By kittenn
Isang taon na ang lumipas mula ng iwan kita.
Sa loob ng mga buwang lumipas, inabala ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko pa nagagawang gawin sa tanang buhay ko, pinuntahan ang ilang sikat na lugar sa pilipinas.
Hindi ko hinayaan ang sarili kong lamunin ng lungkot, sakit at pag-sisisi.
Pero sa kabila ng mga masasayang karanasan ko sa mga lugar na iyon, o kakaibang experience sa mga bago kung nagagawa, at the end of the day, sa facebook account mo parin ang baksak ko. Ikaw parin ang huling taong naiisip ko bago ako pumikit sa gabi.
Iniwan kita , dahil sobra na akong nasasaktan, hindi ko na alam kung saan ako nakalugar sa buhay mo. Sobra din akong umaasa na hanggang sa huli magiging tayo.
Iniwan kita, kase nahaharap ako sa isang malaking desisyon sa buhay ko.
Iniwan kita, noong mga panahon na kailangan mo ng makakaramay, pero wala akong magawa kase kahit ako ng mga panahong 'yon labis ding nasasaktan.
Kailangan kong iahon ang sarili ko sa labis na pagmamahala sa'yo, na kung hindi ko aagapan baka pati sarili ko hindi ko na din magawang mahalin.
Limang letra lang ang hinintay ko ng araw na iyon para tuluyan ang sarili kong magpakalunod sa pagmamahal ko sa'yo. Pero lumipas ang araw, linggo at buwan wala akong narinig na sorry mula sa'yo.
Masakit umasa sa isang bagay na hindi pa nangyayare, Pero mas masakit pala na umasa sa bagay na nasa harapan mo na, kase minsan kahit na nakahain na sa harapan mo ang mga bagay na gusto mo, maaari parin iyon magbago at mawala nalang ng hindi mo namamalayan.
"Expecting too much, can hurt you too much"
Iyan ang natutunan at naging paalaala sa sarili ko mula ng maghiwalay tayo.
Kahit mahal na mahal niyo ang isa't isa, hindi mo parin pala pwedeng sabihin sa sarili mo na siya na nga ang taong para sa'yo. Tangging ang Diyos lang ang nakakaalam kung para kayo sa isa't -isa
Ang maari mo lang gawin ang maghintay sa tamang pagkakataon at panahon.
Nang araw na iniwan kitang umiiyak, sa kabila ng masasakit na salitang binitawan ko sa iyo, sa kabila ng sakit na narardaman ko pinanghawakan ko parin ang mga salitang nagmula sa bibig mo na AKO LANG HANGGANG DULO.
Alam kung naging makasarili ako ng araw na iyon,sariling sakit ko lang iniintindi ko, ang nararamdaman mo parang hanging lang na dumaan sa harapan ko.
I want to say sorry for all the pain that i caused you. For all the words that i said to you back then. I know its to late for me to say this but i want to say sorry! I'm so sorry my heart.
Binalikan ko ang lugar kung saan tayo may masayang alaala, lahat naman ng napuntahan natin may masayang alaala pero ang lugar na binalikan ko ay ang lugar kung saan ka malapit, nagbabakasakaling makasalubong ka man lang.
Habang nakaupo sa isang bench sa park na iyon, Lahat ng alaala nagbalik sa isip ko, para silang isang pelikula na mayroong magandang pamagat pero walang magandang wakas.
Mga alaala na babaunin ko saan man ako magpunta. Sa tuwing babalikan ko sa isip ko ang lugar na iyon, ikaw ang unang papasok sa isipan ko. Ang gwapo mong ngiti, ang singkit mong mga mata at ang napakatangos mong ilong.
After a year, we see each other again, I don't know if it is a fate, but one thing I'm sure you still the one that i love. No one can replace you.
Pero bago pa man ang pagtatagpong iyon, apat na buwan na ang nakakaraan nalaman ko na mayroon na palang pumalit sa pwesto na dati ay ako lang.
Dalawang buwan na kayo ng bago mo no'ng malaman ko ang tungkol sa kanya. Sobrang sakit ng malaman ko ang bagay na iyon, kase sa kabila ng dahilan na ako 'yung sumuko sa ating dalawa, na ako iyong nang-iwan hindi ko magawang humanap ng papalit sa'yo sa kabila kase ng sakit na narardaman ko noon, umasa parin ako na tayo parin hanggang dulo. Natanong ko rin ang sarili ko no'n GANUN NALANG BA AKO KADALING PALITAN?
YOU ARE READING
My HEART
Romance"Expecting too much, can hurt you too much" "In God's time you will be happy forever"