw dito? Hindi kaya kita makilala." sarcastic kong sabi sakanya. Like duh? Nakadrugs ba siya?
"Kasi gwapo ako? Hahaha." nagtaas-taas pa sya ng kilay. Kaya naman, napairap nalang ako dahil sa sinabi nya.
"Dejoke. Napaka-gwapo ko pala." sabi niya. Ang hangin ah.
"Hangin." bulong ko.
"Wait nga, parang lumakas yata ang aircon dito, huh. O baka naman nagalit ang amihan dahil sa sinabi mo?" pagtataray ko sakanya. Bat ba ang tagal ni Maris? Asar na ako sa lalaking to ah.
"Ang masasabi ko lang sayo. Ako ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa." pagmamayabang nya.
Napatawa naman ako. "HAHAHAHAHAHA! T-Tama ka! G-Gwapo ka sa balat ng lupa!!! Mukha ka kasing lupa. HAHAHA! " natatawa kong sabi. HAHAHA.
"You're so funny. Kaya nga nagustuhan kagad kita." napahinto naman ako bigla dahil sa sinabi nya. Para syang remote control na nagpa-mute sa tv maingay.
Tsaka anong sabi nya? Nagustuhan nya ko? Agad agad?? Magsasalita na sana ako nang tanggalin nya ang shades nya.
O_____O
Wait parang kilala ko sya. "Wait! Amihan???!!!!"
Napakunot naman noo nya. "Amihan?? "
"Yeah... Amihan. Kasi sobrang hangin mo lagi sa GC. Hindi mo ba pansin yun? Lagi kitang tinatawag na Amihan sa GC." seryoso kong sabi sakanya.
"Huh? Ako ba yun? Akala ko isa sa mga ka-GC natin ang tinatawag mo. At tsaka malay ko bang ako yun, eh halatang pambabae ang pangalan." sabi niya at napahawak sa batok niya.
"Now, you know." pagtataray ko.
Tumayo na sya. "I have to go. I need to meet some other friends."
"Edi Go! Bakit nagpapaalam ka pa sakin?" Fc lang? Tsk. Kala mo naman may pake ako kung umalis siya.
"Baka mamaya kasi ma-miss mo na ko kagad." napairap nalang ako. "Bye."
O_________O
Napatulala nalang ako. At napahawak sa pisngi ko.
"What the hell??!!!!! Amihan!!!!!!" he kissed me in my cheek. Fuck!
"BFF!!!" umupo naman sya sa tapat ko. "Oh?? What happened? Bakit ganyan ang mukha mo? Dahil ba yan sakin???" napairap nalang ako. "Hala! Sorry, medyo traffic eh."
"Tss." napa-pout naman sya. Badvibes na tuloy ako. Nakakainis. Naghanap naman ako ng alcohol. Pero wala akong makitang alcohol sa bag ko. Shit! Naiwan ko pa. "Hey! May I borrow your alcohol?"
"Why?" sinamaan ko naman sya ng tingin."Sabi nga.hehehe."
Pagkabigay nya. Naglagay kagad ako ng alcohol sa tissue. At pinunas ko sa pisngi ko na hinalikan nya. "Anyare ba?"
"Virus, BFF. Baka mahawaan ako. Mahirap na."
"Eh, bakit sa pisngi?" sinamaan ko nanaman sya ng tingin. "Sabi ko nga tatahimik na ko. Hehehe." ang daldal nya ngayon ,huh. "Tara na nga." tumayo na sya at sumunod naman ako.
Badtrip.
******
NEIL'S POV
"Oh? Dre, bakit naka-ngiti ka dyan? Mukha kang baliw. Haha!"
"Wala pre, ang gwapo ko lang talaga."
"Ewan ko sayo. Hahaha."
"Hahahaha. Alam ko naman na naiinggit ka sa ka-gwapuhan ko. Hahaha."
"Ulol! Hahahaha!"
Napailing nalang ako. Kasi nakaisa ako sa kanya.
Sobrang saya ko. Dahil ...
Nakahalik din ako sa first crush ko.
Oo, first crush ko. Ang korni ,nuh. Wala e. Ganun talaga.
Paano nangyari?
Simple lang...
Na-love at first sight ako ...
No!
NA-LOVE AT FIRST CHAT ako sakanya...
*****
END OF CHAPTER 7
AN: AGAIN AND AGAIN SHORT UPDATE ULIT. HAHAHA. SORNA??!
Alien Couple
BINABASA MO ANG
Love At First CHAT (EDITING)
Fiksi RemajaThis is not an ordinary group chat love story.