Kuya Doraemon-Part 2

79 7 0
                                    

[Janna POV]

*1 year later*

“Insan,alam mo ba na dito daw mag che-check in yung ZStar?"chika sa akin ni Hailey,kaibigan/pinsan ko.Ang daldal talaga.Sobrang daldal nyan kapag wala na kami sa trabaho.Nasa locker room na kasi kami

Kumunot ang noo ko.Ano yung SZtar?

“Ano yung ZStar?"tanong ko kasi wala talaga akong alam na ZStar.

Ngumuso si Hailey ng napakahaba.“Insan naman.Sila yung pinaka sikat na Korean group sa big whole world.Di ka ba updated?"

“Ah!"yun na lang ang nasabi ko.It means na wala akong interest sa mga ganyan.

“Narinig ko ngang tiga-Pilipinas raw yung Leader nila.May Asia Tour sila."sabi ni Hailey habang kinikilig.

Naalala ko tuloy si Kuya Doraemon.Diba trainee sya sa isang entertainment?Kamusta na kaya siya?Sikat na kaya yung grupo nya?

Na-miss ko tuloy sya.Syempre,na miss ko sya kahit mga ilang oras lang yung pagkakakilala namin,parang magkakilala na kami ng matagal.Yung Doraemon na kwintas nga suot ko pa rin.

Gusto ko man hanapin sya,di ko naman alam ang pangalan.

Bat ba hindi ko sya natanong?

“Janna?Okay ka lang?"tanong ni Hailey na nakapagbalik sa akin sa realidad.

“Ah oo naman.Tara uwi na tayo."hinatak ko na sya palabas.Tiga-Bulacan rin siya.Actually,magkapit bahay kami.This month pa lang sya pumasok sa hotel na pinapasukan ko.

Pumara na sya ng taxi papuntang sakayan ng FX.

“Buti na lang at walang pila!!"sabi ni Hailey ng makababa na kami sa taxi.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

Nakasakay naman kami agad ng may mapansin akong naka doraemon na t-shirt at cap na katabi ko.

“Kuya Doraemon?"tanong ko sabay kalabit.Inaasahan kong si Kuya Doraemon pero hindi pala.

“Sorry po!"paghingi ko ng paumanhin.

“Uy insan,sino si Kuya Doraemon?"curious na tanong nya.

“Wala!"matipid kong sagot.Wala ako sa mood para makipag-usap.Kumuha na lang ako ng earphones at nakinig na lang ng music sa phone ko.Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Insan,gising na.Nasa bahay na tayo."gising ni Hailey sa akin.

Minulat ko yung mga mata ko.Nasa kwarto ko na nga ako.

“Paano ako nakarating rito?"

“Ah eh!"sabi ni Hailey na parang may tinatago.

“Hailey Angelus Madrigal,ano yun?"tanong ko habang pinanlalakihan sya ng mata kaya nagtatakbo sya palabas.

May di sinasabi sa akin yung pinsan kong yun.

Paano ba ako nakarating rito kasi after naming bumaba dapat sa FX ay sasakay pa kami ng tricycle.Pero ang galing naman kasi nag teleport ako papunta sa kwarto ko.

Tumayo na ako at nagpalit ng damit bago bumaba pero may napansin akong nakapatong sa side table ko.

Ticket?Para saan naman to?

Nilapitan ko yung side table at kinuha yung ticket.

Ticket para sa Asia Tour Concert ng ZStar?Anong gagawin ko rito?

Napansin ko ring may sticky note na nakadikit sa lampshade ko.

~Insan samahan mo ako sa concert ng ZStar myloves ko.Bukas na yun.Ayaw ako samahan ni Ate Happy.Please,please,please,please!!Ngayon lang ulit ako humingi ng pabor!Sa ****** arena lang naman yun.Thank you insan.Love,Love,Love.Your lovable insan,Hailey~

One-Shot Stories[Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon