[Jilliane POV]
“Yihee~Ayan na si Keith oh!!"sabi sa akin ng kaklase ko.Syempre ako naman si tanga,sumilip agad sa bintana pero wala naman.Inaasar na naman nila ako.Tch!
Tinignan ko sila ng masama.“Paasa kayo no?"tinawanan lang nila ako.
“Miss Andrade and company,pwede kayong lumabas at doon ituloy ang kwentuhan nyo."sigaw ng teacher namin.Nagdi-discuss kasi sya ng lesson tapos ang lakas ng tawanan ng mga to.
“Sorry,Ma'am."hingi ko ng tawad.
*Lunch*
“Tara na Jilliane."pumunta na kami ng canteen.
Nilibot ko yung mata ko.Maghahanap na ako ng table kasi labasan na ng mga students at laging walang bakanteng table rito.Pero may napahinto ako sa paghahanap ng may mamukhaan akong umo-order sa lunch counter.
Sa pagkakaalam ko kasi mamaya pa ang lunch nila.Iba iba kasi ang sched ng pagdi-dismiss ng klase para di masyado magulo rito sa canteen.
“Oh?Si Keith?Bakit nandito sya?"nilapitan ni Lean si Keith.Parang kinausap nya ito at bumalik rin agad.
“Oh bakit raw?"agad na tanong ko.
“Secret!"naglakad na sya papuntang lunch counter pero hinatak ko yung buhok nya.
“Aray naman,Jilliane!"
“Brutal masyado,Jill."sabi naman ni Aiko,kasama rin namin.
“Ano nga kasi?!"
“Oo na nga oh!!Sabi nya ang cute mo raw!!"tinanggal nya yung pagkakasabunot ko sa kanya at pumila na.
Napatulala naman ako sa sinabi nya.Etong si Aiko pinaghahampas ako,ako naman na estatwa lang.Hindi makapasok sa utak ko.
Nakahanap na kami ng upuan at nakabalik na rin si Lean na may dalang tray ng pagkain.
“Totoo yun?"tanong ko.
“Oo nga sabi!"nagsimula ko nang hampasin si Aiko since sya naman ang katabi ko.Shocks!Kinikilig ako!!
Hinanap ng mata ko si Keith pero di ko sya mahanap kaya nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain,hinanap ko ulit si Keith.Nahanap ko si Keith na may hawak na tray at nagkasalubong ang mga nata namin.Agad akong nag-iwas ng tingin.Mamaya mahimatay ako sa kilig!!Shet!!
Napansin kong may huminto sa gilid ko kaya napaangat ako ng tingin.Shet!!!!!Si Keith!!
“Pwede ba akong makiupo?"nakangiti pa sya nyan ah.
“Ah ganun ba?Sure dito ka na umupo.Dyan ka na sa tabi ni Jill at lilipat na lang si Aiko sa tabi ko."tumingin sila Lean sakin at may kakaibang ngisi sa mga labi nila.Lumipat na si Aiko at tumabi si Keith sakin.Emerghed!!Mahihimatay na ako!!Sana ganito na lang araw-araw!Yihee~
Naglaro na lang ako ng game apps sa phone ko.Pero napansin kong may nakatingin sakin kaya tumingin ako kanila Aiko na may sariling ginagawa.Kaya tumingin naman ako sa gilid ko.Shocks!!Nakangiti syang nakatingin sakin.
“Ano yang tingin na yan?"may pang-aasar sa boses nila Aiko kaya sinipa ko yung paa nila.
“Aray naman,Jill!Brutal masyado!!"sinamaan ko sya ng tingin.
Napansin kong tumingin si Keith kay Lean at parang eye-to-eye silang nag-uusap.
“Uhm,guys may pinapagawa nga pala samin si Ma'am.Bye na muna!!"hinatak na nya si Aiko.
“Enjoy nyo na ang date nyo!!"pahabol pa nila.
“Ha?Anong date?"tumingin ako kay Keith na mukhang tuwang tuwa sa nangyari.Shet naman!Wag ka ngang ngumiti ng ganyan.Lalo akong nahuhulog sayo eh!!!!
“Ah wala lang yun.Gusto mo ng ice cream?"
“Ah sige."bumili sya ng ice cream at bumalik agad.
Kumain na kami at super daldal pala ni Keith.Andami nyang sinasabi sakin.
Hinatid na nya ako sa next class ko.
“Uhm Jilliane...."
“Yes?"
“Alam ko na ang lahat."
Anong sinasabi nya?
“Huh?"
“Alam kong crush mo ko."
Shet!!Paano nya nalaman?
“P-paano...."
“Secret!!"
“Joke ba yan?Hahaha!"nahihiya akong tumawa.Pampalusot lang.Hehe!
“Makikipagkuntsabahan ba ako sa mga kaibigan mo,kung hindi totoo yan?"
“What?!"nakita ko yung mga ‘napakabait' kong mga kaibigan.
“Don't worry.Crush rin kita."iniwan nya akong tulala.
Ano daw?
-end-