[Janna POV]
“Janna,hindi ka pa ba male-late?"tanong ni Mama.
“Di naman po siguro.9:30 pa lang naman po.Pero alis na po ako.Bye po"sabi ko sabay kagat ng tinapay na hawak ko bago lumabas ng bahay at pumara ng tricycle.
Sana hindi mahaba ang pila sa sakayan ng FX.
Nagtatrabaho kasi ako sa isang sikat na hotel and casino sa Manila.Malayo layo rin yun kasi sa Bulacan pa ako.
“Manong sa tabi na lang po."bumaba na ako at nagbayad.
Napamura na lang ako ng mahina ng makita ang pila ng FX.
Ang haba ng pila ang FX na papuntang Manila.Male-late ako nito.Tapos masama pa ang panahon.Mukhang uulan na kasi napakadilim.Naku naman!!Napaka hassle naman nito.Kung alam ko lang sana eh mas maaga akong nagpunta rito.Tsk!
Mga ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring dumadating na FX.Bwiset,male late na ako.Never pa naman akong nale-late.Nasaan na ba yang mga FX na yan?Kailangan ko na yatang tawagin si Doraemon para pahiramin ako ng Dokodemo Door.Tch!
“Miss gusto mong makisilong?"may kumalabit sa akin sa likod ko kaya napatingin ako.
Naka doraemon na damit,doraemon na jacket,doraemon na pantalon,doraemon na sapatos,doraemon na bag at doraemon na payong.
Putek,nagha hallucinate na ba ako kay Doraemon?
“Miss??"
“Ah eh,wag na!"nahihiyang sabi ko kasi natulala ako.
“Bilis na,Miss.Baka lalong lumakas ang ulan bahala ka mababasa ka."sabi nya.
Inaaninag ko yung mukha nya pero di ko makita kasi naka hood sya.
“Sige na nga"nakisilong na ako kasi mukhang bubuhos na ang ulan at ang tanging may silungan dito ay sa waiting shed na malapit sa terminal.Eh umabot na nga ng kabilang terminal tong pila.
Tumingin ako kay Kuya Doraemon (wala akong matawag kay Kuya eh di ko alam name nya).Nang nakatingin ako sa kanya ay bigla syang tumingin sa akin at ngumiti kaya nag iwas ako ng tingin.
Shocks!Ang pogi at ang cute.Mukhang korean!!!!!
Putek!!Feeling ko pulang pula na ang mukha ko.Haay,naku!!Ke aga aga landi agad Janna!Psh!
“Kuya Doraemon,saan ang punta mo?"tanong ko.
“Kuya Doraemon?"nagtatakang tanong nya.Aish!Janna naman dumulas ang dila ko dun ah.
“Ah eh.Ang hilig nyo po kasi sa Doraemon!"sabi ko sabay kamot sa batok ko.
“Paano mo nalaman!?"natatawa nyang tanong.
“Ay kuya.Di ba halata?"tanong ko sabay tinging mula ulo hanggang paa.
Napatawa sya ng malakas at pinagtinginan kami ng mga iba pang pasahero.Humingi naman agad sya ng tawad.
“Kuya Doraemon,saan ulit yung pupuntahan mo?"tanong ko ulit.Sorry naman!Likas na palatanong ako.
“Ah yun ba?Sa Entertainment kung saan ako trainee.Pinapapunta kami ng personal dahil may evaluation daw."
“Waah!Goodluck Kuya Doraemon.Dapat Kuya pag sikat ka na,di mo ko makalimutan ah.Kailangan may autograph ako at picture."cheer ko sa kanya.Syempre dapat may suporta sila diba.Number 1 ako dun.Kapal ng face ko sa huling part ng sinabi ko.
“Thank you!Syempre naman."
“Anong position mo dun Kuya?"
“Lead Vocalist and Face of the Group"
“Parang korean yun ah!"napaisip ako.
“Oo.Korean nga."sabi nya habang napapangiti.
“Ah yung mga shing shang shung?"tanong ko.
“Huh?"
“Yung mga kumakanta ng mga alien na kanta.Yung katulad ng ‘Shing shang shung' "kinanta ko pa ,yung tono ng theme song nila Dao Ming Zou at San Chai.Achuchu!Napakanta pa ako ng wala sa oras.
Tinitigan ako ni Kuya Doraemon ng 5 seconds bago tumawa ng malakas.Tinitignan ulit kami ng ibang pasahero.Mukhang di naapektuhan nun si Kuya Doraemon kasi tawa pa rin sya ng tawa.
“Pasensya na po.Kakalabas lang po ng mental."paghingi ko ng tawad sabay tingin kay Kuyang Doraemon at palo ng malakas sa braso.
Mukhang humuhupa na ang pagtawa ni Kuya Doraemon.
“Seriously?Hahahahaha..........Chinese yun...Hahahahaha"tumawa ulit sya.
Chinese ba yun?
Ba malay ko ba?
“Hoy tumigil ka nga."pagpapatigil ko sa kanya kaso tawa pa rin sya ng tawa.
Sumimangot na ako at nagsimula ng lumayo sa kanya.Napahiya na kasi ako at tawa pa rin sya ng tawa.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.
“Sorry na.Dun na lang tayo sa kotse ko."sabi nya sabay hatak sa akin.Nang makasakay na kami sa kotse nya na doraemon ay bigla ko syang binatukan
“Yaah!Para saan yun?"
“Adik ka ba?May kotse ka naman pala ay sasakay ka pa ng FX?"naiinis kong tanong.
“Sorry na!"pinaandar na nya ang kotse.
Nakipagkwentuhan muna ako kay Kuya Doraemon.Dahil likas na madaldal ako walang tigil akong nagkwento.Nang mapagod na ako dun pa lang ako huminto.At dahil likas ring madaldal si Kuya Doraemon ay halos buong buhay nya ay sinabi nya sa akin pati nga shampoo na ginagamit nya.
Nakarating kami sa pinagtatrabahuhan ko.
“Kuya Doraemon salamat sa paghatid."pagpapasalamat ko.
May sinuot syang kwintas sa akin na partner ng sa leeg nya.
Doraemon?
“Remembrance ko para sa iyo"sabi nya sabay ngiti.
Ano ba yan?May remembrance sya para sa akin samantalang ako di ko sya mabigyan.
AHA!💡
Kinuha ko yung pocket notebook ko at inabot sa kanya.
“Para saan to?"
“Remembrance ko.Para kapag sikat ka na,pwede mong ilagay dyan yung lyrics ng mga kanta mo,diba?"
Napatawa na lang sya.Siguro di nya akalain na ibibigay ko yun.
“Thank you!"sabi nya.
Lumabas na ako ng kotse pero may narinig ako....
“Sa muling pagkikita,Janna"
Tatanungin ko sana kung paano nya nalaman ang pangalan ko ay nakaalis na yung kotse.Nagsimula na akong maglakad papasok habang nakangiti.
Sa muling pagkikita Kuya Doraemon.....