Grabe Siya Oh!

46 7 0
                                    

[Mika POV]

“Yihee!Ang cute ni Calix oh!"tapos ngumuso pa ko sa way ni Calix Baltazar,yung crush na crush ko since 1st year high school.

Nagdo-drawing kasi sya sya.Magkaklase kami at sa kasamaang palad nasa kabilang side sya ng room.Nasa right side ng room ako while sa left side naman sya.Pero nasa magkabilang dulo kami parehas.Oh diba ang galing?Nakikipagpalit pa ako ng upuan para matanaw sya.Baliw na baliw diba?

Syempre pogi,talented tapos isa pang varsity player.Saan ka pa?

Maraming nahuhumaling sa kanya at isa ako sa nabihag nya.Naks!Nabihag,lalim ah.Hahaha!!

“Adik ka na no?"tinitigan ko ng masama si Freida.

“Grabe sya oh!Cute,talented at pogi talaga sya.Kaya nga gustong gusto ko sya"

“Kaso hindi ka nya gusto."patuloy pa rin sya sa pagbabasa ng libro.

“Alam mo,Freida buti kaibigan kita kundi nabatukan kita ng wala sa oras."siya lang talaga ang best friend na hindi sinusuportahan ang kaibigan nya.Napaka suportive kasi nya.Note the sarcasm.

Di ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko pa ito eh?

“Kaya ka walang lovelife eh.Bitter ka masyado.Freida,ang bitter,lasa yan hindi yan inuugali."

“ARAY!!"napahawak ako sa buhok.Bigla ba namang hatakin?!Peshte!Sakit nun ah.

Napansin kong tumingin si Calix samin kaya napayuko ako.

Nahihiya ako!Shet!Beket be eke kenekeleg?

Buti wala na yung mga kaklase namin,nasa canteen na silang lahat kasi lunch na.Dito namin naisipan kumain.Tinatamad na rin kami eh.Yun talaga eh!Tinatamad talaga ang rason!Hahaha!!Dami pang palusot.

Si Calix nagda drawing,kami naman ni Freida,nagchi chikahan este ako lang pala yung chumichika.Di naman ako pinapansin ni Freida eh.

Wala syang kasama,nagpunta yung barkada nya sa canteen.Kami naman ni Freida,iniwan rin kami ng mga kaibigan namin para kumain sa canteen.So tatlo lang kami dito.

“Bakit di ba sabihin sa kanya na gusto mo sya?"tanong nya na nakapagpahinto sakin.

Gustong gusto ko kasi sya kaso hindi ako yung taong vocal sa nararamdaman.Nakakahiya kaya.Syempre,may konting hiya pa naman ako.

“Eehh!!"pag-iinarte ko tapos may matching hampas pa.

“Langya naman,Mika oh!Nagbabasa eh!Dun na nga lang ako sa canteen."tinulak nya ako tapos nag walk-out.

“Freida,bili mo ko ng ice cream ah!"pahabol kong sigaw.Natatawa pa ako nang isigaw ko yan.Kasi mas lalong mababanas sakin si Freida.

“TUMAYO KA DYAN!HUWAG KANG TAMAD!!"balik na sigaw ni Freida na nakapagpatawa sakin.

“LABYU!!"sigaw ko.Sarap talagang asarin si Freida.

“LABYU TOO!!"sigaw pa nya ulit.

“Hahahaha!"sweet namin no?Sa ginawang araw ng diyos,laging ganyan ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Napatingin ako sa paligid.

Kami na lang pala ni Calix ang nandito!Kyaah!!Kakilig!!

Halayin ko kaya sya o kaya kidnapin?

Gusto kong batukan yung utak ko sa mga pinag-iisip ko.Takte naman eh!Kung ano ano ang naiisip ko.

“Ah Calix gusto mo sandwich?"alok ko sa kanya ng sandwich na kinakain ko.

Tinignan lang nya ako at binalik ang atensyon sa ginagawa nya.

Ang sungit talaga!FYI lang ah,wala akong sinabing mabait sya,ang sabi ko lang pogi,talented at varsity player.

One-Shot Stories[Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon