By kittenn
Palage parin tayong magkatext, chat at video call
Hanggang ngayon wala paring "tayo"
Walang salitang "tayo" na nagkokonekta sa ating dalawa.
Sinasaktan ko na naman ang sarili ko, mula ata ng hayaan kong makapasok kang muli sa buhay ko.
Nabigyan ka ulit ng karapatang saktan ako, at saktan ko ang sarili ko.
Mahal kita kaya hindi maiiwasan 'yung ganito.
Deserve ko ba talaga ang ganito?
Deserve ko ba talagang masaktan ng ganito?
Bakit kailangan mong iparamdaman sa akin na ako parin pero iba ang nakikita at nababasa ko?
Flower?
Swerte niya, makakatanggap siya mula sa'yo.
Samantalang ako noon walang natanggap galing sa'yo.
Nakakaingit! Masakit!
Aasa na naman ba ako?
Akala ko ba ako parin?Pero bakit may flower?
Para saan 'yon?Paano ko nalaman?
Kase, nakialam na naman ako, nagbasa na naman ako eh. Pero hindi sa conversation niyo. Kundi sa usapan niyo ng kaibigan niyong dalawa.Sorry, binasa ko. Hindi ko mapigilan eh, may nagtulak kase sa'kin na basahin.
Nasa manila ka kahapon. Doon mo binalak na supresahin siya.
Ang swerte, swerte niya.
Noong mayroong "tayo" walang ganyang effort.
Walang ganyang supresa.
Walang flower o chocolate.
Ang swerte swerte niya, naiinggit ako sa kanya.
Nagseselos ako!
Hindi ko na naman mapigilan, sinabi ko sa'yo ang tungkol sa bulaklak.
Sagot mo, "bulaklak lang 'yun"
"Yeah, bulaklak lang 'yun. Fuck! Na never mong ibinigay sa'kin noon." Tugon ko sa'yo.
Sabi mo pa, "gusto mo bang bigyan din kita?"
"Damn! Ano? Napipilitan ka lang? Hindi ko kailangan n'on. Ano? Naawa ka lang?", gusto kong isagot sa'yo.
Kinakain ako ng selos!
Hindi ko kaya ang ganito.
Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Kase baka sukuan na naman kita eh.
Baka bumitiw na naman ako sa'yo.
Tapos sa huli, ako parin 'yung masasaktan.
Gustong-gustong kong makiusap sa'yo h'wag mo na siyang bigyan. Kase naseselos ako.
Pero anong laban ko? Siya ang "girlfriend" mo.
Ako? Sino ba ako? Wala namang "tayo" diba?
Alam ko naman na masasaktan ako, pero sumugal parin ako kase alam kong ako parin ang "mahal mo".
Pero hanggang saan at kaylan ako magpapakatanga ng ganito sa'yo?
Kase sawang-sawa na akong umiyak.
Deserve ko ba talaga ang ganito?
'Yan nalang lage ang tanong ko sa isip ko.Unti-unti ng nawawala ang pagmamahal ko sa sarili ko.
Ramdam ko, malulunod na naman ako sa'yo.
YOU ARE READING
My HEART
Romance"Expecting too much, can hurt you too much" "In God's time you will be happy forever"